Elisse's POV
Nakatayo ako ngayon sa harap ng bagong school na papasukan ko. New school, new classmates, new surroundings. Nagbuntong hininga ako. Sana kahit papano magkaroon ako ng kaibigan dito. Pumasok na ako at hinanap ang daan papunta sa office para kunin ang schedule ko. Pero.. Ang laki ng school na 'to!!!! Hindi ko alam kung saan ang office!! Hala pano ba 'to?!?! Maya maya ay biglang nagring ang bell... Hala!! Malalate na ako!!! Mag-uumpisa na ang klase hindi ko pa alam kung saan ang room ko!! Tumakbo na ako para hanapin ang office, ngunit nang saktong pagliko ko, may nakabunggo ako. Napaupo ako sa sahig ganon na rin yung nakabunggo ko. "Ano ba naman yan miss, tumingin ka nga sa dinadaanan mo. At isa pa, school 'to hindi field." Pagkatingala ko, nakita ko na lalake pala ang nakabunggo ko...
Ang... Ang gwapo niya!!! Ano ba Elisse! Kumalma ka nga! First day na first day! Nandito ka para mag-aral hindi para kumiri! Inayos ko yung salamin ko at tinignan uli yung lalake. "A-ahh sorry.. Bago lang kasi ako dito eh.. P-pwede mo ba sakin ituro kung saan ang office?" Tanong ko. Tinignan lang ako nung lalake at nagbuntong hininga. "Dumeretso ka lang tas kumanan ka, yung unang room, yun yung office." Sagot niya sakin. "Ahh sige sige salamat kuya!!" Maglalakad na sana ako papuntang office nang bigla siyang umimik. "Alex." Sabi niya sakin. Tinignan ko siya. "Ha?" "I'm Alexander Villanueva. Alex for short. Well, gotta get going, bye nerdy." Sabi ni Alex at naglakad na paalis. Hmm.. Alexander Villanue- teka... Ano tinawag niya sakin kanina? Nerdy? Tss. Bayae na nga.. Totoo naman haha. Dumeretso na ako sa office para kunin ang sched ko. Binigyan na rin ako ng plan kung saan yung mga classroom ko. Social Studies ang first subject ko. Room A4.. Ayun! Sumilip ako at nakita kong nag-uumpisa na ang klase. Hala!! Aalis na sana ako pero nakita ako ng teacher. She motioned me to go inside. Pumasok ako at lahat ng estudyante ay nakatingin sakin. Tumungo nalang ako. "You're the new student right? Kindly introduce yourself to the class." Sabi nung teacher. "Ahh.. Hello, I'm Victoria Elisse de la Vega. Sana magkasundo tayo." Tumango yung teacher. "Well I'm Ms. Castillo, and I'll be your lecturer for Social Studies. You may take the seat next to Mr. de Guzman. Mr. de Guzman, kindly raise your hand." Utos ni Ms. Castillo. Nilibot ko yung mata ko sa room hanggang makita ko yung magiging katabi ko. Lumapit ako at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Now as I was saying, I only have three rules in my subject. First, you must listen to me especially during lecture time. Second, all paper works must be submitted on the date I want them to be submitted. I will only accept late paper works if there is a valuable reason. And last, Ayaw ko ng nalelate sa klase ko." Sabay tingin sakin si Ms. Castillo. "I will let you off this time Ms. de la Vega, since you're just new here." "Yes Ma'am." Sagot ko. "Okay, since that's settled, we'll be starting our first activity. This is a by pair activity, your partners will be your seatmates. Now I want each pair to conduct a research about the previous presidents of the Philippines and their contributions to the country. You'll be reporting that next meeting. Am I clear? Are there any questions or clarifications?" Tanong ni Ms. Castillo. "None." Sagot naming lahat. "Well, that's all for today, you may now take your break." At ayun, lumabas na si ma'am. Break na.. Kaso wala naman akong kilala dito... Pupunta nalang ako sa sunod kong klase, nakakahiya na bagay ma-late nanaman ako. Inantay ko munang makalabas silang lahat. Nang wala na sila, tumayo na ako at hinanap kung saan ang sunod kong klase.Nakaupo ako ngayon sa room. Ako palang ang tao dito, lahat sila'y nasa canteen. Maya maya'y may pumasok sa room, pagtingin ko'y yung katabi ko pala kanina yung dumating. Nagtama ang mga mata namin ngunit agad ko ring pinutol. Tumabi siya sa akin pero hinayaan ko nalang. Tahimik lang kaming dalawa. Nakakabingi yung katahimikan... Medyo awkward. Ngunit lalong naging awkward nang biglang tumunog yung tiyan ko. Nanlaki yung mata ko at dahan-danhang timingin sa katabi ko. Nakatingin siya sakin!! Narinig niya!! Huhuhu lupa lamunin mo na ako!!! Maya maya ay tumunog nanaman ang tiyan ko. Nakakahiya!!! "Hindi ka ba kumain?" Tanong ng katabi ko. "Ahh ehh hindi eh hehehe.." Sabi ko habang kinakamot ko yung batok ko. "Bakit hindi ka kumain?" Tanong niya muli. "Wala kasi akong kasabay.. Bago lang ako dito, wala akong kakilala at kaibigan.." Ngumiti siya at kinuha niya yung backpack niya. "Oh eto, buti may pasobra ako. Sayo nalang yan." Sabi niya sakin sabay abot ng sandwich. "Hala, okay lang. Nakakahiya naman. Sayo na yan, baka gutumin ka mamaya eh wala kang pagkain." Sabi ko habang pilit na binabalik sa kanya yung sandwich. "Hindi, ayos lang. Kainin mo na yan, masama yung nalilipasan ng gutom." Sabi niya. Ngumiti ako at tinanggap ko nalang din. "Salamat ah. Ano nga ba ang pangalan mo?" Tanong ko habang inuumpisahan nang kainin yung sandwich. "Ian. Ian Janrel de Guzman." Sabi niya sabay ngiti. Mukhang hindi naman pala mahirap makahanap ng kaibigan dito. "Salamat uli Ian ah." Sabi ko nang maubos ko yung sandwich. "Wala yun Elisse. Gusto mo sabay na tayo mamayang lunch?" Tanong ni Ian. "Okay lang ba? Baka naman maabala lang kita." Paniniguro ko. Ikaw ba naman ang alokin ng gwapong lalake na magsabay kayo ng lunch, tingnan ko lang kung makatanggi ka. "Ano ka ba Elisse, syempre okay lang. Basta sabay tayo mamaya ha. Hintayin mo nalang ako sa may canteen." Sabi niya, magsasalita pa sana ako kaso bigla nang pumasok yung lecturer namin. Buti nalang mabait si Ian. Sana lahat ng lalake katulad niya..
BINABASA MO ANG
The Revenge Of Ms. Nerdy
FanfictionNerd, chubby, manang... Yan ang isa sa mga tinatawag kay Elisse. Meet Victoria Elisse de la Vega, ang unica ija ng mayamang mag asawa na de la Vega. Wala nang ibang nangyare sa buong highschool life ni Elisse kundi ang mabully at malait. At lahat ng...