-----X-----
Prologue
"Nix! Halika dali! May ipapakita ako sayo," umalingawngaw ang sigaw sa loob ng sagradong silid.
"Cas teka lang! Bawal tumakbo dito sa loob," sagot ng binata na hingal na hingal galing sa pagtakbo."Ito," sabay turo ng dalaga sa instrumento na ang tanging nakakatataas lamang ang pwedeng gumamit.
"Hindi ko gusto ang tabas ng mukha mo," sabi ng binata habang nakatingin ng masinsinan sa dalaga.
"Huwag ka mag-alala. Simula pa lang nung bata tayo lagi na ako pumupuslit dito, kaya alam ko na ang tamang paggamit nito," sabay hawak niya sa balikat ng binata habang kitang kita sa kanyang mukha ang tiwala sa kanyang sarili. Kahit sino ay hindi magugustuhan ang tabas ng mukha niya ngayon.
Hinarap ng dalaga ang instrumento. Ininat niya ang kanyang braso at sinimulan niyang suriin ang instrumento sa kanyang harapan. Nang may nakita siyang pangalan ay pinindot niya ito. Lumabas lahat ang impormasyon ng pagkatao nito. Sa baba ng impormasyon nito ay may tatlong kahon ang nakalagay na may iba't ibang kulay. Puti, pula at itim.
"Nix, itong tatlong kahon na 'to ay may mga simbolo. Puti para sa kapayapaan. Pula para sa pag-ibig at itim para sa kamatayan," tumango na lang ang binata sa sinasabi ng dalaga.
"Nix, nasa tamang edad na naman na 'tong tao na 'to. It's time to spread some love in the air!" pipindot na sana ang dalaga nang pinigilan siya ng binata.
"Cas huwag. Hindi tayo pwedeng magdecide para sa isang tao. Tanging siya lang," sumimangot ang dalaga dahil sa sinabi ng binata.
"Sige na nga," tumalikod ang bata na sa pag-aakala niya ay susundan siya ng dalaga pero hindi. Sadyang makulit ito at bumalik sa harapan ng instrumento. Nang akmang pipindutin na ito ng dalaga ay biglang marahas na bumukas ang pinto ng sagradong silid, dahilan ng pagkagulat ng dalaga. Parang nawalan ng dugo sa mukha ang dalaga nang aksidente niyang napindot ang itim na kahon.
"Cassia!" sa sobrang lakas ng sigaw ay parang nayanig ang buong silid. Kapwa napako si kinatatayuan nila ang binata't dalaga.
"Bakit niyo sinaway ang mahalagang utos?" kapwa sila napipi dahil sa boses nitong maawtoridad.
"Alam niyo bang nilagay niyo sa kapahamakan ang taong sinama niyo sa inyong kahibangan? Dahil diyan ay papatawan kayo ng kaparusahan. London, ipatawag lahat ang iyong mga kasama at may mahalaga tayong pagpupulongan," sabi ni Chief habang hindi tinatanggal ang kanyang paningin sa kanilang dalawa.
Nanatiling nakayuko ang dalawa sa kanilang kinatatayuan nang biglang pumasok sa loob ng silid ang kanilang mga kasama. Nang naramdaman nila na hindi na nakatingin si Chief sa kanila ay gumalaw sila at pumwesto katabi ng mga kasama nila.
"Kaya ko kayo pinapatawag ngayon dito ay para pag-usapan ang tungkol sa sagradong instrumento. Pinagbabawalan ang kahit sinoman sa inyo ang galawin nito ngunit may sumaway sa mahalagang utos," nagsimulang silang magbulong-bulongan. Tumikhim ng malakas si Chief dahilan ng pagtigil ng ingay at kaba ng dalawa.
"Kayong dalawa, halika kayo sa harap. Alam niyo naman kung sino kayo," napalunok ng wala sa oras ang dalaga habang sabay silang naglalakad ng binata papunta sa harap.
"Ngayon, sasabihin ko na ang inyong kaparusa-"
"Ako na lang po ang inyong parusahan ako naman po ang may kasalanan," pagputol ng binata sa sasabihin ni Chief.
"Nixon, alam mo kung ano ang tama. Hindi tama ang pagsisinungaling kahit na nakakabubuti ito sa iba. Pagsisinungaling pa rin iyon," yumuko ang binata at tinignan niya ang dalaga na para bang humihingi ito ng tawad.
"Nixon, hindi mo muna pwedeng gamitin ang iyong pakpak hanggan't hindi ko pa sinasabi na pwede na at para sa'yo Cassia," sabay tingin ni Chief ng mataman sa dalaga. "Bababa ka sa lupa para magsilbing tagabantay ng taong ipinahamak mo hangga't hindi pa natatapos ang panahon na ibibigay ko sa'yo para siya ay mabantayan. Dapat sisiguraduhin mo na walang mangyayaring masama sa kanya dahil pinindot mo ang itim na kahon. Ikaw ang kokontra nito. Tatanggalan ka namin ng pakpak ngunit hindi namin kukuhanin mula sa iyo ang 'yong kakayahan para makatulong ito sa pagtingin mo sa kanya,"
"Hanggang kailan ko po siya babantayan?" tanong ng dalaga.
"I'll give you only one year."
-----X-----
A/N
First story ko po na gagawin na hindi one-shot. Kung may mga mali po sa grammar o kahit ano let me know po. Sa ngayon prologue pa lang po muna. Mahirap po kasi nasira si lappy ajuju. Maraming thank you sa mga magbabasa at nagbabasa ajejeje*insert kawaii face ni Yato at Usui*.
© 2016 Wisdomes
Created: 4:19 pm | 6/10/2016
Finished: --:-- -- | --/--/----
BINABASA MO ANG
Only One Year
Teen Fiction"Hanggang kailan ko po siya babantayan?" "I'll give you only one year." © 2016 Wisdomes Created: 6/10/2016 Finished: --/--/----