[chapter 1] miserable life >>>

14 0 0
                                    

1st day of school na pala ngayon. ang bilis lang ng panahon. kelan lang nung lumipat kami dito sa bago naming bahay. kelan lang din nung umalis ng bansa si mama para magtrabaho sa abroad tulad ng ginawa ni papa. nakakamiss na silang pareho. kung hihingin ko namang favor sa kanilang dito nalang sa Pinas magtrabaho, ayaw din nila kasi daw kelangan nilang mag-ipon ng mas malaking pera para daw sa kinabukasan ko. para daw makapag-aral pa rin ako sa pribadong paaralan tulad ng paaralang pinapasukan ko ngayon.

actually, that's not a better idea for me. kasi diba nakakamiss sila. nakakainggit ngang makita yung pamilyang sama-sama eh pero mapilit sila kaya naman naiwan ako dito kasama ang katulong namin na almost 10 years nang naninilbihan sa amin.

minsan nga naiisip kong hindi nila ako mahal kasi diba, dapat andito sila sa tabi ko ngayon pero napagtanto ko na rin kelan lang na talagang mahal nila ako. kasi hindi sila magsasakripisyo para sakin kung hindi nila ako mahal.

***

1st day of school na. papunta na ako ngayon sa bago kong school. medyo hindi ako naeexcite kasi nga wala pa akong kakilala kung sino yung magiging kaklase ko sa new school na papasukan ko kasi nga trasferee lang ako dito. 3rd year high school student na ako this year. bilis lang nga eh. naaalala ko pa na parang kahapon lang eh 1st year high school pa lang ako tapos ngayon, whoo!!!

nakarating din ako sa wakas sa school. hinatid ako ni kuya Arvin, yung cousin ko sa mother's side gamit ang kotse niya. mayaman yun eh. abroad din yung parents nun. 4th year college na yun at hindi kami sa iisang place nag-aaral. ang sabi kasi, separated daw yung college ng school na papasukan ko sa kinder to high school pero magkalapit lang din daw sila.

"bye kuya! tatawagan nalang po kita mamaya. sunduin mo ko ha?" sabi ko sa kanya bago ako bumaba ng kotse.

"sige po mahal na prinsesa! tawag po kayo mamaya ha?"

"lul! sige na nga alipin ko! bwahaha!"

"sakit naman nun payat! alipin? pogi kong to alipin?"

"like duh kuya?!? pogi? di kaya!"

"inggit ka lang. sige na, baba na. malelate na ako dahil sayo."

"ang kj. sige kuya. basta ha, sunduin mo ko mamaya!"

"sige na. basta tawag ka mamaya okay? tsaka wag kang uuwi mag-isa."

"opo! geh na! alis na!" at umalis na nga siya. ako naman, papasok na sa bago kong school. grabe! ang laki naman neto! yung una kong school, di pa yata yun kayang kalahati neto eh.

papasok na ako sa school. dire-diretso lang ako sa administration building para magpaassist dun sa kung sinong mag-aassist sakin kasi di ko pa kabisado ang pasikot-sikot sa paaralang ito. alam ko na rin kung saan yun kasi sinama ako ni kuya Arvin dito nung magpaenroll ako eh. dito din kasi siya grumaduate ng high school.

hindi ko alam kung anong mali sakin ngayon. ewan ko kasi pagkapasok ko sa loob, nakatingin yung ibang estudyante sakin. magulo ba yung buhok ko?"

"please wait a while Miss Castrence. I just need to check something." sabi ng isang estudyanteng inatasan ng principal na dalhin ako sa classroom ko. "eto yung room mo Yna. nasa first section ka pala. hintayin mo nalang yung adviser mo sa loob." sabi naman niya nung nakarating  na kami sa tapat ng isang classroom.

"uh, thanks." tanging nasabi ko nalang sa kanya.

"no problem." at umalis na siya. ako naman, pumasok na ng room.

naiilang ako. pagkapasok na pagkapasok ko kasi, nagkaroon ng katahimikan sa classroom at nakatingin silang lahat sakin. ewan ko lang ba't ganun.

bigla nalang may lumapit sakin tatlong babaeng pare-parehong may ribbon sa buhok nila na kulay purple.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon