04

15 0 0
                                    

CUATRO

"Good Morning!" isang masayang pagbungad ng isang babae sa room namin may dala itong pangbreakfast. "Sorry po pero dinaman po kami nagorder." mahinahon kong sabi. "Ay hindi po bayad na po to ni sir pinabibigay niya po dito." sabi niya ng nakangiti padin. "Ganun ba? asige thank you." sagot ko sakanya ng nakangiti.

Hanggang ngayon hindi ko parin talaga kilala kung sino yung sir nayun. "Teka lang sinong sir yun?" tanong ko sa babae. "Siya po yung apo nung may ari ng resort nato." sagot naman nito.

"Hindi ate i mean anong pangalan niya?" tanong ko ulit. "Sa totoo lang po diko rin po alam pangalan niya e nung minsan lang hu ako dumating dito." sabi ng babae na napasmile. "Sige po una na po ako. Enjoy your breakfast po." at umalis na agad yung babae.

Grabe boss niya di niya alam pangalan pero malalaman ko din yun kung sino siya bago umalis dito sa resort nato. "Mikay tayo na dyan may almusal na tayo." sabi ko naman dito kaya agad naman tong tumayo.

"Wow himala nagorder ka?" pambungad agad niya sakin. "Hindi pinadala lang." sabi ko sakanya. Agad naman siyang nagayos at kumain na kami ng sabay. "Alam mo gurl nagtataka nako kung sino yang secret admirer mong yan ha!" sabi niya habang lumalamon. "Dumating kalang dito humaba na lalo buhok mo." dagdag pa niya.

"Kaya nga e!" pakikiride ko nalang dito. "Oh dalian mo baka hinahanap na nila tayo, last day na ngayon kaya sulitin na natin uuwi na niyan tayo bukas." sabi ko sakanya.

Lumabas na kami ng kwarto at naglakad lakad sa beach nilapitan kami ng grupo nila joshua at tinaas baba niya kila niya sakin at tumango nalang ako. Ngayon na siguro siya gagawa ng move kay mikay.

"Gusto niyo pumunta sa kabilang island?" pagiimbita ni joshua. "Gurl gusto mo ba daw?" tanong sakin ni mikay. "Bakit ako? Ikaw na sumagot." sabi ko skanaya at sabay balik ang tingin ko kay joshua at ngumiti at nagok sign.

"Oh edi tara na ayaw kong gabihin e!" sabi naman ni mikay. "Lex, Ej, Ramz, Pat, Charles! Tara na alis na tayo." sigaw naman nito kaya agad naman tumakbo palapit samin may dala sila bola ng volleyball nakalimutan ko volleyball player sila sa school.

Agad naman kaming sumakay sa bangka para makapunta dun sa isla. "Sandali lang sasama din ako!" sigaw naman nung Steeven na tumatakbo palapit samin kasama din yung girlfriend niya na si Gab. Nga pala kasama yung mga girlfriend ni Lex na si Nicole tyaka yung pinopormahan ni Charles na si Kath pati din yung "bes" daw ni Ej na si Nami.

Masaya naman pala silang kasama e yun naglaro kami ng volleyball. Nakakapagod pero masaya. Ang bait pa nila pati yung mga babaeng kasama namin. Hanggang sa nagkwentuhan kami in short naging ka close namin sila tas yung bumalik na kami.

Mahigit six hours kami dun siguro nakaporma natong si Joshua kay Mikay. Habang nasa bangka kami. "Ano nakaporma kaba?" bulong ko sakanya. "Hindi nga masyado e!" napakamot siya sa ulo. "Hina mo naman pala! Hayaan mo hanggat di tayo nakakauwi lalo pa kayong magiging close." sabi ko sakanya. "Basta alagan mo siya ah!" sabay tapik sa braso niya.

***

Last na gabi nalang namin dito pero diko pa ulit nakikita si Marc pamyterious pa siya ngayon ah. Habang kumakagat na ang naisipan ng grupo nila Joshua na magbonfire kami sa tabi ng dagat. Yung ibang batchmate namin diko alam kung nasaan.

Wala akong pake sakanila. Enjoyin ko kuna tong moment nato last day na e bukas back to reality nanaman. Agad naman nabuo yung bonfire at sakto may dalang gitara si Steeven mag jamming daw kami.

Definitely LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon