Kabanata 11

29.8K 530 14
                                    

Linggo ng umaga ay umalis kami para magsimba. Pagkatapos ay nagsindi ako ng kandila at nagdasal. Sinilip ko ang mga anak kong tahimik na nakatayo sa tabi ko at pinapanood ang mga tao sa paligid.

Araw-araw nagpapasalamat ako na dumating sila sa buhay ko. Hindi man ganoon kaganda ang mga naranasan ko, nand'yan naman sila para ipakita sa akin kung gaano kasaya mabuhay sa mundong ito.

"Eidan, akala ko ba sasabihin na natin sa parents mo?"

Natatakot na ako, tatlong linggo na ang nakakalipas nang malaman kong buntis ako at pakiramdam ko lumalaki na ang tyan ko. Malapit na ang eighteenth birthday ko.

Hindi rin ako makapag-review ng maayos sa nalalapit naming exams.

"Oo, Aine. Humahanap lang ako ng tiyempo." Sagot niya na hindi man lang ako tinitingnan. Tutok na tutok siya sa nilalaro niya sa play station.

"Kailan ba? Magbigay ka naman ng date. Hindi pwedeng ipagpaliban, Eidan." Wala pang nakakaalam bukod sa aming dalawa. Mabuti na lang at hindi ako nasusuka kapag nasa university, dahil kapag nagkataon baka malaman na ng mga kaibigan ko.

"Oo, sasabihan naman kita agad. Tss! Muntik na tuloy akong mamatay!" Aniya na ikinapantig ng tainga ko.

"Ano ba? Kanina ka pa d'yan ah! Kinakausap kita Eidan! May problema tayo pero mas inuuna mo pa 'yang laro na 'yan!"

"Pwede ba Aine? Hayaan mo ako kahit ngayon lang!" Tutok na tutok pa rin siya sa TV at pokus na pokus sa pagdutdot ng controller.

"Ilang araw ka nang puro laro! Ni hindi mo naisip na may mas nauuna pa dapat kaysa d'yan! Hindi naman importante 'yan ah? Mas importante pa ba 'yan kaysa sa amin ng baby mo?!" Hindi ko na napigilan, naiyak na ako dahil sa sama ng loob. Agad ko siyang nilapitan at hinigit ang controller para matanggal sa pagkakakonekta sa play station niya.

"Ano ba?!" Singhal niya. Tumayo siya at iniwan ako pero sinundan ko pa rin siya papunta sa kusina.

"Sabihin mo nga! Importante ba kami sa'yo?" Hindi niya ako pinansin at pumunta lang sa ref at kumuha ng tubig. "Ano Eidan?!"

Tinabig ko ang baso at nabasag iyon, "Ano ba Aine?! T-angina! Sa tingin mo ikaw lang nahihirapan dito? Hindi lang ikaw Aine! Ako din! Kung hindi mo alam gagawin mo, ako din hindi ko alam! Parehas lang tayo pero pinamumukha mong ikaw lang ang nahihirapan eh! Natatakot rin ako tulad mo!"

Umalis si Eidan at iniwan ako sa condo unit niya. Nagpatuloy ang araw ko nang wala siya. Hindi siya umuwi kaya iyak ako ng iyak sa gabi. Kahit puyat ay pumasok pa rin ako sa klase kinabukasan. Para akong lantang gulay, wala akong ganang kumain o gumawa ng kung anu-ano. Panay ang tingin ko sa cellphone ko kung may text ba o reply si Eidan, ngunit wala. Tinatawagan ko rin siya pero hindi siya sumasagot.

"Aine, anong nangyari sa'yo? Mukha kang t-anga?" Biro ni Sarah na hindi ko pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko na kinaya at nahimatay ako.

Nagising na lang ako na nasa clinic na ako. Nasa tabi ko rin si Sarah na mukhang nag-aalala. Pinilit kong kumilos pero hindi ko kaya, hinang-hina ako. Tinulungan niya akong makaupo.

"Aine, k-kailan mo balak sabihin?" Maluha-luha niyang tanong. Natigilan ako saglit pero nakabawi rin.

"Nasaan si Eidan?" Pag-iiba ko.

"Alam ni Eidan?" Tumango ako. "Nasaan siya?"

 Nagkibit balikat ako. "Si Eidan, Sarah. Pakitawagan naman." 

"T-anginang Eidan 'yan!" Tumayo siya at kinuha ang cellphone, may dinial siya at kinausap.

Maya-maya lang ay dumating na si Zanya na hinihingal. Napatingin ako sa likuran niya, kasama niya si Lester. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ngunit hindi ko iyon pinahalata. Tinitigan ko ang pinto, umaasang may papasok pa pero tuluyan nang sumara ang pinto ng clinic. Wala siya. 


"Aine, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Zanya habang tinitingnan ang buong katawan ko kung may sugat ba ako o ano.

"A-Ayos lang ako." I smiled a bit. 

"Ayos ka lang? Seryoso ka? Eh mukhang bibigay ka agad once na tumayo ka!" Pumameywang si Zanya. Napayuko ako. Nasaan ka ba Eidan? 

"Zanya, please huwag kang mabibigla." Lumapit si Sarah kay Zanya, sinenyasan ko siya na huwag sabihin ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin. "Tumigil ka Aine, kailan mo pa ba balak itago sa amin 'yan?" 

Napatingin ako kay Lester na tahimik lang na nakikinig. Ayokong magsalita, ayokong sabihin. 

"Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na Aine. Anong problema?" Malumanay na tanong ni Zanya.

"Ikaw magsabi Aine, ayaw ko na sa akin pa mismo manggagaling. Mas maganda nang sa'yo." Si Sarah na naupo sa dulo ng kama. 

"Bakit? Anong meron? May sakit ka Aine? Anong sakit mo?" Umiling ako.

"Si Eidan..."

"B-ullshit!" Mahinang mura ni Sarah.

"Nasa bahay si Eidan." Napatingin ako kay Lester. 

"Anong ginagawa niya? Bakit hindi niya ako tinetext o tinatawagan? May kasama ba siyang iba?" Sunod-sunod kong tanong.

"Hindi ko alam. Nasa kwarto lang siya noong umalis ako. Bakit? Magkaaway kayo?"

"Pakitawagan naman siya please..." Pakiusap ko. "Pakisabi na kausapin niya na ako."

Kinuha ni Lester ang phone niya at pumindot doon, "Naka-off ang phone niya." 

"Tawagan mo pa ulit, baka lowbatt lang." Naluluha na ako pero pinipigilan ko lang. Eidan naman, kausapin mo na ako.

"Pwede ba Aine!" Tumayo si Sarah, halatang nafu-frustrate na dahil sa akin. "Tumigil ka muna kaka-Eidan mo! Isipin mo muna sarili mo pati 'yang dinadala mo!" Napatingin si Zanya at Lester kay Sarah pagtapos ay sa akin.

"B-Buntis ka?" Paglilinaw ni Zanya. Bumuhos ang luha ko.

"What the f-uck are you talking about?" Singit ni Lester.

"Lester, please stay out of this!" Sigaw ni Zanya sa boyfriend niya.

"Why? I have a say in this f-ucking situation Z! Eidan's my brother!" Sinapak niya si Lester sa mukha, "What was that for?"

"I told you to stay out of this! You don't have a say in this, you and your a-sshole brother!" Gigil na gigil na sabi ni Zanya. "Get out!" 


Lester looked at me before heading out the clinic. Ilang minuto kaming natahimik, walang balak magsalita. I am still crying. Zanya hugged me and started to cry too. She brushed my hair and patted my back. 


"We'll get through this." She said.


Who's our Daddy? (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon