Chapter 1

618 26 1
                                    


"Sandra, gumising ka na!"

"antok pa ako Ate!" bagot na sambit ko.

"tsk! E di ba ngayon na yung activity day niyo, tsaka na-print out na kagabi yung nasa flashdrive mo"

Bumangon na ako habang nakapikit pa rin "talaga Ate?" sabi ko na bagong gising palang.

"oo, kaya maligo ka na. Mahuhuli ka na sa booth niyo" sabi na lang niya at narinig ko ng sumara ang pinto.

Dinilat ko na ang kaliwang mata ko para kunin ang phone ko. "6:30 am. Psh! Ang aga pa eh!" pagmamaktol ko.

Ibabalik ko na sana sa bedside table ko ang phone nang biglang may tumawag. In-accept ko naman ang tawag.

"hello" sabi ko.

[Sandra, asan ka na ba? Mag-aayos pa tayo o!] Psh. Ayan na naman si Ms. Sungit Eliza Jeyzen. Hay nako. Kay aga aga, yan agad ang bubungad sa umaga ko.

Napakamot ako ng marahas sa ulo ko at ngumawa sa kanya "eeh! Ang aga pa kaya Elay! 6:30 pa lang o! Please give me another 10 minutes. Antok pa ako eh!"

Narinig ko ang malalim niyang paghinga [hay nako Sandra! Pasalamat ka nakita ko yung crush ko kanina pagpasok ko rito kaya hindi kita susungitan ngayon, pero natapos mo na ba yung ip-print out para sa booth natin?]

Buti na lang talaga nakita niya yung crush niya. Nako kung hindi malamang sa alamang sisigawan ako nito sa phone. Eh ang sakit  kayang pakinggan sa phone yung malakas niyang boses.

"Oo na, kagabi pa tapos" sabi ko at humiga ulit. Antok pa talaga ako eh.

[mabuti naman, o sige na po mahal na Prinsesa matulog ka na ulit. Basta bago mag-8 andito ka na. Okay?]

"oo. Ako pa? Kung gusto mo ako na ang mag-ddistribute ng mga print outs sa loob ng gate" sabi ko.

[ay! Gusto ko yan! O sige sige. Good mornight Prinsesa Sandra] natawa na lang ako sa sinabi niya at in-end na niya ang tawag.

Matutulog muna ako dahil ako'y antok na antok pa. Nakakapagod kayang mag-layout ng design dun sa ipapamigay namin.

Ang booth kasi namin ay tungkol sa pag-ibig, all kinds. Kasama na jan yung love advice, love problems, love tips para sa mga hopeless romantic na kagaya ni Eliza, mga bitter advice na naka-assign sakin. Oo, sakin kasi palagi akong bitter sa love pero gusto ko naman maranasan, minsan kasi bitter ako pero minsan naman hindi, sa tuwing activity day lang naman dahil yan na yung isang taong booth na naka-assign samin. 3rd year highschool na kasi kami ngayon.

.

.

.

.

.

"nakakaloka 'tong batang 'to! Kanina lang nagising na siya tapos ngayon natulog ulit!? Ay, ibang klase talaga! Matignan nga ang orasan nito" Namilog ang mga mata ng kapatid niya nang makita ang orasan. "jusmiyo marimar! Mag-aalas otso na!" gulat na sabi nito at niyugyog na ang kapatid niya para magising na dahil late na ito sa paaralan nila.

"ate! Antok pa ako eh!" sabi nito at gumulong sa kaliwang side ng kama niya.

"ay! Kaloka ka! Alas otso na Alexandra Maureen Lopez-Erin!" sigaw nito.

Nagtakip lang ito ng unan sa tenga niya para hindi marinig ang pagsigaw ng kanyang kapatid.

"ah ganoon? Hindi ka gigising? Ayaw mo ba ng 500 pesos na baon? Sige ka, akin na lang 'to" sabi ng ate niya habang tinitignan sa liwanag ang limandaang papel.

Wanted: BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon