" Oh bakit kanina iba ang tuno ng boses tas umiiyak. ka pa at ngayon parang kinakausap mo na ang sarili mo.Anong nangyayari sayo my darling nababaliw ka na ba? sabihi mo lang hahalikan kita para mawala yang kabaliwan mo" sabi ni Juliet.
" Ah wag mo na akong alalahanin. Ano na nga ulit sinasabi mo?" pang iiba ng subject ni Eurika. Ano ba naman tong si Juliet sana di niya nalang sinabi yon sa akin napilitan tuloy akong sabihin yon sa sarili ko ang sakit naman.
" Alam mo talagang simple lang ito my darling." sabi ni Juliet.
" Mukha nga bang simple sayo ang bagay na yan Juliet."
" Oo kasi parang hindi na din ito nalalayo sa UB Technology ang kaibahan nga lang ng UB Technology ah may kakayahang pagandahin at gawing perpekto ang pisikal na pangangatawanan at mukha ng isang tao in just a few seconds pero ang isang ito ay may kakayahang baguhin ang kasarian ng isang tao. Isa pang nakakagulat dito ay may kakayahang gawing napakaperpekto ang perpekto na pero ito ay napakaluma na ng bagay naa ito."paliwanag ni Juliet kay Eurika.
Nahilo si Eurika sa paliwanag ni Juliet pero may naalala ito na baka hindi na siya makabalik sa dati niyang anyo kaya naman naisipan niyang itanung ito kay Juliet. " Huhuhu...Juliet ang ibig bang sabihin nito, ganito na ako habang buhay!? ayaw ko ng ganito!! hindi ko ito matatanggap."
Nag aalala si Juliet sa biglang pagkalungkot ni Eurika. " Ahmm my darling may naisip ako, ngayong bago na ang itsura mo my darling hindi ka na kukutyain pa ng mga tao hindi mo ba yon naisip my darling?"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Eurika pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Juliet. " Talagang hindi mo ako naiintindihan Juliet!kong sa bagay wala ka sa lugar ko. Ni hindi mo alam kung gaano kasakit ang pagtawanan at pangdirihan ng mga tao. Pero sa kabila ng mga trato nila sa akin ay maluwag kong tinanggap ang katutuhanang ganito na talaga ako. Alam mo kung gaano ko kinamumuhian yang UB Technology dahil ito ang nagbigay pasakit sa buhay ko.Dahil dito nabulag lahat ng mga tao sa kasinungalingan!"
Gulat na gulat si Juliet sa reaksyong ipinakita ni Eurika at sa boses na inilabas niya nito na masasabing lalaking laki.Dahil ngayon lang niya nakitang nagsisisigaw sa sobrang galit si Eurika sa harpan nito. " Eurika aalis muna ako ingatan mo nalang sarili mo"
Tuluyan na ngang umalis sk Juliet na halong lungkot ang kanyang mukha at si Eurika naman ay naiwang mag isa sa laboratoryo.
" Ano bang nagawa ko!!! nasigawan ko siya" pagsabunot ng kanyang buhok.
Makalipas ang ilang oras nasa loob parin ng laboratoryo si Eurika, nakaupo sa isang sulok. " Kailangan kong magsorry agad kay Juliet."
May naramdamang bigla sa kanyang katawan. " Ano nanaman ba ito? bat lumiliwanag ang katawan ang katawan ko?" tumayo si Eurika at napaharap sa salamin ng biglang.
"Wahhhh....bumalik na ako sa dati!!!normal na ako ulit." tuwang tuwa si Erika sa kanyang muling pagbabalik.
" Kailangan kong tawagan si Juliet at sabihin na normal na ulit ako pero baka galit pa siyaa dahil sa nangyari kanina."
Ang pagliwanag ng katawan ni Eurika ay sinyales na pagkatapos ng 24 hours siya ay babalik na sa normal at mawawala na ang bisa ng capsule.
Juliet's POV
Ako nga pala si Juliet ang pinakabest friend ni Eurika halos ako na ang magulang niya dahil ako ang bumibili ng pangangailangan niya sa lahat lahat. Twenty four years old na ako pero di ko man ipagkaila pero ang ganda ko kahit di niyo man sabihin uunahan ko na kayo.

BINABASA MO ANG
R.O.F CITY (YEAR 2343)
Science FictionKasalukuyang panahon, taong 2343, kung saan ang mundo ngayon ay lubusan na ang pag lawak at pag lago ng teknolohiya. At higit sa lahat ang teknolohiyang may kakayahang pagandahin ang panlabas na anyo ng isang tao sa loob lang ng ilang segundo. Ang t...