(ARIN'S POV)
"Mga anong oras mo balak matapos?" tanong ko kay Blitz na busy sa pagpapaganda sa harapan ng salamin.
"Sandali lang naman kasi girl. Wag ka ngang magulo baka tumabingi 'tong false eyelashes ko." Pag-iinarte niya.
"Hahatakin ko yang false eyelashes mong pwede ng sabitan ng basket sa haba kapag na-late ako sa trabaho. Pinagbigyan na nga kitang maligo muna tapos nagpapaganda ka pa ngayon. As if naman may makakakita sa'yong bakla ka!"
"Eeeeeeh. Ang kj mo talaga girl. Shut up ka na lang diyan!"
Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya pagkatapos ay pabagsak na humiga sa kama niya habang pinagmamasdan siyang maglagay ng kung anu-anong pampaganda sa mukha niya. Hayy. Bakla talaga ang bruha! Wala na 'tong pag-asang maging lalaki pa.
"Malusaw naman ako girl sa mga titig mo."
"Malusaw ka na nga sana at ng wala ng perwisyo sa buhay ko!" bulyaw ko sa kanya dahilan para mapanguso siya.
"Ang bad mo naman sa akin." Sabi niya sabay upo sa tabi ko at kurot sa tagiliran ko.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa pagkurot-kurot mo diyan! Baka kurutin ko singit mo."
"Kaya mo?" nakakalokong tanong nya sa akin at akmang bubukaka sa harapan ko kaso mabilis ko siyang naitulak pababa ng kama.
"Subukan mo lang talaga, Blitz! Sinasabi ko sa'yo hindi ka na magigising."
"Oyy. Masamang biro yan!"
"Tototohanin ko talaga kapag hindi ka umayos!"
"Zsa Zsa Padilla na nga. Gora na tayis sa work mo!" sabi niya habang pakendeng-kendeng na naglakad papuntang pintuan.
---
Hindi pa man kami tuluyang nakakarating sa Pink Fluff ng bigla siyang tumigil at tila may tinitingnan.
"Anong tinitingnan mo?" tanong ko sa kanya.
Tinuro naman niya kung ano ang tinitingnan niya at sinundan ko naman ito ng tingin. Nakita kong ang mga nagtataasang building di kalayuan sa amin ang tinitingnan niya.
"Bakit mo tinitingnan?"
"Amin yan." Seryoso niyang sabi.
"Weh? Di nga?"
Tumingin siya sa akin pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay.
"Mukha ba akong nagbibiro?" pagsusungit niya.
Inirapan ko muna siya bago ako nagsalita.
"Edi sa inyo na."
Hinawakan niya ang baba ko at pinihit ito papunta sa direksyon kung nasaan ang mga building.
"Amin nga yan. Hindi ako nagbibiro." Kalmado niyang sabi sa akin.
Kanina masungit ngayon naman kalmado na siya. Bipolar ang loka!
"Oo na nga. Sa inyo na."
"Eh bakit parang naiinis ka?"
"Hindi ako naiinis."
"Weh?"
"Ako ba niloloko mong bakla ka?" this time ako naman ang masungit.
"Ang cute mo kapag naiinis." Sabi niya pagkatapos ay sinundot-sundot ang pisngi ko.
"Tigilan mo nga ako!" sabi ko pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at tinanggal ito kaso mukhang mali ata ang ginawa ko dahil hindi niya binitawan ang kamay ko bagkus ay hinawakan nya ito ng sobrang higpit at hinatak ako papalapit sa gilid niya.
"Ako ang susunod na chairman ng Winner Group. Kung hindi lang nangyari sa akin ang lahat ng ito, masaya na siguro ako ngayon bilang chairman." Seryosong sabi niya habang nakatanaw pa rin sa mga building.
"Kaya dapat magising ka---"
"Pero okay lang. At least nakilala naman kita." Saad niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Napalunok naman ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya.
"Siguro sinadya talaga ng tadhana na mangyari 'to para makilala kita. Para makakilala ako ng bagong kaibigan."
Hindi ko alam pero parang may kumirot sa dibdib ko ng sinabi niya ang salitang 'kaibigan'. Kaibigan pala ang tingin niya sa akin. Akala ko asawa. Jusme! Ano bang iniisip ko?
Bumitaw ako mula sa pagkakahawak niya pagkatapos ay kunwari kong pinagpag ang damit ko.
"Tama na ang drama bakla! Baka ma-late na ako sa trabaho ko." Pabiro kong sabi pagkatapos ay nauna na akong naglakad sa kanya.
Pagkadating namin sa Pink Fluff, agad na akong nagpalit ng uniform at dahil hindi pa naman madami ang mga tao, naisipan kong tumambay muna sa may counter.
Maya-maya'y biglang may lumapit na babae para magbayad ng kanyang mga pinamili. Tinitingnan ko lang yung babae habang nagbabayad dahil parang pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya. Hindi ko nga lang maalala kung saan.
Hahayaan ko na sana yung babae at papasok na sana sa kitchen kaso biglang tumayo sa kinauupuan niya si Blitz at lumapit dun sa babae. Para pa ngang malungkot ang hitsura ni Blitz. Napakunot ang noo ko. Kilala nya yung babae?
Mas lalo pang napakunot ang noo ko ng bigla niyang yakapin mula sa likod yung babae pagkatapos ay ipinatong niya ang ulo niya sa leeg nito. At tila may kung anong tumama sa ulo ko dahil bigla kong naalala na yung babaeng yakap ni Blitz ay ang ate nya. Kaya pala pamilyar siya sa akin dahil nakita ko na siya sa family picture nila Blitz.
(BLITZ' POV)
Nakayuko lang ako at walang pakielam sa mga taong lumalapit sa counter. Tumayo si Arin mula sa kinauupuan niya senyales para sundan ko na siya kung saan man siya pupunta pero bigla akong napahinto ng makita ko si Ate Reese.
"Ate Reese?" bulong ko sa sarili ko.
Malungkot akong lumapit sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya mula sa likuran. Alam kong hindi niya ako nakikita pero gusto kong maramdaman niya kung gaano ko siya ka-miss.
Pagkatapos niyang magbayad ay agad na siyang umalis sa counter at nag-martsa papalabas ng Pink Fluff. Pinagmasdan ko lang siya habang unti-unting inaalala ang mga masasayang alaala namin.
Naalala ko pa noon kung paano ako ipagtanggol ni ate sa mga kaklase kong walang ibang ginawa kundi ang asarin ako. Sa kanya ko rin unang sinabi na bakla ako. Noong sabihin na ako ang susunod na chairman ng Winner Group, siya ang unang nag-congratulate sa akin. In short, siya ang sandalan ko sa lahat ng oras.
"Ate, gusto na ulit kitang makasama." Naluluha kong sabi.
"Blitz. Ayos ka lang?"
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Arin na seryosong nakatingin sa akin habang ang isang kamay niya ay nasa balikat ko.
"Oo." Sabi ko pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti.
Kinuha ko ang kamay niyang nasa balikat ko at hinawakan ito pagkatapos ay sabay na kaming pumunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A GAY GHOST
FantasyLAHAT NG BABAE SA MUNDO, NANGAGARAP NA MAIKASAL SA MGA PRINCE CHARMING NILA. LAHAT NG BABAE SA MUNDO, NANGANGARAP NA MAGKAROON NG MALA-FAIRY TALE NA LOVE STORY. PERO PAANO KUNG MAIKASAL KA SA MULTO NG BUHAY MO? AS IN LITERAL NA MULTO. AT HINDI LANG...