~PROLOGUE~
Kasalukuyang panahon, taong 2343, kung saan ang mundo ngayon ay lubusan na ang pag lawak at pag lago ng teknolohiya. At higit sa lahat ang teknolohiyang may kakayahang pagandahin ang panlabas na anyo ng isang tao sa loob lang ng ilang segundo. Ang teknolohiyang ito ay ang pangunahing kinababaliwan ng lahat ngayon, mas lalo na ang kabataan. Ang ating bida sa kwentong ito ay nag ngangalang Eurika Gray, labing walong taong gulang. At sa hindi inaasahan at kagustohan, siya ay makakalikha ng eksenang kababaliwan ng bawat kabataan sa buong mundo dahil lang sa isang kapalpakan.
************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************
Hi! I'm Eurika Gray and I am eighteen years old. During this day, for me ako nalang ang natitirang kakaiba sa lahat. Hindi ako sang-ayon sa bagong pamamaraanng pagpapaganda. Para sa akin ang ibig sabihin ng kagandahan ay nakikita sa puso ng tao at hindi ito nakikita sa panlabas na anyo lamang. Turo ng aking lolo na si Alexander Gray. Ang masasabi ko lang, ang teknolohiyang ito ay isang malaking kasinungalingan na kinalolokohan ng lahat sa buong daig-dig.
When I was eight years old, for the first time i forced myself na lumabas ng bahay na walang paalam kay lolo. Ito ang una kong pag tapak sa labas ng syodad sa dahilang ako ay may sakit na Anthrophobia. Dahil sa kagustohan kong masilayan man lang ang kamangha manghang lugar na kong tawagin ay R.O.F CITY, na matatagpuan sa Pacific Ocean. Ang pinaka modernong syodad sa buong mundo. At ito ay nag tataglay ng A.G.F (Anti Gravity Force) upang ito ay makalutang sa mundo. Sa aking unang pag labas ng bahay, laking gulat ko sa aking mga nakitang tao sa paligid. Parang mga anghel na nagsibabaan galing sa langit. Ngunit ako'y takot na takot, hindi man lang ako makagalaw.
Maya maya ay may nakapansin sa akin na babae malapit sa kinatatayuan ko. At siya ay nag salita " Hoy bata! " pasigaw niyang pag sabi. Ako ay napatingin at namangha sa kanyang itsura. "Ano ang ginagawa ng napaka pangit na tulad mo dito?" . Nagulat ako sa sinabi niya, at lahat na naglalakad na tao sa paligid ko ay napatigil at lahat sila ay napatingin sa akin.
Ako ay nagsimula ng matakot at hindi ko man lang magalaw ang aking katawan. Ang mga tao ay pinagtitinginan ako at nanlilisik ang kanilang mga mata na para bang ako ay may nakakahawang sakit.
" Wag niyo akong tignan!" galit kong pagsabi. Lahat ng mga tao ay nagsimulang nagtawanan dahil sa aking itsura. At nagsimula na ang pag tulo ng aking luha, maya maya'y may isang batang lalaki ang papalapit sa akin. " Wag mo akong lapitan!".
Gusto kong gumalaw pero para bang nakadikit ang aking mga paa sa sahig. At maya maya ay nakalapit na na ang batang lalaki sa akin at sabay sabi " Umuwi ka na kong may awa ka pa sa sarili mo."
Sa kanyang sinabi ako ay kumaripas na ng takbo habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. " Mga salbahe kayong lahat! " pasigaw kong pag bigkas. Sa aking pag takbo ay nakarating ako sa sa isang lugar na walang katao tao. Sa aking kapaguran naupo ako sa isang sulok ng puno at patuloy parin ako sa pag iyak.
" Asan na ako?" o(T^T)o
Siguradong nag aalala na sa akin si lolo. Kahit hindi ko pa masyadong nakita ang mundo sapat na sa akin ang katibayan na ang mundong ginagalawan ko ngayon ay sadyang malupit sa isang kagaya ko. Sa hindi kalayuan may isang babae na papalapit sa kinauupuan ko, na hindi ko alam. Narinig ko nalang ang yapak ng isang paa na papalapit sa akin kaya ako ay napalingon agad sa paligid, at may isang babae na nakatayo malapit sa akin. "Bata anong ginagawa mo dito?" tanong nito.
Unti-unti na naman siyang lumalapit sa akin. Nag sisimulang na naman akong matakot. "Wag mo akong lapitan, umalis ka dito!" galit kong pag sabi. Napatigil siya sa paglapit. Napaisip tuloy ako, bakit andito siya sa walang katao taong lugar?. Bigla akong nagalit at sinigawan ko siya. " Bakit ang sasama niyong lahat!?" Mas lalo akong napaiyak at paulit ulit kong sinasabi ito.
Habang ang batang babae naman ay tahimik lang at pinag mamasdan ako. Nagsalita ang babae " Hindi ko alam kong gaano kasakit ang pinagdaanan mo pero sa kabila ng sakit at luha na nakikita ko sayo nauunawaan ko ang pakiramdam mo. Alam kong darating ang panahong mapapalitan ng ngiti at kasiyahan ang pagdurusa mo."
Ako ay nagulat sa kanyang mga sinabi pero mas nanaig ang galit ko at sinigawan ko siya. "Bulag kaba!? hindi mo ba ako nakikita? lahat sila pinagtatawanan ako alam kong pare pareho lang kayong lahat, mga salbahe!!! " Bigla siyang lumapit sa akin at bigla niya akong niyakap. "Hindi lahat ng tao ay masasama, may mga tao parin na may mabubuting kalooba." malungkot ng pagsabi ng bata.
Gusto kong itulak ang batang babae pero ako man ay hindi ko maintindihan kong bakit hindi ko siya nagawang maitulak sa panahon na iyon,kahit na ako ay may Anthrophobia.
Tinanong ko ang kanyang pangalan habang ako ay yakap niya ."Anong pangalan mo?"
" Ako pala si Ania, ikaw?"
"A-aa ako? ako si si Eurika."
Pagkatapos nilang alamin ang pangalan ng isa't isa binitawan na ni Ania si Eurika. " San ka nga pala nakatira Eurika?" tanong ni Ania. " hindi ko alam...hindi ko kasi ang address namin basta ang alam ko lang malapit ang bahay namin sa tabi ng building na kulay pula na may isang daang palapag." sagot ko. "Alam ko kong saan banda matatagpuan ang lugar na iyon. halika na at sasamahan kitang makauwi."sabay kuha ng aking kanang kamay at tumakbo kami.
Labis akong natutuwa dahil nagkaroon ako ng lakas na maki pagkaibigan sa isang magandang batang babae. Pag kababa ko ng sasakyan binaba niya ang bintana ng sasakyan at sabay sabing. " Alam kong darating ang panahong mapapalitan ng ngiti ang luha mo. Maniwala ka lang Eurika na may araw na may magbibigay liwanag sa buhay mo. At kapag dumating na ang araw na iyon wag mo itong talikuran. Kailangang harapin mo ng may ngiti sa iyong labi." Malumanay niyang pag sabi na may halong ngiti!
" Kung dumating na ang panahon na iyon sana makasama kitang muli para sabay tayong ngingiti Ania." ☆^▽^☆
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, yon lang ang una at huli kong nasilayan ang mukha ni Ania. Sana ay dumating ang panahong mag kita ulit tayo.
*********************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************
Author's Note:
This is my first story so i hope na magustohan niyo po ito and pag may pagkakamali man sa spelling and grammar aayusin ko na lang po kong natapos na. Thank you (≧∀≦)♪
BINABASA MO ANG
R.O.F CITY (YEAR 2343)
Science FictionKasalukuyang panahon, taong 2343, kung saan ang mundo ngayon ay lubusan na ang pag lawak at pag lago ng teknolohiya. At higit sa lahat ang teknolohiyang may kakayahang pagandahin ang panlabas na anyo ng isang tao sa loob lang ng ilang segundo. Ang t...