Simula

78.7K 1.5K 55
                                    

"Mommy!" Tawag ni Aiden.

"Mommy, I'm thirsty.." Reklamo ni Braiden habang hawak ang lalamunan.

"Wait lang mga anak ha? Aiden, ikuha mo muna ng tubig si Braiden." Sabi ko.

Inihahanda ko kasi ang lunch nila kaya aligaga ako. Sinilip ko ang orasang nakasabit sa pader at nakitang mag-aalas siete y medya na. Malapit ng dumating ang school bus.

"Moo.." Bigkas ni Caiden. Napangiti ako.. malapit na kasi niyang mabigkas ang Mommy sa kanilang tatlo siya pa lang ang hindi pa nakakapagsalita.

"Mommy, can I ask you a question?" Tanong ni Aiden at pumunta sa gilid ko. Pinanood niya kung paano ko ilagay sa lunch box ang hotdog at bacon pati kanin.

Aiden, Braiden at Caiden. Sina ang tatlong cute kong mga anak.

"What is it baby?" Tanong ko sa kanya.

Sunod ko namang inilagay sa separate na box ang mga prutas na hiniwa ko sa maliliit para sa dessert nila. Hindi na nagsalita si Aiden kaya naman sinilip ko siya, nakaharap na pala silang tatlo sa akin. Lumuhod ako para maging sing tangkad ng mga anak ko.

"Ano iyon?" Nakangiti kong tanong.

"Mommy... who's our Daddy?"

Agad na nawala ang ngiti sa aking mga labi at napalitan ito ng pagkagulat. Bakit? Unang-una dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pangalawa, nagsalita si Caiden! At pangatlo, iyon pa talaga ang sasabihin niya? Ang unang sasabihin niya? Seryoso ba?

Dahil sa simpleng tanong na 'to, naging magulo ang isip ko.

Sino nga ba ang ama ng mga anak ko?

Who's our Daddy? (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon