EUNICE
"panget tignan ang babaeng umiiyak ng walang panyo."
huh? sino nanaman ito. pero dahil sa ginawa nung lalaki lalo akong umiyak. alam ko naman na panget ako eh.
"Ay sorry miss. mas lalo yata kitang pinaiyak"
talagang hindi pa siya umalis!. tumingala ako at nakita ko si Jerome?
"oh panyo" inabot niya bigla yung panyo niya at ako naman tinititigan ko lang siya. bakit nandito ang campus heartthrob sa harapan ko? ang isang Jerome David. kinakausap ako? ang alam ko mga magagandang mukha lang ang pinapansin nito at isa itong dakilang playboy.
"alam mo dapat maiinis ako sayo Eunice kasi ginulo mo yung pag-tulog ko dun sa sulok. nakarinig kasi ako ng iyak eh. pero nung nakita ko kung ikaw pala yun nawala yung galit ko."
"s-sorry. pero pano mo nalaman yung p-pangalan k-ko"
"seryoso Eunice hindi mo ako naalala. huhu. nakaka hurt ah"
aba at nag-pout pa. pero bata ang cute niya at mali sobrang gwapo pala. ngayon lang ako nakalapit sa kanya. ngayon alam ko na kung bakit ang daming nahuhumalig sa lalaking ito. pero hindi ko talaga alam yung mga pinagsasabi nito.
"Ok ok. naalala mo ba to. hhuhuhuhu hindi ako lampayatot!!"
nung pag kasabi na pagkasabi niya nun. bigla may nag pop sa utak ko. oo nga! kaya pala ang amiliar nung name niya. siya yung batanang yun. nung 7 years old ako nun nung naging mag-kaibigan kami. best friend pala.
[FLASHBACK]
hinatid ako ni Papa sa school. hmp nakakalungkot naman kasi hindi ko sila makakasama dito sa school. ano kayang kakainin ko mamaya. hmmm. ice-cream at cake tapos may candy. baka mamaya makakita ako ng unicorn na tumtawid sa unicorn. ang cuteeeee. uuwi din ako ng maaga para maka nood ako ng powerpuff girls.
habang nag-lalakad ako sa hall way nakakita ako ng limang bata na naka palibot sa isang batang laalki din. lumapit pa ako ng unti. at nakita ko yung batang lalaki sa gitna na umiiyak. ano ba yan kalalaking tao umiiyak. pero sobrang kawawa yung itsura niya eh.
"payatot ka. lampayatot" sabi nung batang naka beanie. gwapo pero bully naman
"oo nga lampayatot ka!! iyakin ka din pala" siya ata yung pinaka gwapo sa kanila pero kahit na. bigla naman nagsalita yung payatot daw.
"huhuhuhu hindi ako lampayatot"
"HOY!!! KAYONG MGA PANGET TABI DYAN!!. bakit ninyo siya inaaway huh! gusto niya ba makita ang martial arts skills ko ha!!"
walang ano ano eh tumakbo yung mga umaway sa kanya.
"psst bata panyo oh! kalalaki mong tao iyakin ka! tas wala ka pang panyo. panget kaya sa isang tao na umiiyak ng walang panyo" sabi ko sa bata. hindi pa rin siya tumatahan kaya tiyapos ko na lang siya.
"shhh. tahan na. nandito naman ako eh. wag ka na umiyak may kaibigan ka na" sabi ko.
"kaibigan?" nagtatakang tanong ninya
"ako duh! ay wait bata ako nga pala si Eunice. ikaw anong pangalan mo?" sabi ko sa batang iyakin. sabay abot ko sa kanya ng kamay ko.
"salamat pala muna. Jerome. Jerome ang pangalan ko."
"Simula ngayon friends na tayo Ugy"
"Ugy?"
"uhugin for short. haaahahaha"
BINABASA MO ANG
Kuya, Why so Cold?
ЮморBakit ba ksi ako nagkacrush ng isang taong COLD??? pero ok lng OH-SO-HOT naman sya eh. Pero.... kaya ko ba syang baguhin? prang hindi ata!! haaaay!!! pero kaya yan ng powers ko.....