"New Found World"

26 2 3
                                    

Nagmamadali akong pumunta sa shop gamit ang bike ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. Shock... late na late na naman ako.

Ihhh.... si ate kasi eh. Hindi ako ginising tapos iniwan pa ako.

Pagkadating na pagkadating ko sa tapat ng shop, agad akong bumaba at nagtatakbo papunta sa loob.

Nakita ko pa sila ate dun na bussing-busy sa pag-aasikaso sa mga costumer.

"Oh ba't ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni kuya Nathan

Pero hindi ko na lang siya pinansin at nagmadaling pumunta sa kusina upang magpalit ng aking uniporme, yung dito sa shop.
Pagkatapos pinuyod ko into bun yung buhok ko. Bawal kasi nakalugay dito.

After then, lumabas na ako para tumulong kina ate.

"Aba, tahimik ata tayo ngayon?" Tanong sa akin ni ate Lovely nung wala ng masyadong costumer kaya pahinga muna. At eto kwentuhan.

"Ah hindi naman po, inaantok lang po siguro ako"

Oha ang galing ko noh, syempre kailangan kong gumalang sa nakakatanda sa akin.

Tumabi sa akin si Kuya Nathan at inakbayan ako. "Kaya ba late ka na naman? Ha?"

"Ihh kuya kasi si ate. Hindi ako ginising tapos iniwan pa ako" nagulat naman kami ng biglang lumabas si ate galing sa kusina.

"Oy! Anong hindi ginising? Eh halos 30 minuto na kita ginigising. Ang sabihin mo, sadyang tulog mantika ka lang" at yun nga po, ako na naman ang nakita nilang pag-tripan. Tinawanan lang nila ako hanggang sa gusto nila. Hahaha. Nakakatawa grabe.

Napatigil si ate Kristine at kuya Nathan sa sinabi ni ate Lovely. "Yung Charles ba yun" tanong ni kuya Nathan

Tek. Nao-op na ako dito ha.

At hindi pa nga pala ako nagpapakilala. Ano ba yan! Hahaha.

Btw, ako nga pala si Arriane Jade Angeles. At aaminin ko I was adopted by my parents. Nakuha nila ako sa isang bahay ampunan nung 5 years old pa lang ako. Ang sabi ng ate ko nung nakuha nila ako sa ampunan, tahimik lang ako at parang takot makisalamuha sa ibang tao. Pero siguro dahil matagal na rin yun naibalik ko yung dating ako. Kahit na, hindi ko naman talaga alam kung sino ako. Literal yung pangalan ko, hindi ko din matandaan. Ah yun lang, atsaka ako yung klase ng tao na hindi papayag api-apihin lang.

At syempre yung napaka-ganda kong ate.

Siya naman si ate Kristine Jade Angeles. Si ate yung klase ng tao na kayang gawin at isakripisyo ang lahat para sa pamilya. Kahit na hindi nila ako kaano-ano, minahal nila ako at tinuring na parang isang pamilya. Oo alam ko at naramdaman ko yun. Kaya nagpapasalamat ako sa pamilya ni ate kasi pinalaki at inalagaan nila akong mabuti.

Meron pa akong isang ate. At best of friend siya ni ate Kristine.

Siya naman si ate Lovely Hera Samson. Si ate Lovely hindi ko alam, pero para sa akin napaka-misteryoso niyang tao. Hindi sa ano, pero nararamdaman kong nabubuhay siya ng puno ng kasinungalingan. At siyempre hindi ko na lang pinapansin. Kasi baka mali naman ang hinala ko diba. At kung tatanungin ako parang..........pamilyar siya sa akin di bale huwag niyo na'ko pansinin. Hallucination na naman.

"Story Of Us"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon