Nicolle's POVIlang beses ko na din hindi pinapansin si Taehyung.Naiilang kase ako sa presensya nya.Oo inaamin ko nagkakagusto na ako sa kanya kaso ayaw ko namang masaktan kaya mas mabuting lumayo muna ako bago pa lumalim to.
Nalaman ko din na dito papasok si L yung pinsan ko magkasing tanda lang kami pero mas matanda siya sakin ng ilang months pero di ko siya tinatawag na 'kuya' ayoko nga!
Naglalakad ako sa hallway ngayon papuntang garden.Iniwan ko na din ang bag ko sa room.Matagal tagal pa naman bago magtime.Tsaka absent ang lokang si Ally kaya wala akong makachismisan.
Pagkadating ko doon ay humiga agad ako sa damuhan at tumingin sa kalangitan.
Hays Taehyung ano ba tong ginagawa mo sakin?
Ayaw ko namang umasa.Masakit kase yun.Kahit sweet sakin si Taehyung alam kong joke lang lahat yun.Bakit ganun?ang joke minsan nakakatawa madalas nakakasakit?
Nag dadaydream pa ako dun nang may narinig akong pamilyar na boses.
"Lalim ng iniisip natin ah." Nanlaki aag mata ko y-yung boses na yun-------------
"MYUNGSOO!!!" Agad agad akong tumayo at niyakap siya.
"Haha grabe naman to parang di tayo nagkita noong nakaraang linggo." Natatawang sabi nito.Nagpout naman ako.
"Ayaw mo nun?namimiss kita?yiee kikiligin na yan.Haha." panunukso ko.Ginulo lang niya ang buhok ko.
Nagkwentuhan lang kami dun at sinabi ko na din yung kay Taehyung.
"So naiwas ka para hindi ka tuluyang magkagusto sa kanya?"tanong niya kaya tumango naman ako.
"Bakit ka pa iiwas kung tuluyan ka na namang nahulog?" Tanong niya.Natamaan ako dun.
"Ay grabe ka Myungsoo ah.Syempre hindi ko pa siya ganung kagusto!" Pagpupumilit ko kahit sa totoo ay di ko alam ang totoong nararamdaman ko.
Ngumisi lang siya.Ay nako!
"Wag ako.Sa bawat pagbigkas mo ng pangalan niya halatang halata sa mga mata mo.Tsaka hindi mo ba alam na kanina ka pang nakangiti habang nagkukwento?"
Ha?kanina pa ako nakangiti?
"eh w-wala nga lang yun....." ngumisi lang ulit siya
"Wala lang?hay nako isipin mo naiisip mo ba si Chanyeol tuwing kasama mo si Taehyung?" Tanong niya.Oo nga no?nakalimutan ko na si Chanyeol dati rati walang oras na hindi ko siya naiisip pero ngayon puro si Taehyung na.
"Natahimik ka oh.Kase totoo?" Tsk.Edi ikaw na magaling!
"Tama ka Myungsoo.May g-gusto na ata ako sa kanya pero natatakot ako." Wala sa sariling sabi ko.
"Ano namang kinakatakot mo?" Tanong niya.Napabuntong hininga naman ako.
"Natatakot ako na baka na.....masaktan ako sa huli." Seryosong sabi ko.
"Alam mo wala namang dahilan para matakot ka eh.Yan yung nararamdaman mo di mo na mapipigilan yan.Paano ka sasaya kung takot ka? Sa pagmamahal dapat matapang ka.Tsaka di maiiwasang masaktan kase part yun ng pagmamahal.Tsaka aral na din yun sayo para sa susunod di ka na masaktan.Sumugal ka lang! Kaya mo yan.Kaya wag kang matakot." pangangaral niya.
Sandali kong inisip ang mga sinabi niya.May point siya.
"Tama ka nga.Siguro duwag ako kaya di ako masaya.Kung masaktan edi masaktan makakahanap din ako ng akin.Hahaha ikaw Myungieee ah may nililigawan ka na no?" Panunukso ko.

BINABASA MO ANG
My Alien Love Story
Fanfiction"ARGH!NAKAKAINIS KANG ALIEN KA!" "TOLOGO?" "LECHE KA KIM TAEHYUNG!" "ALABYUTOO!" "SHETE KA!"