Elisse's POV
"Ms. Elisse, may meeting daw po kayo with Mr. Reyes, 2:00." Sabi ni Shane, secretary ko. "Cancel it. Tell him that I got some business to attend to." "Yes po." Sabay alis ni Shane. Nakakapagod magtrabaho.. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. I'm Victoria Elisse de la Vega, ang unica ija ng sikat at mayamang mag asawang de la Vega. Isa akong model ngayon at the same time, ako ang nagpapatakbo ngayon ng kumpanya ng parents ko. Halos lahat na ata nasakin eh. Maganda? Oo. Matalino? Oo. Sexy? Oo. Sikat? Oo. Mabait? Konti lang. Nakakatawang isipin na nakuha ko lahat ng ito dahil lang sa isang bagay na naganap noong highschool ako. Ang dati rating tinatawag na panget, manang, nerd, chubby at kung ano pa ay isa ng diyosa ngayon. Now, back to reality. Tinignan ko kung anong oras na at ako'y nagugutom na. Buti naman at lunch na. Sumandal ako sa swivel chair ko at nag-intay... Sampung minuto na ang lumilipas at wala paren siya! Kinuha ko yung phone ko para itext siya at saktong isesend ko na, bigla siyang pumasok sa office ko. "Gosh, Ian, what took you so long?" Sabi ko at tumayo na. "Sorry Elisse, kakatapos ko lang sa meeting eh." Sabi sakin ni Ian sabay halik sa pisngi ko. "Anong sorry ka diyan? Ililibre mo ko! Gutom na ako." Sabi ko. "Anong libre ka diyan? Nilibre na nga kita nung isang araw eh!" Depensa ni Ian. "Ehh dali na!! Please???" Sabi ko with matching pa-cute. "Tsk. Sige na! Wag ka na uli magpa-cute.. Di bagay sayo. Ang pangit." Sabay humagalpak ng tawa si Ian. Aba't.. "Mas pangit ka! Tse!" Sabi ko at iniwan si Ian sa office ko. Maya maya ay naramdaman kong may umakbay sakin, si Ian yun alam ko. "Uy, sorry na oh. Joke lang yun, ang cute cute mo nga eh." Sabi ni Ian habang pinipisil pa yung pisngi ko. "Oo na! Basta ba libre mo ako haha." Umiling iling lang si Ian at tumuloy kami sa paglakad. Meet Ian Janrel de Guzman, siya ang best friend ko. We've known each other since we were highschool, siya din ang nagpapatakbo ng kumpanya ng parents niya. Siya din ang tinatawag na "crush ng Manila" hahaha. Sa gwapo, macho, at bait naman nitong si Ian, halos lahat talaga ng babae magkakagusto dito. "Saan mo gustong kumain?" Tanong sakin ni Ian. "Dun nalang sa cafe sa baba, tinatamad ako mag mall eh." Tumango si Ian at dumeretso na kami sa cafe. As usual, nagkwentuhan lang kami habang kumakain. "Nga pala, may reunion daw batch natin." Sabi ni Ian. "Really? Kelan daw?" Tanong ko. "Ngayong dadating na Sabado. Sa school din gaganapin." "Ahh. Okay." "Pupunta ba tayo?" Ngumisi ako. "Of course, bakit naman tayo hindi pupunta?" Nagkibit balikat si Ian. "Hindi kaya pagtsismisan ka nila pag dumating ka? We both know you're famous right now. Plus, are you ready to face him already?" Natawa ako. "Ian, okay lang sakin yun. I don't mind. Magtsismis sila kung gusto nila, I don't care. And one more thing, matagal ko nang hinanda ang sarili ko para harapin siya. We both planned this right?" Sabi ko at uminom ng tubig. "You know, you don't have to do this right?" Tinignan ko si Ian. "I thought we had this over with? I wanted this. Gusto ko gawin 'to para ipakita sa kanila na mali sila. Na ang dati rati nilang inaapi, niloloko, tinatapak-tapakan ay isa ng hinahangaan ngayon. At gusto ko ipamukha kay Alexander Villanueva kung ano ang sinayang niya." Sabi ko habang nagpipigil ng galit. Tumayo si Ian at tumabi sakin at hinawakan ang kamay ko. "Elisse, chill. You'll get what you want okay? You'll prove them wrong. Just don't go too far okay? Remember, andito lang ako para sayo." Sabi niya sakin at ngumiti. Ang sweet talaga ng best friend ko. Hindi ko tuloy napigilang ngumiti. Dinantay ko ang ulo ko sa balikat ni Ian habang magkahawak kamay kami. "Ang sweet sweet talaga ng best friend ko. Tayo nalang kaya? Hahaha joke lang!" Ngumiti si Ian. "Pwede naman ah, single ka single din ako, maganda ka, gwapo ako. Bagay na bagay tayo." Sabi ni Ian sabay tawa. "At sino naman ang nagsabi sayo na bagay tayo aber?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay. "Edi yung mga nagtratrabaho sa kumpanya mo, di mo ba napapansin sa tuwing pupunta ako sa opisina mo para sunduin ka kilig na kilig yung mga empleyado mo, kesyo bagay raw tayo, kung tayo na ba? Hahahaha" Ngumiwi ako. "Natuwa ka naman? Tsk, sabi ko na nga ba eh crush mo ko." Biro ko kay Ian. "Uy hindi ah! Kapal nito." Depensa ni Ian. "Eh di sino pala crush mo aber?" Tanong ko. Umiwas ng tingin si Ian. "Basta.. Ipapakilala ko siya sayo pag may time kami..." Suuuuus!!! "Ano pala balak mong gawin kay Alexander?" Pag-iiba ni Ian ng topic. Ngumisi lang ako. "Secret." Marami akong plano para kay Alexander. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin, hindi pwedeng hayaan ko nalang yun ng basta-basta. Be ready Alexander Villanueva, I'm coming for you. I'm gonna prove you wrong. I'm gonna return the "sweet" favor.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of Ms. Nerdy
FanfictionNerd, chubby, manang... Yan ang isa sa mga tinatawag kay Elisse. Meet Victoria Elisse de la Vega, ang unica ija ng mayamang mag asawa na de la Vega. Wala nang ibang nangyare sa buong highschool life ni Elisse kundi ang mabully at malait. At lahat ng...