Nicolle's POVHindi na lang ako nagsalita at nagpahila na lang sa kanya.
Tumigil kami sa isang ice cream shop.Woaah!
"Oh Nicolle?anong gusto mong flavor?" Tanong niya.
"Libre mo ba?"
Tumawa siya hays ang pogi.
"Oo naman!osige pili ka na dali!" pinili ko ang cookies and cream na isang gallon.Siya naman chocolate flavor na isang gallon din.
Umupo na kami matapis makahanap ng pwesto.
Kain lang ako ng kain ng ice cream nang bigla akong tawagin ni Taehyung.
"Nicolle......"
Napatingala naman ako.
"Oh?b-bakit?" Kinakabahang tanong ko.Lumapit siya sa mukha ko.
Hahalikan niya ba ako?
"Ayan!ang kalat kalat mo kumain.Tsk parang bata." Saka niya pinunasan ang bibig ko.Ayan kase Nicolle asa pang halikan ka niyan.
"Nicolle napatahimik ka?" Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita siya.
Umiling lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
Matapos namin kumain ay pumunta kami sa Quantum.
Naglaro laro lang kami dun at nagpadami ng tickets.
"Psst!tara kanta tayo!" Aya ko sa kanya.Tumango naman siya.
Pumili siya ng kakantahin niya at ako naman ay naupo para panoodin siya.
Yung kanta.....
Taehyung's POV
Playing: Just One Day by BTS
Kumanta ako habang nakatitig sa taong mahal ko.Oo inaamin ko mahal ko na siya.Madami na ding nanonood na naglalaro dito sa Quantum pero si Nicolle lang nakikita ko.
Adik na talaga ako sayo.Walang oras na hindi kita iniisip.Lagi ka na lang ikaw ang naalala ko sa bawat paglipas ng oras.Walang duda,mahal na mahal talaga kita.
Umaasa ako na sana ako yung mahal mo,ako yung gusto mo.
Alam ko noong una pa lang may iba sayo.Hindi ako ganito sa ibang babae miski sa ex ko pero pagdating sayo....nag iiba ako.
Nagagawa ako lahat ng gusto ko nagiging masaya ako.
At dahil yun sayo......
Naalala ko yung una nating pagkikita.Mga pambibwisit ko sayo.Lahat.... at narealize ko na ang saya saya ko kapag kasama kita.
Hanggang sa matapos ang kanta nakatitig lang ako sa kanya.
"N-Nicolle..." tawag ko sa kanya pero nagulat ako ng nagtatakbo siya palabas.
Ibinaba ko na ang mic at sumunod sa kanya palabas.
Nicolle's POV
Buong pagkanta ni Taehyung nakatitig lang siya sakin.Yung mga mata niya...parang may sinasabi.
Unti unti na naman akong umaasa.Wag Nicolle wag.Nakanta lang siya.
Iwinaksi ko lahat ang iniisip ko at pinakinggan siya.
Ang ganda ng boses niya.Ang sarap pakinggan.
Hays Nicolle!Simpleng kanta lang yan aasa ka na naman?tapos ano? Masasaktan ka?iiyak ka?

BINABASA MO ANG
My Alien Love Story
Fanfiction"ARGH!NAKAKAINIS KANG ALIEN KA!" "TOLOGO?" "LECHE KA KIM TAEHYUNG!" "ALABYUTOO!" "SHETE KA!"