Ice's POV
Pagkatapos kong iligpit ang gamit ko ay agad na akong lumabas ng classroom. Hindi ko alam kung bakit siya bumalik. Kung alam ba niya kung sino ako? O kung talaga bang pinatawad na niya ako. Pero mukhang hanggang ngayon wala pa rin siyang naalala.
Ang laki na ng pinagbago ni Summer. Nung bata kami ay napakakulit niya. Ni hindi mo talaga siya maawat sa pakikipaglaro ng walang dahilan. Ganunpaman, matalino siya kahit puro laro ang alam niya. Masasabi kong mas gusto ko ang Summer ngayon. Pero nagmukha naman siyang naglalakad na patay dahil sa sobrang seryoso niya. Hayst! Nakakainis. Hindi niya alam ang mga sakripisyo ko nung bata kami para maging kasing talino ko siya. Mas pinili kong mag-aral nung bata ako kesa manuod ng kung ano-anong cartoons.
Pero ng dahil din sa akin ay napahamak siya. Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi ko lang siya pinilit na tulungan ako sa homework ko nung gabing yun! I regret all my immature days! I wanted to kill the young "dumb" me.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nasa gate na ako. Hinintay ko ang magaling kong kapatid na si Vanelop. Ugh. San na kaya nagsusuot yung babaeng yun? Hindi ako pwedeng umuwi ng wala siya dahil siguradong papatayin ako ng nanay ko.
Ilang minuto ako naghintay nang bigla akong naka-recieve ng message mula sa kapatid ko.
From: Vanelop
Kuya. Mauna ka na. Meron pa kaming tinatapos na project kaila Feria.
To: Vanelop
Sige. Itext mo si Mommy na male-late ka ng uwi. Text mo ako kapag pauwi ka na. Magkita tayo sa Ministop.
Hay. Sayang yung ilang minuto na sinayang ko sa paghihintay.
Nagsimula na akong maglakad pauwi nang may matanggap akong text.
2 new messages
From: Mommy Gerina
Wag kang babagal bagal diyan. Bilisan mo nang umuwi. Wag mong tangkaing gumala pa.
From: Vanelop
Duh! Wag mo na ako sunduin. I can handle myself.
Argh. Wala akong nabasang maganda sa dalawang text na nabasa ko.
Pinabayaan ko na lang ang mga text nila Mommy at Vanelop. Hindi ko na sila nireplayan dahil baka kung ano pa ang masabi ko na hindi nila ikatuwa.
Nakita ko si Hot na naglalakad sa kalsada mag-isa. Tss. Siya pala yung babaeng mukhang tanga.Lalapitan ko ba siya o hindi? Argh. Ang nafu-frustrate ako!
Nakita kong itinaas niya ang kaliwa niyang kili-kili. Eh? Ano kayang iniisip netong babae na to?
Nagulat ako nung may biglang nagbuhos sa kanya ng tubig. Siguro sila yung grupo ng bullies sa school. How did I know? Because I also became a victim -.-
Pinabayaan ko sila. Hindi sa gusto kong mabasa si Hot pero kapag nangengealam ako laging may nangyayaring masama so I decided to make her fix that arguement herself.
Naglakad na lang ako sa ibang daan para hindi ko magawa ang kanina ko pang iniisip.
**
Hot's POV
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba sa baba. Eh? Malamang bababa ka sa baba Hot. Alanganaman bumaba ka sa taas. Minsan nabobobohan na ako sa sarili ko eh.
Pero huhu, galit pa kaya si kuya? Uwahhh! Ayoko pa po mamatay huhu.
Eto na. Hahakbang na ako sa hagdan huhu. Pinikit ko ang mata ko bago bumababa.
![](https://img.wattpad.com/cover/59684385-288-k12810.jpg)