Feather 10

82 53 15
                                    

----X----

Nasa living room ako ngayon at kasalukuyang tinitignan si Parker ng hindi nagpapahalata dahil tinatakpan ko ang kalahati ng mukha ko ng isang babasahin na kung tawagin nila ay magazine. Nakaupo siya sa sahig habang nagsusulat sa maliit na lamesa sa gitna.

Pinagmamasadan ko ang bawat kilos niya. Sinusuri kong maigi ang paligid. Hindi ako pwedeng magkamali sa kung ano man ang nakita ko kahapon. Bakit naman siya magpapakita ng ganon-ganon na lamang? Hindi kaya isa lamang iyong paalala? Naguguluhan ako. Kailangan kong makita si Fleur. 

Ibinababa ko ang hawak kong babasahin sa sofa at dumiretso sa kusina. Kailangan kong gumawa ng hakbang. Kumuha ako ng baso at at nagsalin ng tubig. Sa tagal ko na ring pamamalagi sa bahay ng mga Ramirez ay unti-unti na akong nalilinawan sa mga bagay bagay na nakapaligid sa akin. Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas ng napunta ako sa bahay nila. Meron na lamang akong 93 na araw para itama ang pagkakamaling nagawa ko.

"Ang lalim yata ng iniisip mo," bigla kong nabuga ang tubig dahil sa pamilyar na boses na nagpagulantang sa akin. Hinanap ko kung saan iyon nanggaling. Hindi ako pwedeng magkamali! 

"Picnic ground. Mamayang 9:00 pm," Agad kong napagtanto kung sino iyon. Bumalik ako ulit sa sala para titigan ulit si Parker. Umupo ako sa sofa at pinagmasdan ang bawat kilos niya. Walang pasok ngayon kaya nandito kami sa bahay. Inisip ko kung ano-ano ang pag-uusapan namin mamaya. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na sumonra na ang pagtitig ko kay Parker. Agad akong bumalik sa diwa ko ng dahil sa libro na tumama sa mukha ko.

"Drug addict. Tinitingin mo?" tinabingi ko ang ulo ko. "Ang seryoso mo nagyong araw which is a good thing. Walang makulit. Walang maingay," Pinagmasdan ko lang siya at hindi sinagot. "Stop giving me that dumb look," humawak siya ng isa pang libro at akmang ibabato ito sa akin.

"Wag sa ilong! Masakit kaya. Tangos pa naman nitong ilong ko," hinawakan ko ang ilong at hinaplos ito sabay tingin sa taas na para bang manghang-mangha. "There she goes again," narinig kong bulong niya bago tumayo at pumanik sa taas.

Hayy. Masyado na ba akong seryoso? Oh no. Ayoko matulad sa isang tuod na katulad ni Parker na walang ibang gawin kundi magmukang seryoso! No way! Hindi ako magiging katulad niya!

Tinitigan ko ang relo kung anong oras na. 3:08 pm. Meron pa akong anim na oras na nalalabi. Wala si Sam at si tita dahil nagshopping sila. Habang yung tatay naman ni Parker ay nasa trabaho pa. Agad akong umakyat sa taas. Siguro nasa kwarto niya si Parker 'yon. Pumasok ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng damit. Ibang kulay naman para maiba. Binigay ito sa akin ni tita. Isa siyang longsleeves na kakulay ng langit. Sinuot ko ang puti kong pantalon para magkaterno ang kulay nito. Sinuklay ko ang aking buhok na hanggang dibdib. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Magkakulay nga talaga ang mata at buhok ko. Parehas silang kulay tsokolate. Agad kong sinuot ang pares ng tsinelas bago lumabas ng kwarto. 

Pinagmasdan ko ang pintuan ng kwarto ni Parker. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan mag-isa. Baka mapano siya. Nag-isip ako ng paraan. Ah! Kumuha ako ng white feather ko saka ko ito binulungan at inihip papasok sa butas sa ilalim ng pintuan ng kwarto niya. Hindi man gaano ito katagal pero maproprotektahan siya nito hanggat hindi pa ako nakakabalik. Sinilip ko ang aking relo. 4:20 pm na. Grabe naman! Ganon ba ako katagal maligo at magbihis? Huhuhuhu nakakababa ng dignidan pag nalaman 'to ni Fleur!

 Agad akong bumaba at lumabas ng bahay ng hindi gumagawa ng anumang tunog. Kung nakasakay ako sa sasakyan ni Parker ay 15 minutes lang ay nandoon na ako sa paaralan nila. Pero maglalakad lang ako.... bakit kasi doon pa eh! Nakakapagod kaya! Kaysa umiyak ako at maglupasay sa kalsada at naglakad na ako. Lagot talaga siya sa akin pagdating ko doon. Hmp!

***

Halos ilang minuto na akong naglalakad pero hindi ko pa rin matanaw ang paaralan nila Parker! Hindi ko na kaya! I kennat! Umupo ako saglit sa upuan sa waiting shed. Ang sakit ng paa ko! Tinignan ko kung anong oras na sa relo ko. 4:30! Eh bakit parang feeling ko ang tagal tagal ko ng naglalakad! Mapanlinlang! Huhuhuhu. "Ang sakit sakit na ng paa ko eh!"

"Need a ride?" napatingin ako sa pinangalingan ng boses. Agad akong napangiti nang nakita ko ang maaliwalas niyang mukha na nakangiti sa akin.

"Lila!" tumawa siya kaya napangiti ako. "Tara! Saan ka ba pupunta?" binuksan niya ang pinto ng kotse niya. Nasa back seat siya nakaupo at mukhang may kasama siya.

"Sa school sana kaso may kasama ka yata," nginitian ko siya. "Ano ka ba! It's okay. He's just my driver. Hindi ka naman kakainin ni kuya Taro eh," wala akong ibang nagawa kundi pumasok na lang sa kotse niya. Agad niya itong sinara at hinarap ako.

"Buti na lang madadanan namin yung school. Ano bang gagawin mo doon?" sumandal ako at tumingin sa kanya. "May kikitain lang," bigla siyang ngumiti na abot tenga at nagtatatalon sa upuan niya habng hinahampas ako sa balikat. Aray! No to violence!

"Sino siya? Gwapo ba? Yieee! Pero walang mas gagwapo kay Parky!" tumawa ako sa inasta niya.

"By the way, yung favor ko. Umm.... yung tungkol kay Parky," hinawakan ko ang kamay niya na nasa lap niya. "Huwag kang mag-alala. You can count on me! Magkita tayo sa lunes sa picnic ground ng 1:00 pm. Mag-uusap tayo sa balak ko," nginitian ko siya habang tinataas taas ko ang kilay ko. Yieee! Match maker na ako!

 "Miss, nasa tapat na po tayo ng school niyo," napatingin kaming dalawa ni Lila kay kuya Taro. Sinilip ko ang bintana at tama nga siya. Bakit ganon? Ang bilis talaga pag naka sasakyan ka. Hmp!

"Aww. I guess we'll have to end our conversation now. Sa Monday ah? I can't wait to hear you plan. Iniisip ko pa lang kinikilig na ako hahahaha. Ingat ka ah," hinalikan niya ako sa pisngi ko bago niya ako pagbuksan ng pinto. Pinagmasdan ko siyang kumakaway sa akin habang lumalayo na ang kotse nila. Maganda naman siya, mabait saka ang sweet pa niya. Bakit naman ayaw ni Parker kay Lila? Ampalaya talaga 'yon.

Agad kong tinahak ang gate papasok ng school.

"Saan ka pupunta? Walang pasok ngayon diba?" oops. Si manong guard! Paano na ito?

"Kuya may kikitain lang po," I flashed my brightest smile to him. Baka sakaling masilaw siya sa ngiti ko ata payagan ako hehehehe.

"School 'to. Hindi restaurant o kahit ano pang lugar na pinupuntahan ng magjowa. Nako nako. Mga kabataan nga naman talaga ngayon. Hala sige umuwi ka na sa inyo. Malapit na magalas-singko," tinulak niya ako ng dahan dahan hanggang sa makalabas ako ng gate. Paano na ito? Huhuhuhu.









Only One YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon