Itong 2nd year, hindi na kame buo. Yung dating 7 kami sa grupo nung summer, 5 na lang kame ngayon. Ako, si Anne, Hell, Joyce, Kuya Ems, at si Michael.
Si Nine at Brian kasi hindi namin ka department dahil Computer Engineering sila at kame naman Chemical Engineering.
Nakakalungkot isipin na nabawasan na kame pero minsan nagsasama sama kame pag pareho ang free time namin.
Sa bawat segundo, minuto, oras, at araw na lumilipas nagiging super close na kame ni Michael at sobra akong natutuwa sa nangyayari samin.
Si Michael na dating mahiyain at tahimik, ngayon sobrang kulit at ingay na. Kaming dalawa ang nagsisimula ng ingay sa room
One time nagdala si Kuya Ems ng laptop, hiniram naman ni Hell at magfafacebook siya.
Maagang umuwi si Hell dahil susunduin niya yung girlfriend niya sa school, nung si Michael na ang gumamit ng laptop ni Kuya Ems, nakita niya na hindi nalog out ni Hell yung facebook niya kaya may ginawa siya na kaya nabuo yung grupo na "Wash Family".
Kaya nabuo ang Wash Family dahil sa kakagawan ni Michael, pinalitan niya yung profile picture ni Hell ng picture ni Papa Wash at pinalitan niya din yung birthday na ngayong araw din at nagpost na "I am gay"
Lahat kami tawa ng tawa sa ginawa ni Michael and fortunately hindi nagalit si Hell sakanya at nakitawa na din samin
Madalas na si Anne at Michael lang ang kasama ko dahil si Hell at Kuya Ems lagging absent at si Joyce naman may sariling grupo sa room.
Ibang iba na si Michael ngayon, hindi ko na siya maintindihan minsan kasi napaka sweet niya, caring, gusto niya lagi nasa tabi niya ako, pero binalewa ko yun kasi ayokong usama. Lalo na nung napagkamalan kaming mag jowa, nawalan talaga ako ng pag-asa sa sinagot niya.
Naglalakad kameng tatlo sa corridor ng kausapin ko yung PICE president ng department namin na si Rafael, dahil representative ako ng batch namin.
Pagkatapos namin mag-usap bigla niya kaming tinanung dalawa ni Michael
"Teka nga, are you together? Boyfriend Girlfriend thingy? O kaya mag ex?" natatawang tanung samin ni Rafael
"No, never!" defensive kong sagot
"Easy, parang direng dire ka sakin Rean ah hahaha" natatawang sabi niya sabay akbay sakin at ginulo yung buhok ko
"baliw!" yun lang ang nasabi ko sakanya dahil nahihiya ako na nakaakbay siya sakin
"No Rafael, she's just my best friend" sabay tingin sakin na nakangiti
Ngumiti na lang din ako at sumang-ayon sa sinabi niya, sa loob loob ko nasabi ko na lang "Haaayyy nako Rean.. I'm such a moron, best friend.. best friend lang ang turing niya sayo kaya wag kanang umasa" Im too young for all of this, but damn it hurts.
Nababaliw na nga talaga ako, pati sarili ko kinakausap ko na
Habang tumatagal napa clingy niya, napaka sweet niya, minsan possessive at higit sa lahat napaka seloso. May pagkakataon pa nga na nag CR lang kami ni Anne at hindi ako nag sabi sakanya na mag ccr lang kame kaya pagbalik namin galit na galit siya
"Where have you been?!" nakasigaw na tanong ni Michael sakin
Nagkatinginan muna kami ni Anne bago ako sumagot "Nag CR lang, bakit?" nagtatakang sagot ko sakanya
"And you didn't tell me?! Kanina pa kita hinahanap!" pasigaw paring sabi ni Michael
"Chill ka lang dude, you don't need to shout" medyo natatawang sabi ni Anne
BINABASA MO ANG
TALK LIKE BEST FRIEND ACT LIKE lOVERS
Non-FictionSabi nila mahirap magmahal.. The pain, hurt, sadness.. Lahat yan mararamdaman mo. Pero pagnagmahal ka nagiging masaya ka na naman diba? na kahit masaktan ka atleast sumaya kanaman.. Ako.. takot ako magmahal, takot na takot.. Cause love, they say, is...