[chapter 2] meet him >>>

3 0 0
                                    

ngayon, Sabado na ng hapon. niyaya na naman niya akong lumabas. parang nawawalan na nga ako ng gana eh pero kailangan kong sumama sa kanya at magpretend na masaya ako. kailangan eh. makulit kasi yan at napakaprotective pagdating sakin. ayokong maging dahilan ng pamomroblema niya.

nandito kami ngayon sa seashore at nakatambay sa harap ng kotse niya.

"oy!" nagsnap siya ng kamay sa mukha ko. "kanina ka pa tulala diyan! may problema ka no?"

"wala ah! kelan pa ba ako nagkaroon ng problema?" great pretender! :'(

"haha! nga naman! lagi ka namang masaya pag kasama mo ako eh." tapos pinaikot niya yung kamay niya sa waist ko.

ganito kasi yan, nakaupo kami sa harap ng kotse niya ngayon at nanonood ng sunset. gets nyo na yung position namin? ganun yun!

agad ko namang inalis yung pagkakayakap niya sakin.

"nakakalimutan mo na ata yung kasunduan nyo ni mama?" sabi ko habang inaalis yung kamay niya.

"di ah! wala naman kasi ngayon si tita kaya ayos lang yan."

"duh!!! nangako ka kaya sa kanya na kahit wala siya tutuparin mo yung kasunduan nyo! isusumbong kita, sige ka!

"haha! eto naman, kinilig ka naman eh!"

"di ah! luma na yang style mo sa pagpapakilig. wala nang kikiligin diyan."

"sigurado ka?" at tumayo siya sa harapan ko at inilagay yung dalawang kamay niya sa parehong side ko at inilapit yung mukha niya sakin kaya napaatras naman yng ulo ko. lumapit pa siya kaya ang sumunod kong ginawa eh tinakpan ko ng right hand ko yung mukha niya at tinulak siya palayo. tumawa naman siya nun.

"haha! itsura mo babe? di kayang ipinta ni Juan Luna! bwahaha!" tawa pa siya ng tawa habang umaayos ulit ng upo.

"loko ka kasi!" with matching pouted lips pa yan.

"to naman, joke lang naman yun. alam ko namang bawal pa yun sa atin ngayon. kaya ko namang hintayin yung right time."

"haha! ikaw ba yan babe? anyare sayo? para kang si Rizal magsalita."

"tara na nga!" hihilahin na sana niya yung kamay ko...

"oh, saa naman tayo pupunta?" nakasalubong na kilay kong tanong sa kanya.

"punta tayong restaurant babe. nagugutom na ako eh."

"ayoko pa. ang ganda pang panoorin ng sunset eh."

"sige. sa sunset ka nalang."

"talaga!"

"sige, alis na diyan. ikaw nalang yung bahalang umuwi mamaya."

"ayos ka ah! ikaw nagdala sakin dito tapos hindi mo ako ihahatid pauwi? anong trip mo?"

"tara na nga kasi babe! gutom an ako eh!"

"haha! ang cute mo pag nagmamakaawa babe! tara na nga!" at nauna na akong pumasok sa kotse niya.

nakarating naman kami sa favorite restaurant niya. umorder na kami at hinintay yung order namin. alam kong yung iniisip nyo ngayon eh boyfriend ko siya. oo, boyfriend ko nga siya at siya yung sinasabi kong nag-iisang lalaking mahal ko. kaya nasaktan ako nung pinagsasabihan nila ako ng mga salitang hindi naman totoo. they're judging me based on their impressions. ba't ba di nila itry na ifigure out kung ano yung ginagawa ko para lang maiwasan yung mga naghahabol sakin? tapos sasabihin pa nila na malandi ako? they didn't even saw me flirting with somebody tapos ano? ganun-ganun nalang sila makapanakit ng damdamin ko?"

"babe? you're contemplating again."

"huh? di ah. may naalala lang ako. I'm not contemplating."

maya-maya pa, dumating na yung order namin. snacks lang to. ayoko pang kumain ng dinner eh at ganun din naman siya.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon