-----X-----
Nilagay ko sa bulsa ko yung larawan ni Parker. Dahil gwapo siya dito, hindi ko muna siya pagtitripan. *ehem* Ngayon lang.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumasok sa loob ng bahay. Hinanap ko yung babaeng kasama nila sa bahay para sana tanungin kung paano patuyuiin ng mabilisan itong jacket ni Parker.
Nang makita ko ang nanay nila Parker sa living room kuno na nakaupo sa sofa kuno at nanonood ng tv kuno ay nilapitan ko agad ito.
"Nan-tita, nasaan po yung kasama niyo sa bahay na babae?" Nilingon ako nang dahan-dahan ng nanay nila Parker habang nanlalaki ang mga mata nito. Okay?
"Babae? Anong hitsura niya? Nakakatakot ba? You can also see her Sophie?" Biglang namang bumilis ang tibok ng puso ko. Anong ibig sabihin niya?
"Meron kang nakikita na babae rito na laging naglilinis?" Lumuhod siya sa sofa para tuluyan niya akong makita. Parang bata lang.
"O....po, bakit po?" sagot ko ng alanganin. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin.
"Kasi.... PATAY NA SIYA!" parang sumabog yung eardrums ko sa sigaw niya! Susmaryosep! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Aatakihin yata ako! Sa sobrang taranta at gulat ko ay napaupo ako sa sahig habang nakatakip ang magkabilang kamay ko. Saka ako tumayo at pumunta sa kusina. Naiwan ko tuloy yung jacket ni Parker!
Nung nagsink-in sa utak ko kung ano yung babae ay nakaramdam ako ng lamig sa batok ko! Haroo! Biglang nagwala ang utak ko at bumuo ng kung anu-anong nakakatakot na bagay! Biglang may nagpop-out sa isip ko na mga vivid images ng babaeng bumababa ng patiwarik sa hagdan. Babae sa ilalim ng kama ko at babae sa kisame! Nakakaparanoid! Ayoko sa imagination ko! Haroo! Tulungan niyo po ako!
"What are you two doing?" dahan dahan kong iniangat ang paningin ko at nakita ko si Parker na may hawak na pitsel at baso ng tubig.
"Laughing exercise," tumawa ulit yung nanay ni Parker kaya napraning na ako. Haroo!
"Ma, doing that old trick again huh?" nilapag ni Parker ang pitsel at baso saka ngumiti at tumingin sa nanay niya.
"Miss ko na rin kasi PJ eh," ngumuso ang nanay nila Parker at ngumiti. May pagkachildish din pala nanay nila Parker. No to violence!
Ngumiti si Parker na iiling-iling saka tumalikod na para bang aalis na. Huwag mo ako iwan dito! Loka-loka nanay mo- teka siya rin eh!
"Huwag ka maniwala diyan," napatingin ulit ako sa likod ni Parker na tuluyan ng naglalakad palayo.
"I'm just playing with you Sophie. It's been a long time since I've seen a scared face like yours ang laugh like this. Don't worry, wala akong sira sa utak. It's just.... my hobby when I was young. Playing pranks on people," lumungkot ang hitsura niya saka umupo sa tabi ko.
"I miss the old times," nginitian niya ako at hinawakan ang balikat ko.
"Wanna hear a story?" tatango na sana ako pero napigilan ko ito. Paano kung nakakatakot ulit? Haroo! Ayoko na! Tumawa ng mahina yung nanay nila Parker kaya napatingin ako sa kanya.
"Don't worry. hindi 'to nakakatakot," tumango ako ng dahan-dahan. Hindi na ako makapagsalita dahil sa trauma. Huhuhu.
"The story is all about Sadie and Matthew, also know as me and my beloved husband," tinanggal ko sa pagkakatakip ng tenga ang mga kamay ko.
"I met him when I was a highschool student. Just like my son, he's handsome, smart and has a cold expression. On the other side, ako naman yung miss congeniality doon dahil sa dami ng kaibigan ko. Sa sobrang dami ng kaibigan ko, hindi ko na alam kung sino ang totoo," nalungkot naman ako sa sinabi ng nanay nila Parker.
"Naalala ko noon, naiihi ako. Kaya nagrush ako papuntang comfort room para you know," tumango na lang ako saka ngumiti.
"Lalabas na sana ako ng cubicle kaso napahinto ako nung may narinig akong nagtatawanan. Naisip ko na gugulatin ko sila pero napahinto ako nung narinig ko ang pangalan ko. Pamilyar din kasi yung boses kung sino ang nagsambit nun. Sabi niya na kaya lang naman daw siya nakikipagkaibigan sa akin dahil daw lagi akong nanlilibre at sikat ako sa school. Way back then, lagi akong pinanlalaban ng school namin sa mga pageants na ang kalaban ay ibang school. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda yata ako noong bata pa ako. Hanggang ngayon naman, shhh ka na lang ah," nalungkot naman ako at natawa sa inasal ng nanay nila Parker. Maganda pa rin naman siya hanggang ngayon
"Kung anu-ano pang masasakit na salita ang binato nila sa akin. Na ganito ganyan daw ako. Okay lang naman na laitin nila ako pero ang mas masakit, tintrato ko silang tunay na kaibigan samantalang sila, ginamit lang ako," ramdam ko ang hinagpis sa boses niya. Grabe naman sila.
"Nagkulong ako sa library noon tapos doon ako umiyak. That's when I met my husband. He loves reading kaya he's always in the library even when it's late. Siguro dahil sa lakas ng paghikbi ko ay napansin ako ni Matthew," nagbago ang ekspresiyon ng mukha at parang umaliwalas ito.
"From that day, we became bestfriends. He's always there for me to support me. He's my shoulder to cry and to lean on. Biruin mo yun, we began as bestfriends then lovers and now," ngumiti siya at tumingin sa kisame. "Now.... he's my forever," aww. Nakakaantig damdamin naman pala ang lovestory nila Mr. and Mrs. Ramirez. Ako'y kinikilig! Kinikilig ba? Okay. Ako'y Kinikilig!
Napatingin ako sa nanay nila Parken ng tumayo siya. Nilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko ito para makatayo na rin.
"Sophie dear, thanks for listening. Hindi ko kasi makwento 'to kay Parker kasi corny daw. Wala pa kasing lovelife kaya bitter anak ko. Kay Sam naman paulit-ulit na lang yung kwento ko sa kanya kasi tanong ng tanong. Ang cu-cute lang ng mga anak ko," nagulat ako ng yinakap ako ng nanay nila Parker. This feels awkward.
"Iba pa rin talaga pag girl's talk no? Bata pa kasi si Sam ko kaya hindi pa niya maintindihan," humiwalay siya sa akin saka ngumiti. Ang weird lang kasi parang gumaan yung loob ko sa kanya.
"Thanks Sophie," kinawayan niya ako bago tuluyang lumabas sa kitchen.
"No problem po tita," napangiti ako dahil hindi na ako nagkamali.
Tita.
-----X-----
A/N:
Another chappy! Maulan kaya malamig. Rainy Saturday.
BINABASA MO ANG
Only One Year
Novela Juvenil"Hanggang kailan ko po siya babantayan?" "I'll give you only one year." © 2016 Wisdomes Created: 6/10/2016 Finished: --/--/----