Ikaw ay Parang Isang..

17 1 0
                                    

Palabas sa sinehan:
      Kapag bago pa lang, pinipilahan
      Tipong isang linggo hanggang isang buwan
      Kilala ka ng lahat
      Ngunit dahil hindi ka makamtan,
      Dinadaan sa mga pirata
      Masilayan ka lamang.



Karayom:
      Maliit, matalim at 'di madaling malikom
      Sa panahian o ospital, talas ng turok mo'y kailangan
      Upang mabuo ang obra na kahahangaan
      At mga sakit ay malulunasan.



Talulot ng bulaklak:
      Sa aking isipan ay tumatatak
      Umuusbong, kasing kinang ng pilak
      Liwanag sa daang aking tinatahak.



Aklat:
      Diwa ay laging isinisiwalat
      Mga kaisipang tapat
      Ipinangangalandakan
      Karunungang hatid sa lahat.



Baterya:
      Napapagod din sa kalaunan
      Kinawiwilihan ang kapakinabangan
      Gagamitin hangga't kinakaya
      At kapag upos na ang kakayahan
      Sa kangkungan ang kapupulutan.



Kandila:
      Payat at maputla, hindi nagtatagal
      Pinapawi ang kadiliman
      Ng gabing malamlam
      Na tila'y walang katapusan.



Dagat:
     Malawak, malalim, minsa'y walang imik
     Nakikiramdam sa daloy ng tubig
     Sa iyo pa din ang katapusan
     Ng pagsubok na daraan.





***A/N***

Umasa kang maganda?
Sabi ko'y huwag di ba?
Latak sa utak ko'y nilabas ko lang
Wala na kasing mapaglagyan. XD












Rhyming SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon