Feather 13

77 44 18
                                    

----X----

Sinusundan ng mga mata ko ang bawat pagsubo ni ate sa chocolate cake niya. Nakaupo ako sofa na malapit sa isang mataas na bookshelves. Gamit ang libro ay tinakpan ko ang mukha pwera lang sa mga mata ko para makita ang mga tao na busy sa pagkain ng mga cakes nila. Huhuhuhu. Kailangan kaya ako makakatikim niyan?

Ibinaba ko ang libro na kanina pa nakatabon sa mukha ko at hinanap ng paningin ko si Parker. Nandoon siya sa counter habang may kausap na babae na nakasuot ng damit ng mga nagtatrabaho dito. Nakita ko siyang frustrated na hinawi ang buhok. Mukhang may problema. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinuntahan sila.

"-are your other workmates?" narinig ko ang pagpipigil ng inis sa tono ng pananalita niya. Kahit kailan talaga wala siyang good manners and right conduct.

"Sir yung isa po may sakit, habang yung isa naman po nasa probinsya nila. May kailangan daw pong ayusin sa pamilya nila," ramdam ko ang takot sa boses ni ate.

"You mean you're only three?"

"Opo sir," napayuko si ate.

"Okay. Go back to your business," dali-dali namang umalis si ate at naghatid ng orders sa mga costumers. Tatlo lang sila dito sa labas ng kusina? Buti nagagawa nila ng maayos ang gawain nila. Pinuntahan ko si ate na kausap ni Rizal park kanina nang makasalubong ko siya sa couunter.

"Ate, saan po yung iba pang damit dito na katulad ng suot mo?" lumaki ang mata ni ate sa tinanong ko sa kanya. Hindi namang halatang hulat na gulat siya. Hindi-hindi talaga.

"Nasa locker room po ma'am, kaso hindi po pwede. Baka po pagalitan kayo ni Sir pati ako," umiling si ate. Tinignan ko ang black pin ni ate at binasa ang kulay gold na letra doon. "Okay lang yan ate Tesee. Akong bahala sa'yo," kinindatan ko siya bago dumiretso sa locker room na sinasabi niya.

Pagkapasok ko sa locker room ay may nakita akong damit na katulad kay ate Tesee na nakahanger. Isa siyang jumper skirt na kulay dark blue at may kasamang blouse na puti na longsleeves. Sinuot ko ito at tinali ang buhok ko na paponytail. Buti na lang suot ko ngayon yung puti kong sapatos. Naghanap ako ng pin na pwede kong ikabit sa damit ko. Nang makahanap ako ay nilagyan ko ito ng 'Sophie' na kulay gold. Tenen! Pwede na tayong magserve!

Lumabas ako sa locker room at dumiretso sa counter kung saan kitang kita ko ang straight na mukha ni Rizal park habang nakatitig sa isang papel. 

"What's your order sir?" sinilip ko ang seryosong niyang mukha. Napaatras siya ng nakita niya ang mukha ko. Umayos ako ng tayo at nilagay ang kamay ko sa likod. Tinitigan niya ako mula ulo mukhang paa- este hanggang paa. Nilagay niya ang kamay niya sa baba niya parang may iniisip.

"Pwede ka na magsimula," bumalik siya sa pwesto niya hinarap ulit ang mga papel na hawak niya. What the? Kahit kailan talaga. Wala talaga 'tong good manners and right conduct. Hmp!

Kinuha ko ang bilog na tray at bumulong na hindi masyadong mahina. Yung sakto lang na maririnig niya. "Sabi nga ng quote na nabasa ko dito sa pader, appreciate the beautiful things," mukhang gumana ang binulong ko dahil sumagot siya. "Ganda mo," napangiti ako sa sinabi niya. Hihihihi. "Ganda mong itapon," mau kasunod pa pala. Huhuhuhu. Ang sama mo talagang Rizal park ka! Lumingon ako sa kanya. "Thanks for the compliment!" notice the sarcasm. "As always," he gave me a wicked grin. May paalways-always ka pang nalalaman.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumungo sa table ng isang costumer. May nakita akong nagtaas ng kamay kaya pinuntahan ko ito. Isa siyang babae na blond ang buhok na hanggang leeg na medyo wavy. Nakasuot siya ng sunglasses at nakangiti.

"Ano pong sa inyo ma'am?" ngumiti siya bago nagsalita.

"Isang vanilla ice cream cake at dark chocolate cake," pamilyar ang boses niya. "Sige po ma'am. Thank you for waiting," tumango siya sa akin pero bago pa man ako mapalayo ay nagsalita siya.

"Hindi ko alam na part-timer ka na pala Cas," automatic na lumingon ako yinakap siya.

"Fleur! Miss na kita!" naramdaman ko ang init sa mga mata ko. "Shh. You're causing a commotion," agad akong napatingin sa tao sa loob ng sweetshop. Halos lahat ng tao malapit sa table ni Fleur ay nakatingin sa gawi namin. Ang ilan naman ay umiiling. Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Umupo ako sa latapat na upuan ni Fleur at yumuko.

Tumawa si Fleur ng pagkahinhin kaya iniangat ko ang ulo ko para makita siya. "Napakaexcited mo pa rin," hinwakan niya ng dalawang kamay ko at pinisil ito ng mariin. "How's life here on earth?" umayos ako ng upo bago ko sagutin ang tanong niya. "Okay lang naman," I shrugged.

"Kamusta naman alaga mo?" sumimangot ang mukha ko.

"Ayun, masungit. Walang good manners and right conduct" tumawa siya dahil sa inasal ko.

"Gwapo naman," lalo siyang natawa nung sinabi niya ng mga katagang 'yan. Umismid ako.

"Gwapo? Duh," I jokingly rolled my eyes. Tinapik niya ang kamay ko kaya natawa ako. "Kamusta naman trato ng mga tao sa'yo," napangiti ako nang naalala ko si Lila. "May mabait katulad nila Lila at Levi. Meron din yung masungit," tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang labas.

"Iba-iba pala ang klase ng tao na nabubuhay dito 'no. Lahat sila may kanya-kanyang paniniwala. Yung iba nga akala ko mga adik pero ang babait pala pag nakilala mo. Do not judge the book by its cover ika nga. Ikaw Fleur, bakit ka nga pala nandito?" Tinitigan ko siya. "Wala lang. Kamustahin ka, ganon," she shrugged. Sumandal siya sa kinauupuan niya. "Balita ko binigyan ka ni ng magaling kong kapatid weapon ah?" napangiti ako ng naalala ko ito. Bumalik yung weapon ng kusa sa akin noong nagising ako kaninag umaga ng hindi ko namamalayan. "Ah oo. Celestial dagger," ngumiti ako sa kanya.

"Oh? He gave you the Celestial dagger? How fortunate," dama ko sa boses niya ang halong saya at lungkot.

"Bakit parang malungkot ka," Naglean ako konti sa lamesa. "Alam mo ba 'yang celestial dagger na 'yan ay may kasamang celestial staff na kapag na summon mo yung staff ay magagrant ka ng divine light. Ang nakuha ko naman Elysian sword na kapag nasummon ko ang Elysian staff nito, ang igagrant naman sa akin ay immaculate zephyr taray diba? Pero mas cool yung iyo."

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Narinig ko na naman ang frustrated na boses ni Parker kaya nagpaalam muna ako saglit kay Fleur. Ano namng meron sa weapon ko?

Only One YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon