Elisse's POV
As usual, wala namang nangyari kundi lecture. Boring ng konti pero ayos na rin lalo na at may kaibigan na ako dito. Umalis na yung lecturer, kaya lahat kami ay lumabas na sa room para sa susunod na klase. Umuna na si Ian dahil may aasikasuhin lang daw siya pero babalik naman daw agad siya. Habang naglalakad ako nakarinig ako ng mga tili ng mga babae.. Pagtingin ko ay may tatlong lalakeng parating. Hindi ko na inalam kung sino pa yung mga lalake at dumeretso na sa aking locker. "What the hell?!?!" Paalis na sana ako nang may makabunggo akong babae. Nahulog yung mga gamit ko, kasabay ng pagtapon ng juice niyang dala sa blouse niya. At dahil sa pagsigaw niya, lahat ng atensyon ng mga estudyante ay napunta samin. "S-sorry.. H-hindi ko n-naman sinasadya e-eh.." Sabi ko habang nanginginig sa kaba. Ang ayaw ko kasi sa lahat ay yung maraming tao ang nakatingin sa akin. "Anong sorry? Look what you did to my blouse! Alam mo ba kung gaano ito kamahal?! Addition to that, sinayang mo pa yung juice ko. Bakit ba kasi tumatanggap ang school na 'to ng mga tanong patanga-tanga?! My gosh nakaka-stress!" Sumbat sakin nung babae. Grabe naman 'tong babaeng 'to. Mabait ako pero kapag ganito naman ang ugali ay nakakainis na. "Grabe ka naman kung makapag-salita. Nag-sorry na nga ako di ba? Hindi ko naman sinasadya yun eh. Pati hindi ako tanga. Kung makapag-salita ka akala mo kung sino ka." Sumbat ko. "Aba't sumasagot ka pa ha?!" Sabi nung babae. At wala pang limang segundo nakaramdam na ako ng sobrang pagkahapdi sa pisnge ko. Sinampal niya ako.... "Stephanie Reyes ang pangalan ko. Ako lang naman ang anak ng isa sa mga may shares ng school na ito. Ako ang reyna ng school na ito. Kaya matuto kang rumespeto. Isaksak mo sa kokote mo yan." Sabi nung si Stephanie. "Elisse!" Biglang may sumigaw ng pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko si Ian, tumatakbo palapit sa akin. "Elisse, okay ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Tanong sakin ni Ian na may bahid ng pag-alala sa mukha niya. "Hindi na, okay lang ako. Salamat." Tugon ko. "Aba't tignan mo nga naman.. Unang araw mo palang dito nakagayuma ka na ng isang lalake. Isang heartthrob pa! Ibang klase ka talaga!" Sabi ni Stephanie. Tumingin si Ian sakanya at tumingin dun sa tatlong lalakeng pinagtitilian ng mga babae kanina. At doon ko lang napagtanto na isa doon sa mga lalake ay si Alex... "Ano ba Alex?! Pagsabihan mo nga 'yang "reyna" mo na tigil-tigilan niya ang pang-esskandalo! Hindi 'yang nakatayo ka lang diyan at nanonood!" Sabi ni Ian habang nanlilisik ang mata niya sa galit. "Tara na Elisse, dalhin na kita sa clinic, namumula na ang pisnge mo." Sabi sakin ni Ian at binuhat ako.
Nasa clinic kami ngayon ni Ian. Walang nurse ngayon sa clinic, break siguro.. "Upo ka lang muna dito Elisse, kukuha lang ako ng ice pack." Sabi ni Ian at pinaupo sa kama. Maya-maya'y bumalik si Ian habang may dalang ice pack. Kumuha siya ng upuan at umupo sa tapat ko. "Medyo mahapdi 'to ha, tiisin mo lang ng konti." Sabi ni Ian at inilapat ang ice pack sa pisnge ka. Napangiwi ako sa hapdi. "Wag ka mag-alala, hindi ko na hahayaang ulitin pa nila sayo 'to." Sabi ni Ian at tumingin sakin. Jusko! Bakit ba ang gwapo nitong nilalang na ito na nasa harapan ko ngayon?! "Hindi ko din alam eh." Biglang imik ni Ian. "Ha? Alin ang hindi mo din alam?" Tanong ko. "Hindi ko rin alam kung bakit ang gwapo kong nilalang." Sagot ni Ian habang nakangisi. "Ewan ko sayo." "HAHAHA joke lang! Eto naman, pinapatawa lang kita." Sabi ni Ian at ngumiti. "Bakit ang bait mo sa akin? Hindi mo sinabi, heartthrob ka pala ng school na 'to.." Sabi ko. "Bakit naman hindi ako magiging mabait sayo? Dahil heartthrob ako? Alam mo Elisse, wala naman akong pakealam kung heartthrob ako ng school o hindi eh. Basta ito lang tandaan mo, kaibigan mo na ako, kaya kapag may kailangan ka, nandito lang ako para sayo." Sabi sakin ni Ian habang nakangiti. Hindi ko na napigilan at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. "Bakit ka umiiyak? May nasabi ba ako? Sorry na Elisse oh." Sabi ni Ian. Ngumiti ako. "Wala.. Masaya lang ako kasi finally nagkaroon na ako ng kaibigan. Salamat Ian ha." Sabi ko. Ngumiti si Ian at pinunasan yung mga luha ko. "Basta simula ngayon, hindi ko na hahayaang gawin nila ulit sayo ito. Magsumbong ka lang sakin kapag inulit pa nila ito ha?" Sabi ni Ian. Ngumiti lang ako at sinuklian din naman niya ako ng ngiti. Pero nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa noo at niyakap. Tug tug tug tug. Ano ba itong nararamdaman ko?! Ano ba 'tong pinasok mo Elisse?
BINABASA MO ANG
The Revenge Of Ms. Nerdy
FanfictionNerd, chubby, manang... Yan ang isa sa mga tinatawag kay Elisse. Meet Victoria Elisse de la Vega, ang unica ija ng mayamang mag asawa na de la Vega. Wala nang ibang nangyare sa buong highschool life ni Elisse kundi ang mabully at malait. At lahat ng...