********************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************
" Miss nagpapatawa ba yang kasama mo?" sabi ng unang lalaking papalapit sa kanila at sabay tumawa ang dalawa niyang kasama, mukhang ang lumapit sa kanila Juliet at Eurika ay ang kanilang leader. Nagalit si Juliet at sinampal niya ito . " Sino ka ba!?" galit na pagsabi ni Juliet habang nanlilisik ang kanyang mga mata. " Juliet tama na yan halika na..." takot at nanginginig na pagsabi ni Eurika.
" Hoy! ikaw na naka bonnet! wag kang makialam kong ayaw mong masaktan.Miss sumama ka nalang sa amin." Hinawakan ng dalawang mala angel na lalaki si Juliet sa magkabilang braso. " Bitawan niyo ako!" pumipiglas si Juliet sa pagkakahawak ng dalawa ngunit hindi parin niya ito kayang makaalis sa mga kamay nila.Nagulat si Eurika sa mga ginawa ng dalawang lalaki kaya naman nilakasan niya ang kanyang loob para pigilan ito." Juliet!!! Bitawan niyo siya mga baliw!" sabi niya sa dalawang mga lalaki, sabay suntok sa mga napaka gwapo nilang mukha. Napatumba ang mga ito at biglang nabitawan nila si Juliet." Pare ang lakas ng suntok niya!" sabi ng isa na humawak sa kanang braso ni Juliet.
" Juliet ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Eurika. " Oo ayos lang ako my darling" sagot ni Juliet.
" Hoy! ang-angas mo rin noh? bat hindi mo ipakita yang mukha mo?" sabi ng leader. " Mga kasama hawakan niyo siya " pag-utos nito. Agad naman nilang hinawakan si Eurika. " Anong gingawa niyo!? bitawan niyo ako!" Biglang napaisip si Juliet na kung makikita nila ang mukha ni Eurika ay mangyayari ang kinakatakutan niya at aatakihin na naman ito ng Anthrophobia. Pinaghahampas ni Juliet ng bag ang dalawang lalaking humawak kay Juliet. " Bitawan niyo ang darling ko!" galit na pag-utos ni Juliet sa dalawa.
" Wag kang makialam" tinulak ng leader si Juliet. Si Juliet ay napasubsub sa basurahan malapit sa kinatatayuan nito." Yan ang napapala ng babaeng pakipot tulad mo!" sunod nitong pagsabi pagkatapos itulak si Juliet.Hindi magawang lumaban ni Eurika sa takot na pag siya'y lumaban ay mas lalong lala ang sitwasyon. Dali daling tinanggal ng leader ang bonnet ni Eurika. Pag katanggal ng bonnet ni Eurika ay nagulat ang mga lalaki sa kanilang nakita.
" What the fucking face!?guys do you see what i see? look at her! I thought that he is a boy but shes actually a girl! SO UGLY!" the leader was shocked and after that he laughed about what he saw. At nangyari na ang kinatatakutan ni Eurika, ang pagtawanan siya dahil sa kanyang itsura.
" What did you do to her!?" pasigaw na pagsabi ni Juliet sa leader.Agad kinuha ni Eurika ang kanyang bonnet at agad siyang tumakbo palayo sa kanila sabay suot ng bonnet." Sabi ko na nga ba eh mangyayari na naman ito." Tumulo ang luha niya habang tumatakbo patungo sa kanyang tinitirahan. Napahinto si Eurika sa tapat ng isang vendo machine malapit sa tinitirhan nito. Bumuli siya ng apat na beer, napaupo siya sa gilid ng vendo machine at nag-umpisang uminom.
Sa sobrang pag-iyak naalala niya na lang ang kanyang lolo. " Lolo sana sundoin mo na ako dito gusto ko ng pumunta diyan sa langit kasama mo" malungkot niyang pagsabi. " Ang daya daya mo lolo hindi mo ba nakikita ang kalagayan ko ngayon ha?"
Wala pa sa kalahating beer ang kanyang iniinum ay nalasing agad dahil first time pa lang niyang uminom ng beer.Tumayo na si Eurika at naglakad ng pagewang gewang patungo sa kanyang tirahan.Pagkapasok niya sa bahay ay agad siyang pumunta sa laboratoryo ng kaniyang lolo.
* Greetings! Please say the password before you enter*
" Eu-ri Eu-ri-ri-ri Gr-gr-ay" " Ahy ano ba naman ito lasing na talaga ako pati pangalan ko di ko na mabanggit ng maayos"

BINABASA MO ANG
R.O.F CITY (YEAR 2343)
Ciencia FicciónKasalukuyang panahon, taong 2343, kung saan ang mundo ngayon ay lubusan na ang pag lawak at pag lago ng teknolohiya. At higit sa lahat ang teknolohiyang may kakayahang pagandahin ang panlabas na anyo ng isang tao sa loob lang ng ilang segundo. Ang t...