PROLOGUE
Naramdaman niyo na ba yung tumibok na lang bigla ang puso mo sa isang taong ayaw mo naman talaga? Mahirap diba? Kasi sabi nila, once na tumibok 'yan, wala ka nang magagawa pa.
Kaya nga ako, nang tumibok ang puso ko sa isang napaka malamig na tao, cold for short: NAINIS AKO.
Napaka-hirap.
Una, ang hirap niyang basahin. Para siyang isang libro ni Dr. Jose Rizal. Hindi mo maiintindihan 'pag di mo paghihirapang intindihin.
Pangalawa, susubukan mo siyang patawanin pero ang ibibigay lang sa'yo ay isang napaka-hiwagang: poker face. Minsan mapapa-isip ka na lang, bored ba siya? o sadyang hindi lang ako masaya kasama?
"Good Morning!" Masaya ko siyang babatiin. Halos kinuha ko na nga ata ang lakas ng loob ng sandatahan ng mga clown para lang magmukhang masaya sa pagbabati sa kanya. Pero, ang rmakukuha ko lang na sagot sa kanya ay isang nagningning na cold na tingin.
Pero kahit nga na ganoon siya, hindi ako sumuko. Siya pa rin talaga. Ano naman kung cold siya? Ano naman kung palagi siyang mukhang pinasanan ng prolema ng buong mundo? Sabi nga nila diba?
"Hindi mo kailangan ng dahilan para masabi mo na mahal mo ang isang tao."
Bakit ba kasi ang cold mo?
Kuya?
In the night I hear 'em talk, the coldest story ever told
Somewhere far along this road he lost his soul
To a woman so heartless
How could you be so heartless?
How could you be so heartless?
How could you be so cold?
As the winter wind when it breeze yo
Just remember that you talkin' to me though
You need to watch the way you talkin' to me though
Bakit ba sa dami-rami ng lalaking iibigin ko, bakit siya pa? Siguro malas lang talaga ako ay mali! MALAS talaga ako. Buong mundo ata napakitaan ko na ng kamalasan powers ko. At 'yun nga ang naging dahilan ng pagiging isang loner ko.
AYAW NILANG MAKAPITAN NG MALAS.
"Princessa ng kamalasan" 'Yan ang tawag nila sa akin. Yung tipong dadaan ako sa hallway, may sisigaw na "HOY! Tabi nandyan na ang kamalasan baka mahawaan pa tayo. bilis takbo guys." sabay tawa.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala, eh. Unique ako. Unique ako sa kamalasan. Sino ba naman ako para may maging pakialam pa sa mga sinasabi nila at tingin nila? Nakakatawa lang sila. Ganun ba ako ka-uniqe para bigyan nila ng pansin? Eh di hamak lang naman akong scholar at lahat ng ayaw ng isang tao sa babae ay na sa akin na: nerd, pangit, manang, walang sense of fashion, boring, walng social life. Pero iisa lang ang kaya kong ipagmalaki at yun ay ang angking talinong nananaig sa akin.
Basta ako, kahit na magnet na ako ng kamalasan, hindi pa rin ako titigil kay Bryle. I stalked him once, and I will forever. Nakaka-curious siya. Nakaka-curious ang pagiging malamig niya. Gustong gusto kong malaman kung ano nga bang meron siya. Kung ano nga ba ang dahilan ng pagkaka-cold niya.
Sabi nga diba?
"Once a person turns cold it's hard to change back into who they used to be. They have to let go of the past, and learn how to trust again."
Magawa ko kayang maturuan siyang magtiwala ulit?
Will i take the risk just to know his secret?
Will i still remain the same if i found out his little secret?
or maybe
will some notice the beauty inside me?
Makakahanap ba ako ng pag-ibig o kaaway?
Bakit hindi mo subukang basahin ang storya ko- i mean namin. para magkaalaman tayo?
BINABASA MO ANG
Kuya, Why so Cold?
HumorBakit ba ksi ako nagkacrush ng isang taong COLD??? pero ok lng OH-SO-HOT naman sya eh. Pero.... kaya ko ba syang baguhin? prang hindi ata!! haaaay!!! pero kaya yan ng powers ko.....