Being His fan... Is all i'll ever be.
>>
I am Joshua... That's all you need to know. Joke well Joshua that's me. My friends often call me Josh, Joshie,Bhie pero ako lahat yun kaya mamili ka na lang. I am enjoying the 14th year of my existence and is exclusively on grade 9. Wag kang mag-alala kasi next year exclusively on grade 10 na ako. Letche laseng K-12 yan.. sino ba nagpauso niyan? Dagdag gastusin. Uhmmm.. hindi ako lalaki at hindi rin ako babae. Pero isa yun sa mga pangarap ko. Suntok sa buwan ang pag-abot sa pangarap na yun. Malabo eh. Kaya oo. Oo inaamin ko. Oo na sige tama ka na. Oo na nga tama yang hinala mo. Oo talaga oo. Oo bakla ako. Pero ano bang paki mo ? Tao rin ako na nangangailangan ng pagmamahal at atensyon mo. Kung di mo kayang ibigay yun "MANAHIMIK KA NA LANG BITCH !" "SHATTAP" di ko kailangan ng opinyon mo. Marami ng opinyon ng tao ang narinig ko at di ko na kailangan ang sayo para dumagdag pa dun. pero kung tanggap mo ko. Thank you at dumadami na kayo. Yun lang.Ano pa bang gusto mong malaman ? Kung may kaibigan ako ? Oo ang dami nga hindi mo mabibilang. Ano pa ? Kung may crush ako ? Aba'y oo... ano bang tingin mo sakin ? Alien na di alam kung ano ang Crush ? Betch ! hindi ako bobo. Kung di mo alam top ako lagi sa klase ko at hindi ako napagiiwanan ng panahon. Idol ko nga ang EXO eh.. kilala mo ba yun ? Kung kilala mo yun good for you. Kung hindi.. well mag-search ka na.. kasi mahirap ipaintindi sayo kung sino sila. Gusto mo sigurong itanong kung mainitin ba ang ulo ko. Oh kung lagi ba akong galit. Well hindi naman... pero mas gugustuhin kong makilala niyo ko ng ganito. Matapang at malakas. Kasi ayokong i-expose ang Vulnerability ko. Ayokong maging mahina si Inday.
Well anyway. Alam ko na ! Gusto mo sigurong malaman kung para san ba to ? Well para lang naman to sa nag-iisang SANDRO MARCOS ng buhay ko. Uumpisahan ko na ba ? Teka... bakit ba kita tinatanong... whateva ! Basta mag-uumpisa na ako. At hindi mo ako mapipigilan. Natural. Binabasa mo lang to eh. *roll eyes*
Ganito kasi yun. Una ko siyang nakita sa TV.. well hindi ko yun matatawag na love at first sight kasi walang spark. Brownout kasi nung nangyari yun. Hindi wag kang tumawa.hindi joke yun. Eto na nga... tapos inisip ko.. there's really nothing to like about him. Di naman siya ganun kagwapo at hindi rin naman siya pangit. Wala naman kasi talagang ginawang pangit ang diyos. Kaya pagnilay-nilayan mo na kung sinong gumawa sayo. Joke. Siyempre tanga ka na lang kung pag-iisipan mo pa yun. Di ka rin naman pangit. Wag ka lang talagang manalamin. Baka magbago isip mo. Well anyway.. nung mga sumunod na araw... halos mapuno na yung feed ko ng mga kumekerengkeng na girls na sobra ang loveables sa kanya.
So na-curios ako ??? ano bang cool sa kanya. ?? So i checked his instagram... facebook.. twitter... google...yahoo....friendster... yes.. lahat yan chineck ko. Unfortunately di na uso ang friendster kaya di ko mahanap. Oh ano ? Tumatawa ka ? Naiignorantehan ka ba sakin ? Di naman po ako tanga. Siyempre alam ko namang wala ng friendster. Ikaw ba alam mo na ? Weh ? Talaga ? Edishingggg 😒👌 Tapos na realize ko... hindi naman pala siya ganun kasama. Gwapo rin pala siya.. Ang cute pala ng eyebags niya no ? Yieee kinikilig ako !! 😍😍
Teka... wag mo ng isiping gaganda o gagwapo ka rin kapag nagka eyebags ka... kapag ginaya mo siya.. wag na wag kang magpapakita sakin... baka mamaya isipin kong adik ka. At ipa-tokhang pa kita. Makuntento ka naa lang. Hindi ikaw si sandro. Betch ! Tapos ano pa ba ? Ah ! Yung buhok niya kapag nagsasalita siya.. grabe ang lakas ng appeal !! Mas malakas pa sa kame-hame wave ni goku... at mas malakas pa sa power ni Aang kapag nasa avatar state siya. Oh tama na ang cartoons. Eto idadagdag ko pa.. uhmmm sobrang cute kaya ng pagtatagalog niya.. yiee sandro ng buhay ko ! Ikaw na ! Tapos ayun .. simula nun... naging ultimate stalker na niya ako.
Yung tipong todo update ako sa kanya. Kahit nga hindi siya kilala ng mga kaibigan ko pinapakilala ko siya... Naging parte na siya ng buhay ko. Halos patayin na nga ako ng ate ko sa sobrang kalandian ko pagdating sa kanya. Bitter kase walang lovelife. Inggitera ! Echosera ! Eklatera ! Pero keri lang. Ate ko naman siya. Nag-rhyme ba ? Pangarap ko kasing maging Rapper. Tapos siya yung regalo. O ! Wag kang tumawa hindi joke yun. Magkatunog lang talaga sila ng gift WRAPPER. Oh sige na. Eto ang pinakaimportanteng dapat niyong malaman. Tignan ko lang kung di niyo isiping parang teleserye ang pagmamahal ko sa kanya.
One day, isang araw... hindi gabi at hindi rin hapon. Mas lalo naman hindi tanghali. Kakabasa mo lang diba ? Isang araw. Ibig sabihin.. umaga. Oh ayan ? Naintindihan mo na ? Nagsimba kami ng family ko sa baclaran. Oo ng family ko. Hindi ng friends ko. At hindi rin ng tropa ko. Family. Capital F pa yan. Tapos nung nagsimba kami.. nag-homily yung pari. Siyempre nakinig ako. Isinapuso ko ang aral ng Diyos. Ang gaan ng pakiramdam ko pag-uwi namin. I felt Cleansed. Hindi cleansed using eskinol or maxi-peel. Kasi magagalit si Fudang kapag nakita niya akong naggaganon. Baka bawiin ang DSLR ni inday. Feeling ko nacleansed ang kaluluwa ko. Kaya masaya akong umuwi ng bahay. Hanggang sa nangyari ang trahedyang hindi ko inaasahan.... si sandro.. 😭😭😭 oh teka !
Wag ka muna mag-assume. Di siya naaksidente. Di rin siya namatay. Baka unahin pa kita kaya wag mo siyang aanuhin. Baka anuhin kita ! Oh ano ?! Mag-anuhan na lang tayo ! Ano ?! Ano ?! Mamaya na. Tatapusin ko lang to. Nagsimba rin pala sila sandro nung hapong yun. Ang sakit ! Ang sakit-sakit. ! Chururut tushok na tushok ! Ano bang ginawa kong mali ? Ano bang ginawang kong hindi tama kaya naging mali ? Ano ba ? Masama bang makasama ko ang taong yun sa pagsisimba ? Bakit ? Pero tinanggap ko. Kasi di ko na mababago ang nangyari. Pero mas nadagdagan yung sakit. Nang malaman kong aalis na si sandro. Iiwan niya ako. Pano na yung anak namin ? Pano na yung pamilyang pinangarap naming magkasama ? Ang sakit lang na binitawan na niya ako. Ang sakit. siyempre sa panaginip ko lang yun. Pero yung sakit ? Totoo yun. Mas totoo pa sa katotohanang alam mo. Sa katotohanang pinaniniwalaan mo. At sa katotohanang pinalalaganap mo. Yun yon. Mas nadagdagan pa yun ng matalo ni Leni si Bongbong. BAKIT GANON ?!Hindi ko na tuloy siya makikita kapag may presscon ang tatay niya. Ang selfish lang ni universe eh. Kasalanan to lahat ni Pia Wurtzbach ! Sinuportahan ko pa naman siya. Joke. Fan niya ako. Pero good news. Babalik pa rin naman siya dito kaya.. okay na si inday.. yiieee kinikilig nanaman ako. Grabe. Pero sa totoo lang tinanggap ko na. Na hindi kami itinakda para sa isa't isa. Na hindi niya makakatuluyan ang isang bakla. He deserve someone better. Better than i could ever be. Someone who can bear a child. Someone who can give him more love than the love i could. Lalaki siya at lalaki rin ako. Oo tanggap ko na yun. Pero hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Sana lang kung sino man ang makatuluyan niya. Mahalin siya ng higit pa sa pagmamahal na kaya kong ialay. I accepted it not because i am a coward or i gave up. I accepted it because i definitely know the difference between FANTASY and REALITY. Loving him is my reality. But ending up with him is a fantasy. And i've accepted it. That... BEING HIS FAN... IS ALL I'LL EVER BE. I am Joshua. And this is my story.
**YIIIEEEE ❤❤ BINASA MO NA ? SALAMAT AH ! VOTE KA NA DALIIII ! LOVE YOU 😘

BINABASA MO ANG
His Fan (One Shot)
HumorUy pag binasa mo to.. hindi mo pagsisihan. Siyempre ginusto mo eh. Basahin mo ha. Labyu