07

8 0 0
                                    

SIETE

"Uy sis! Ayos kalang?" tanong sakin ni Mikay habang naglalakad pauwi. "Hindi ko rin alam? Masyado akong kinabahan kanina eh." sabi ko sakanya habang tuloy tuloy padin sa paglakad.

"Anong ibig mong sabihin eh 'di kanaman ganyan eh always ready ka sa mga ganyan." sabi niya sakin. 

Lagi naman akong handa sadyang nabagabag lang ako sa mga nangyayare sakin, samin. Siguro masyado nga akong nadistract, masyado kasi akong naginvest ng feelings para kay Marc eh.

Kaso mukabg magka iba kami turing sa isa't isa eh. Siguro tapos na 'tong storya sa buhay ko.

Tama na 'tong kahibangan na ito. Simula ngayon ako muna, mamahalin ko muna sarili ko para maging ready ako sa kung ano mang tatahakin ko.

"Sakay nako jeep ah bye na!" sabi nmaan sakin ni Mikay sabay beso sakin at sumakay na ng jeep. "Byeee!" dagdag niya. "Ingat ka ah!


"Anak bumaba kana diyan!" sigaw ng mama ko. "Anak dalian mo!" dagdag pa niya rinig mo sa boses niya ang galak na nararamdaman, nagdali naman ako bumaba.

Habang nasa hagdanan ako rinig ko ang saya sa boses, may naririnig din akong isang pamilyar na boses, boses ng isang lalaki.

Dahan dahan akong bumaba. "Ate dalian mo!" sigaw ng kapatid ko. "Bakit sino ba 'yan." sigaw ko dito.

Nagulat ako sa aking nakita, bigla nalang tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata. "Pa?" sabi ko na na may hikbi.

"Janine!" sagot niya at unti unting lumapit. 'di ko alam ang ano ang aking gagawin pero alam ko ang aking nararamdaman.

Patuloy parin sa pag tula ang aking mga
luha, nanginginig ang aking katawan.

"Paa!" sigaw ko sakanya at kumaripas ng takbo palapit sakanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"San ka nanggaling pa?" tanong ko sakanya. "Mamaya na ang kwento anak pagpahingahin mo muna ang papa mo." sabat samin ni mama.

Hindi ako makaniwala na babalik pa ang aking tatay, siguro isang milagro, pero bakit ang dami parin ng tanong sa gumugulo sa utak ko, bakit ngayon lang siya bumalik samin, may nagawa ba siyang kasalanan?

Hindi ko muna ito iintindihan ngayon ang importante bumalik na yung lalaki importante sa aking buhay.

"Buti nalang nakapagluto na ako ng maaga!" sabi ng aking mama. "Kumain na tayo dito ng sabay sabay!" paghikayat samin ni papa.

"Tara kain na tayo ate." saad ng aking kapatid na dumiretso na sa hapag kainan at sinaluhan ang aming ama.

Nanatili akong nakatayo at pinag mamasdan sila kumain, sobrang saya ang aking nararamdaman, 'di ako makapaniwala sa mga nangyari.

Lord may ginawa po ba akong masama at kukunin nyo na ako? Kasi po bumabalik na lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko, except kay Marc toxic yun.

"Ate tara na dito kain na." panghikayat ng akin kapatid. "Halika ka na dito tumabi kana dito sa papa mo at kumain kana." sabi ng akin nanay.

"Tara na baka lumamig pa 'tong sabaw na ginawa ng mama mo." sabi ng aking tatay. Ngumiti nalang ako at sinaluhan na sila. "Pa I miss you! 'Wag ka ng aalis ah." sabi ko kay papa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Definitely LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon