Chapter 2

286 21 1
                                    


Napa-gasp ang mga kasama ko nang sabihin ni Xander ang buong pangalan ko.

Napatayo ako "ako yun. Bakit? Magpapa-advice ka ba?" medyo nanginginig ang labi ko ng tanungin ko siya.

Napangiti siya ng konti. "actually, nope but can I apply for this?" sabi niya at pinakita sakin ang flier na may nakasulat na 'Wanted: BOYFRIEND'

Halos mahulog ang mga mata ko dahil sa pagkagulat nang ipakita niya yun sakin. Napakunot noo ako "sinong nagbigay sayo niyan?" tanong ko.

"ahm, yung babaeng blonde ang buhok na ka-height mo lang" pag-ddescribe niya.

Naghanap naman ako sa mga kasamahan namin ni Eliza.

Parang wala naman eh. Teka, asan si Eliza?

"asan si Eliza?" tanong ko sa kanila.

"tumakbo palabas ng room" sabi nila.

"ano?!" sabi ko at aalis na sana ako ng pigilan ako ng lalakeng nasa harapan ko na crush na crush ko simula nung grade 1 kami.

"so, am I hired?" tanong niya.

Tinignan ko siya. Alam kong siyam na taon ko na siyang hinahangaan sa katunayan nga, hindi ko na siya crush eh mahal ko na ata? Basta! Parang mas lumevel up pa ang paghanga ko sa kanya.

"ahm, I'll think about it" sabi ko at aalis na sana nang may sabihin pa ako sa kanya "dito ka lang"

Tumango siya saka ngumiti bago ako tuluyang tumakbo palabas ng room.

Kainis naman kasi 'tong si Elay eh! Hindi tinitignan ang binibigay, pero paano nagkaroon ng ganoon sa mga pina-print ko kagabi? Eh naka-dalawa na akong check nun wala naman ganoon sa print outs. O baka inilagay dun ni Elay at nagpatay malisya siya na hindi siya ang naglagay nun.

Takbo pa rin ako ng takbo hanggang  makarating ako sa malaking puno. Nakita ko ang sapatos niya na may ribbon na gray siya lang kasi ang may ganoon sa lahat ng juniors dito. 

Nilapitan ko siya at "hoy Eliza Margareth Ledesma-Jeyzen! Totoo bang ikaw ang nagbigay nun sa crush ko--este kay Xander?" pasigaw na bulyaw ko sa kanya habang nakapameywang.

Nagpakita siya sakin ng dahan dahan at ngumiti na parang kinakabahan. "eh.. Sandra.. Kasi.. Hindi naman ako ang gumawa nun at hindi ko naman alam na may ganoon pala sa mga pina-print mo" sabi niya habang pinaglalaruan ang daliri niya.

Napakunot noo ako "eh kung hindi ikaw ang may gawa? Ba't ka tumakbo?" wala naman pala siyang kasalanan, eh bakit siya tumakbo?

"eh kasi naman, ayokong makita nila ang pag-eevolve mo sa pagiging monster. Nakakahiya kaya sa crush mo, di ba?"

Oo nga naman, buti na lang talaga. For sure kapag ginawa ko yun bawas ganda points ako niyan kay Xander. Sayang naman nun.

"oo nga, pero sino ba ang nag-print out nun? Eh dinouble check ko pa yun kagabi"

"sigurado ka?" tanong ni Eliza.

"oo, siguradong sigurado ako"

Napaisip siya "di kaya dahil sa kakaisip mo kay Xander ay na-print out mo yung 'Wanted: BOYFRIEND'?"

"ha? Hindi noh!"

"weh? O baka naman antok na antok ka na tapos nai-type mo yun. Yiee, ikaw ah" sabay sundot sa tagiliran ko.

Pinalo ko ang kamay niya para tigilan ang pagkiliti sa tagiliran ko. "asa! Hindi ko naman gagawin yun noh! Tsaka alam mo naman na sobrang nahihiya talaga ako sa kanya, kaya imposible kong i-type yun"

Wanted: BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon