Khary Baja's POV
Kakagising ko lang nang nagtext si Jae.
From: Jae
Bhes! Pumunta ka dito sa house ngayon na may sasabihin akong importanteng mahalaga.
Hindi naman sya atat? Kakagising ko nga lang. Nireplyan ko naman sya.
To: Jae
Okay. Punta na ako dyan in 20 mins.
Andito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Nag~iintay ng masasakyan.
May tumigil na sasakyan sa harap ko. Ay jusmi si Chris lang pala kasama si Jander.
" Saan ang punta mo?" sabi ni Chris habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan nya.
" Kina Jae. Bakit?!" pagtataray kong sagot.
" Chilax! Sabay ka na samin. Papunta din kame dun. Tinext nya ako kanina. Pumunta daw ako."
" What the eff! Akala ko kame lang. -_- Okay." sagot ko habang binubuksan ung pinto ng sasakyan nya.
Jessica Meriones' POV
Akala ko within 20 mins nandito na ang bruhildang si Shan. Tagal dumating. Isa pa tong si Chris, nambabae pa yata.
Kinuha ko yung phone ko at tinext yung dalawa.
To: Shan
Chris
Asan na kayo? Antagal hah. Bilisan nyo kaya?
Nagreply si Shan
From: Shan
On the way na kame. Kay Chris na ako sumabay, papunta din naman daw sya dyan.
To: Shan
Seryoso? Magkasama kayo? Ayie! :> basta bilisan nyo na lang kaya?
Di na nagreply si Shan. And I know di yun komportableng kasama si Chris. Ex nya kase si Christian Jordan De Luzon. Kaya yun. Anlaki ng galet ni Shan kay Chris. Niloko kase sya. Sana naman wag gawin yun ni Jander sakin. :)) Joke lang. Nangangarap lang naman.
" Ma'am may bisita po kayo nasa labas." sabi nung katulong namen.
" Okay papasukin mo. Sabihin mo naman kay Clarine, maghanda ng meryenda namin." sabi ko habang umaakyat papuntang kwarto ko.
" Antaga-----"
natulala ako pagpunta ko sa may balcony. Nandun kase si Chris, Shan at si.... si Jander.
" A-antagal nyo naman. A-akala ko kayo lang ni C-chris at S-shan." teka nga Jae nauutal ka? Umayos ka nga.
" Ayaw mo bang nandito ako?" tinanong ako ni Jander
" Di ah. Ayos nga yun eh. Para mas madami." umayos na ako.
" Teka nga? Ano nga palang importanteng mahalagang sasabihin mo?" si Shan.
" Sa tagal nyo nalimutan ko na."
" What the eff, Jae!! Nagtya---" di ko na pinatapos. Nobela lang sasabihin nito.
" Shut up! Magdadrama ka na naman. Gusto ko mag-organize ng Despidida Party para kay Mikay. Pinapunta ko kayo dito para tulungan ako sa set-up pati mga ihahanda."
" Yun lang ba? Game ako dyan." si Chris habang nakatitig kay Shan. Iniirapan lamang ito ni Shan.
" Can i suggest?" si Jander habang nakaraise yung right hand nya.
" Oo naman." natatawa kong sagot.
" Bakit ka natatawa?"
" Wala. Go ahead sabihin mo na suggestion mo." sagot ko.
BINABASA MO ANG
That Should Be Me
Teen FictionMamili ka? Bestfriend o Boyfriend? Mahirap pumili lalo na kung may masasaktan ka. Pero ano gagawin mo kung Inlove ang Bestfriend mo sa Boyfriend. Paano kung may nangyare sa kanila. Mapapatawad mo pa kaya sya? ~~~ Read this to know.