06

11 0 0
                                    

SEIS

"Kaya mo 'to Janine!" bulong ko sa sarili ko. Biglang tumigil ang oras at nanginginig ang katawan ko at ang amoy ng kanyang pabango ay pamilyar.

"Hayup ka Joshua!" sigaw ko dito at ang sagot niya lamang ay ngisi. "So ready kana sa first day mo?" tanong niya sakin at kami ay naglakad.

"Kinakabahan nga ako eh." sinabi ko ng pabuntong hininga. "Ayos lang 'yan!" sagot niya sakin at hinigpitan ang pagkakaakbay sakin. "Alam mo tanggalin mo na yang pag kaka akbay sakin baka makita tayo ni Mikay mag selos 'yun!" sabi ko sakanya. Agad naman nyang tinanggal at patuloy kami naglakad.

"Buti nalang pareho tayo ng sched nila mikay kundi wala ako mamakausap mamaya, sige text text nalang ah, eto na building ko eh! Bye." pamamaalam sakin ni Joshua habang naglalakad patungo sa building kung nasaan ang kanyang classroom.

Ako nanaman mag isa kaya mo 'to Janine! Isang buntong hininga at pikit, "Kaya mo 'to Ja-" naputol ang pag sasalita dahil nag ring ang cellphone ko. Si Mikay nagcacall.

"Oh hello asan kana?" pagbungad ko sa pagsagot sa telepono. "Cyst!! Natraffic ako malalate ata sa first day ko! Hintayin moko sa labas ng classroom." sigaw niya sakin.  "Pag ganyan 'wag moko sigawan! Dalian mo nalang." sabi ko sakanya. "Osha sige na! Manong pakibilisan!" rinig kong sabi niya at pinatay na ang call.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hanggang sa nakarating na ako sa building ng course ko, Oo nga pala Architecture ang kinuha ko gusto ko kasi balang araw magawan ko ng sariling bahay yung nanay ko yung tipong mag rerelax nalang siya.

Medyo napaaga ako sa classroom, wala pa mga kaklase ko kaya pumasok agad ako sa room. Pagpasok ko nakabukas na ang aircon "Nice! Tulog muna ko." sabi ko sarili ko kasi may 30 minutes panaman before mag start yung class tyaka hindi rin ako masyado nakatulog kagabi. Alam n'yo kung bakit.

Pumunta ako sa likod ng room at umupo inayos ko ang gamit ko at nag nap ako sa drafting table.

Pero bago pa ako makatulog narinig kong bumukas yung pintuan at napatayo agad ako. Nagulat ako sa nakita ko. "Hi! Good Morning!" bati sakin nito isang pamilyar na boses sa aking nakaraan. Nanginig ang tuhod ko at napalunok ng dahan dahan kong naaninag ang hitsura nitong bumati sakin.

"Marc?!" napasigaw ako at nawala ang antok at tuloy nadin ang pag pasok ng mga kaklase ko sa room. 'Di ako sigurado kung kaklase ko sila pero pumasok sa room eh.

Naglakad palapit sakin si Marc, sumisikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga. Ano ba nangyayare sayo Janine? Tigil mo 'yan hindi ka na dapat kabahan sa lalaking iyan! Remember umaalis ng walang paalam iyan!

Masasaktan ka lang! Unti unti na siyang lumalapit sakin. "Kumusta ka na?" pagbati nito sakin ng nakangiti. Janine kaya mo 'to 'di ka niya madadaan sa ngiti nyang yan.  "Bakit ka andito?" sagot ko sa tanong niya.

Yan tama yan janine supladahan mo. "Ahh may class ako dito." sagot niya sakin. "Ah ok." tipid ko at umupo. "May kata-" diko na pinatapos ang sinasabi niya.  "Si Mikay jan uupo hanap ka nalang ng bakante doon." sabi ko sakanya at sabay turo upuan na malayo sakin.

Ano bang problema nitong lalaking 'to matapos niya kong iwan babalik siya, ano 'to playtime lang ako sakanya? Manigas siya,  akala niya makukuha niya ko sa mga ngiti nyang yan. SHET! Ang cute nya padin. Stay calm kaya mo 'to. Hinga ng malalim. "Mikay asan kana ba?" pabulong kong sabi.

Definitely LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon