~ Kasalukuyang Panahon~
~Time Checked~ (7:00 A.M)
*Ringgggggggg*
" Ahhh.... aray ko" Ganito na lang ba lagi? sa bawat pag gising ko lagi na lang akong nahuhulog sa kamang ito!!!. Sabay kamot sa ulo ni Eurika. " Ano kaya ang pwede kong mailuto?" Nag punta agad si Eurika sa kusina at pagkakita niya sa ref. laking gulat nalang nito. " Waaaaahhhhh!" Agad nangayayat ang kanyang mukha. "Wala na! wala na! huhuhu.... wala ng laman ang ref. ko at kahit energy drink ko ubos na rin!! kailangan ko ng tawagan si Juliet."
Si Juliet ang matalik na kaibigan ni Eurika simula noong bata pa sila. At si Juliet at si Ania lang ang tangi niyang kaibigan, wala ng iba. Si Juliet ay nagtataglay ng kagandahan na walang gamit na ano mang teknolohiya.
* Juliet you have a phone call from your lovely Eurika*
Biglang napasigaw si Juliet at dali dali sinagot ang tawag ni Eurika. " Yes my love Eurika, what can I do to my lovely Eurika?" :)
" Juliet huhuhu 。・゚・(*ノД'*)・゚・。" paiyak na pagsabi ni Eurika.
Agad nag alala si Juliet sa tuno ng pananalita ni Eurika. " Oh Eurika my love ano ang nangyayari!?"
" Juliet mag madali ka at punta ka dito sa bahay. Wala na kasing laman ang ref. ko, maging ang paborito kong energy drink ubos na rin huhuhuhu...!!! :( "
Biglang nagulat at napaisip si Juliet. " Hay nako my Eurika talaga ang takaw niya. kabibili ko palanng noong isang araw ng stock niya ng pang isang buwan ubos na agad. Pano daig pa ang lalaki kong lumamon, sa sobrang kapaguran sa non-stop training niya ng martial arts. Diretso na agad sa kitchen at idinadaan sa pag-kain ang pagpapahinga. Pero patpatin naman siya. Hahahaha!! "
" Okay my darling. Darating ako diyan after 5 minutes at dala ko na lahat ng kailangan mo my love. Bye..." sabay pagbaba ng linya.
Kanina lang ay mukhang tuyot na saging ang mukha ni Eurika, biglang nabuhayan siya ng dugo dahil sa agarang pag aksyon ni Juliet.
* Eurika, Miss Juliet has been arrived*
Agad na kumaripas ng takbo si Eurika na parang gutom na asong hindi nakakain ng isang taon. Biglang binuksan ni Eurika ang pintuan at biglang tumalon na parang slow motion papunta kay Juliet. Ang akala ni Juliet ay ganoon kasabik makita ni Eurika si Juliet. " Oh my darling talaga bang ganyan mo ako kamahal? sobra naman yang ipinapakita mo sa akin my love." Biglang kinuha ang mga hawak ni Juliet at agad pumasok sa loob si Eurika.
" Eurika ko huhuhu ( ;_; ) Ngayon, kilala ko na kong sino ang karibal ko!!!"
Habang kumakain na si Eurika humingi ng pabor si Juliet sa kanya. " Eurika..my darling, can i ask you a favor? tanong nito. " Ano yon?" sagot ni Eurika." Kong pwede sana samahan mo sana ako mamaya para mag shopping kahit one time lang."
Sagot ni Eurika " We will talk about that later Juliet, sa ngayon kailangan ko munang asikasuhin itong pag kain ko."
"Sige na pag bigyan mo na ako my darling please...."
" Ayaw ko" sabi ni Eurika.
" Ganun pala ha tignan natin" Agad kinuha ni Juliet ang mga energy drink ni Eurika at binuksan niya ang mga ito at sabay sabing. " Mamili ka my darling, sasamahan mo akong mag shopping o itatapon ko lahat ng laman ng mga energy drink mo!" galit niyang pag sabi. Nakuha pa niyang gawing hostage ang mga energy drink ni Eurika, because she know that guguho ang mundo ni Eurika kapag kahit isang patak lang nito ay matatapon.

BINABASA MO ANG
R.O.F CITY (YEAR 2343)
Science FictionKasalukuyang panahon, taong 2343, kung saan ang mundo ngayon ay lubusan na ang pag lawak at pag lago ng teknolohiya. At higit sa lahat ang teknolohiyang may kakayahang pagandahin ang panlabas na anyo ng isang tao sa loob lang ng ilang segundo. Ang t...