Jander Pestolla's POV
Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa buong campus, pero wala pa akong Jae na nakikita. Tinatawagan ko sya kagabe at tinitext pero walang sagot. Nag-aalala na ako sa kanya.
" Kumag!! Iniwan mo na naman ako sa cafeteria kanina." abuso na tong gagong to binatukan na naman ako.
" May hinahanap ako!" sabay talikod at iniikot ang mata ko sa buong paligid.
" Sino? Si Jae? Nasa gym. Nagpapractice para bukas" sabay turo sa gym.
" Kahit papano pala may mapapala din pala ako sayo hindi lang puro sapak." nakangiting tumakbo ako papuntang gym
" Aba't di man lang nagpasalamat. Iniwanan na naman ako." narinig ko pa syang nagsasalita habang papalayo ako.
Nakita ko si Jae habang sinasagot yung bola galing kabilang court. Anggaling nya maglaro ng Volleyball.
" Wala a syang ganang maglaro nyan. Ganyan kagaling si Bhes." nagulat ako sa nagsalita sa likod.
" Bakit? Ano bang meron bukas?" sagot ko
Umikot yung kausap ko sa harap ko at umupo sa bleachers. Si Shan pala.
" Walang gana kase di sya makakaattend bukas sa party ni Mikay. Bakit? Kase may naghamon sa school natin na maglaban sila ng Volleyball. Ang kakapal naman ng mga taga Hale University, kala mo mananalo sila eh."
" A-ano? H-hale University?" nauutal kong sabi
" Oo. Sabi nga ng iba, most of the players ng Volleyball nila kasali sa Sorority."
" Hindi ba parang delikado para sa mga players natin lalo na kay Jae?" sagot ko.
" Don't worry about that. Nasa loob sila ng Campus natin."
" Paano yung party? Diba bukas din yun?" tanong ko na naman.
" Sabi nya. Hahabol na lang daw sya bukas." sagot ni Shan.
" Hey! Anong party ang naririneg ko dyan?" nakakagulat naman si Mikay basta na lang nasulpot. Kasama si Chris. " Pajoin naman jan."
" Of course kasama ka. Ikaw pa ang mawala." sumagot si Shan.
" I love it. Ano ba outfit?" sagot ni Mikay na parang excited na excited.
" Black & White." sumagot ako.
" Eh si Beks? Kasama?"
nagtinginan kami ni Shan. " Oo naman yun pa ang mawala." sabay naming sagot.
" Kailangan sabay?"
" Stop that!! Nakakaasar ka na hah. Kanina ka pang kumapit ng kumapit sa buhok ko. Naku!! Chris ako'y wag mi simulan hah." sabi Shan kay Chris sabay alis.
" Oii. Shan. Shan." humabol naman si Chris.
" Beks! May party daw bukas." sinalubong ni Mikay si Jae kakatapos lang kase ng practice nila.
Nanlaki yung mata ni Jae at tumingin sakin na parang gustong sabihing.... '' sinabe nyo na?"
" Sasama ka ba?" tanong ni Mikay
" Bahala na. Pagkatapos ng game. Hahabol ako."
" Okay. Lunch na tayo." pag-aaya ni Mikay.
" Tara! Treat ko." sagot ko.
" Gusto ko yan Fafa Jander." sagot ni Mikay.
" So tara na?" naglakad na kami papuntang Jollibee sa labas ng compound
Kanina konoa tinitingnan si Jae walang gana sya kumain.
" Guys ako na ang oorder para sa inyo. Jander yung pera." nagpiprisinta si Mikay kaya hinyaan ko. " Maghanap na kayo ng mauupuan."
BINABASA MO ANG
That Should Be Me
Teen FictionMamili ka? Bestfriend o Boyfriend? Mahirap pumili lalo na kung may masasaktan ka. Pero ano gagawin mo kung Inlove ang Bestfriend mo sa Boyfriend. Paano kung may nangyare sa kanila. Mapapatawad mo pa kaya sya? ~~~ Read this to know.