[chapter 3] the peace >>>

5 0 0
                                    

kinabukasan...

"Yna! andito na si Steve! dalian mo na baka malate pa kayo!" sigaw ni manang galing sa sala. kumakain kasi ako ng breakfast ngayon.

"pakisabi nalang po sa kanya manang, mauna na siya dahil malelate ako ngayon."

"iho, mauna ka nalang daw!" sigaw ulit niya.

natapos na akong kumain at lumabas na ako ng bahay. nadatnan ko namang nagdidilig ng halaman si Manang Linda.

"manang, alis na po ako. baka gagabihin po akong umuwi mamaya."

"naku! saan ka ba pupunta mamaya? ipapasundo kita sa kuya Arvin mo mamaya."

"hindi na po manang. okay lang po. sisiguraduhin kong makakauwi ako ng safe mamaya."

"Yna, wag matigas ang ulo. tawagan mo ako mamaya. ipapasundo kita mamaya. baka mapagalitan ka pa ng mama at papa mo."

"kulit mo manang. sige po, alis na ako."

"oh sige, ingat ka."

"opo."

lumabas na ako ng gate at nakita kong andiyan yung kotse ni Steve...

"Yna! akala ko magpapalate ka ngayon?"

"ba't andito ka pa?"

"ba't mo tinatanong?"

"eh bakit nga ba?"

"halika na nga. malelate na tayo!" at kinuha niya yung mga aklat na dala ko.

"hindi na. magtatricycle nalang ako."

"babe naman! pwede ba, wag na ngang matigas yang ulo mo! pasok na!"

"matigas naman talaga lahat ng ulo ng tao eh. hawakan mo nga yang ulo mo kung malambot yan."

"pasok na Yna Jimenez!"

"Castrence po yung family name ko hindi Jimenez."

"dalian mo na kasi! pasok na!"

eh di pumasok na ako. tinatamad sana akong pumasok ng school ngayon pero pumasok pa rin ako. pinagalitan kasi ako ni mama kagabi eh. sinumbong ata ako ni Steve sa kanya. kahit kelan, sumbungero talaga yan eh no? bahala na nga kung anong mangyari sa school mamaya.

pagdating namin sa school, nakatingin halos lahat ng estudyante samin. magkasama kaming pumasok ni Steve ngayon at siya yung nagdadala ng mga aklat ko. hinatid niya ako sa classroom ko at dumiretso na sa classroom niya. 4th year high school na kasi yan. 1 year yung gap niya sakin.

walang pakialam yung mga kaklase ko sakin. for sure alam na nila ang lahat pati na yung banta ni Steve sa mga kaklase niya kahapon. nahiya naman ako. ano kayang iniisip nila sakin ngayon? galit kaya sila at iniisip na naman nilang nilandi ko si Steve?

nung magrecess, pumunta ako sa bench para mag-aral. wala akong ganang kumain ngayon.

busy lang ako sa pag-aaral nun. nakayuko ako habang nagbabasa ng notes ko na nakapatong sa lap ko nung may nag-abot sakin ng isang chocolate bar. nung tingnan ko yung taong nag-abot... napatulala ako... si Sherie... hindi ko inabot yung chocolate kaya tinapon niya yun sakin at umupo sa tabi ko. kinuha ko naman yun at nilagay sa gitna namin.

tahimik kami for how many seconds...

"peace offering. sorry bhest!" at may tumulong luha sa mga mata niya.

"hindi ako galit sayo. no need to ask forgiveness."

"ALAM MO YNA, MAS LALONG PINAPAGUILTY MO AKO EH! PWEDE BANG HUWAG KA NAMANG MASYADONG MABAIT NANG SA GANUN, HINDI NAMAN AKO BANGUNGUTIN DAHIL SA KONSENSYA KO?!?" natawa naman ako sa kanya. really, I'm not angry with her.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon