[1]

14K 546 169
                                        

(ARIN'S POV)

"Arin?"

"Po?" sabi ko sabay lapit kay Ma'am Sherine, ang may-ari ng Pink Fluff na isang pastry shop na pinapasukan ko.

"Marunong ka naman mag-drive diba?"

"Opo. Bakit po?"

"Pwede mo bang ihatid 'tong cake na 'to? Umuwi na kasi ang mga deliver boy natin. Biglaan kasi ang pagpapagawa ng cake na 'to at kailangang maihatid kaagad. Wala na kasi akong ibang mautusan dahil tatlo na lang tayong nandito. Ayos lang ba?" pagpapaliwanag niya sa akin.

Napatingin ako sa wall clock di kalayuan sa akin. 8:30 na ng gabi. Hindi pa naman delikado sa daan.

"Sige po. Saan po ba?"

Napangiti naman si Ma'am Sherine dahil sa sinabi ko pagkatapos ay may iniabot siya sa aking isang papel na maliit.

"Dyan." Tipid niyang sagot sa akin.

Binuksan ko yung maliit na papel. Akala ko address yung makikita ko dun kaso hindi. Isa 'tong sketch at naka-drawing dito ang kahabaan ng Roxas Blvd. tapos may maliliit na arrow dito na patungo sa isang matandang puno ng balete.

"Bakit dito po?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi ko rin alam eh. Basta ang sabi dyan daw dalhin."

"Pwede ko po bang isama si Ceena?"

"Busy ang kaibigan mo. May pinapatapos kasi ako sa kanyang wedding cake. Kailangan na kasi yun bukas. At tsaka pagbalik mo dito, baka di mo na kami maabutan ni Ceena. Ikaw na lang ang mag-lock ng shop ha?"

"Ah. Sige po. Aalis na po ako." Nakangiti kong paalam kay Ma'am Sherine pagkatapos ay dumiretso na ako kung saan nakaparada ang mga sasakyan na pagmamay-ari ng Pink Fluff na siyang ginagamit kapag may dinideliver.

Maliit lang naman ang Pink Fluff pero dahil since 1998 pa ito nakatayo at malapit siya sa mga naglalakihang buildings ng Manila kaya kilala ito ng karamihan. Wala rin naman kaming problema sa pamamalakad ni Ma'am Sherine. Bukod kasi sa mabait siya, patas din siyang magpasahod. Bukas din siya sa mga opinyong gusto naming sabihin as long as ikakaganda ito ng shop ay ayos lang sa kanya.

Napangiti ako ng marating ko na ang destinasyon ko. Nasa loob pa lang ako ng sasakyan ay nakita ko na ang isang babae at isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40's na nakatayo sa tapat ng isang matandang puno ng balete. Siguro ay mag-asawa sila. Sa harap naman nila ay nakatayo ang isang lalaki. Sa tingin ko ay anak naman nila ito at siguro siya yung may birthday. Sabi kasi ni Ma'am Sherine anak daw nung nagpapa-order yung may birthday.

Kinuha ko muna yung cake na nasa may tabi ko lang bago tuluyang bumaba sa sasakyan at tsaka pumunta sa kinatatayuan nila.

Pagkalapit ko sa kanila, nakita kong nakaakbay pala yung lalaki sa asawa niya tapos parehas silang nakapikit at tila ba nananalangin habang yung anak naman nila ay nakatingin sa kanila. Bakas sa mukha nung anak nila ang lungkot.

Hinintay ko muna silang matapos sa ginagawa nila at nung dumilat na sila, agad nilang napansin ang presensya ko.

"Good evening po ma'am and sir." Magalang kong bati sa kanila pagkatapos ay iniabot ko sa kanila yung cake.

"Sorry po kung medyo na-late." Pagpapaumanhin ko sa kanila.

"It's okay, hija." Sabi nung babae pagkatapos ay tinap pa niya ang balikat ko.

Nilingon ko yung lalaking nakatayo sa harapan nila pagkatapos ay bahagya ko itong nginitian. Halatang nagulat yung lalaki sa ginawa ko pero binalewala ko na lang.

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon