Chapter III

36 3 0
                                    

Walang anu ano'y hinugot ni Clara ang nakasukbit na patalim sa may baiwang ni Nicanor at sinaksak ito sa may bandang braso, dahilan upang makawala ang dalaga sa mahigpit nitong pagkakahawak. Walang pagdadalawang isip ay sinipa ni Clara ang pagkalalaki ni Nicanor at ito ay namilipit sa sakit. Kumaripas naman ng takbo ang dalaga habang patuloy sa paghikbi gawa ng matinding takot sa nangyari.
"Clara, hindi ka makakatakas sa akin! Akin ka lang, hindi ka magagawang kunin sa akin ni Gabriel." Galit na galit na sigaw ng binata.
Bagamat narinig ni Clara ang mga salitang binitawan ni Nicanor ay hindi niya ito pinansin. Ang naisip nya lamang ng mga oras na iyon ay makalayo sa lugar at sa lalaki. Biglang nabalot ng takot at labis na pag aalala ang dalaga ng makarinig ng tatlong putok ng baril. Pumasok kaagad sa kaniyang isipan ang kasintahan.
"Diyos ko! Huwag naman po sana. Gabriel sinta ko, asan ka na? Huwag naman sana." Sambit ng dalaga pagkatapos marinig ang mga putok ng baril. Mas lalong nabalot ng kaba ang dalaga, dalawang bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan, ang tuluyang makalayo kay Nicanor at kung ano na nga ba ang nangyari sa kanyang kasintahan.
Naalala ni Clara na malapit ang parang sa kanyang kinalulugaran ngayon at nagpasya na doon magtungo upang makapagtago kay Nicanor at alam rin nyang doon unang gagawi si Gabriel kung hindi man sya maabutan ng binata sa kanilang tagpuan.
Lakad, takbo, hikbi, paghangos ito ang ginawa ni Clara hanggang matanaw niya na malapit na ang parang na naging saksi ng pagpapalitan nila pagmamahalan ni Gabriel. Dahilan upang mapawi kahit kaunti ng kanyang takot at pangamba.
Pagkapasok sa loob ng parang ay agad niyang isinarado ang pinto.
"Panginoon ko! Maraming salamat at nakaligtas ako. Ngunit si Gabriel asan na siya? Iligtas nyo po sya sa kapahamakan, nawa'y magkasama na kami." Wika ng dalaga na may halong pag aala.
Umupo ang dalaga sa bangketo na malapit sa may papag, nakita niya ang saluwal ni Gabriel na marahil ay naiwan nito nung huli silang magkasama rito. Kahit may takot at pangamba syang nararamdaman ay pumasok pa rin sa kanyang isipan ang mga bagay na pinagsaluhan nilang dalawa na saksi ang munting parang na ito.
Napahawak sya sa kanyang labi kasabay ng pag alala sa palitan nila ng mga halik ni Gabriel. At tuluyan syang nawala sa realidad at sinariwa ang kanilang matamis na nakaraan.
"Mahal na mahal kita Clara, walang makapaghihiwalay sa ating dalawa." Kasabay ng matatamis na salitang ito ay sumunod ang matamis at mainit na halik ng binata sa kanyang kasintahan.
Nabalot naman ng matinding init ang dibdib ng dalaga at nadala sa mga halik sa kanya ni Gabriel. Inilayo ng dalaga ang kaniyang ulo sa binata at hinaplos nito ang pisngi ni Gabriel at sinabi. "Walang sinuman ang makapaghihiwalay sa atin Gabriel, hanggang sa kabilang buhay ikaw lang iibigin ko!" Buong pusong sambit ng dalaga, pagkatapos nito ay pinuspos nya ng matatamis na halik ang binata.
Kasabay ng pag ihip ng hangin ay nadala ang magkasintahan sa nag iinit nilang pagmamahalan para sa isa't isa.
Niyapos ni Clara si Gabriel at tumugon naman ang isa sa pamamagitan ng mahigpit na pagkakayakap sa dalaga. Bumaba ang mga kamay ni Gabriel sa may puwitan ni Clara at binuhat nya ito patungo sa kanilang higaan. Inilapat ni Gabriel ang katawan ng kanyang kasintahan at hinagkan nito ang leeg ng dalaga. Hindi mapigil ni Clara ang sensasyon na nararamdaman. Napapakapit ito sa ulunan ng kasintahan, tila may kuryente na nananalaytay sa kanyang katawan. Mula sa leeg ng dalaga ay naglakbay ang mga halik ni Gabriel sa dibdib ng dalaga. Mula sa pagkakahawak ni Clara sa ulo ni Gabriel ay pumadiusdos ang kamay nito sa likuran ng binata.
"Mahaall na mahal kiita Gabriel! Aahhh. Ikaw lamang ang nakakapagpaligaya sa akin ng ganito!" Bulong ng dalaga sa binata.
Tumugon naman si Gabriel sa kasintahan. "Mahal na mahal din kita Clara, pangako ko sayo paliligayahin kita kailanman."
Sumubsob ang mukha ng binata sa dibdib ng dalaga dahilan upang mapaliyad ito. "Gabrieell aahhh mahaaalll ko!" Sambit ng dalaga habang ang kamay nito ay nakapatong sa ulo ng binata tila ibinabaon niya sa kanyang dibdib ang ulo nito.
Tinanggal na ni Gabriel ang suot na kimona ng dalaga, kaya naman tumambad ang napakalusog nitong mga dibdib. Tinulungan din ni Clara ang kasintahan na magtanggal ng kamisa de chino nito. Hindi napigilan ng dalaga na pagmasdan ang napakakisig na katawan ng kasintahan. Hinaplos nito ang batu batong katawan ni Gabriel at unti unti pumaibaba ang kamay nito at tuluyan ng tinanggal ang suot na saluwal ni Gabriel. Tumugon naman ang binata sa paghimas ng napakarikit na baiwang ng dalaga at unti unting tinanggal ang sayang suot nito.
Unti unting bumalot ang dilim sa paligid, tanging ang lampara lamang ang nagsisilbing ilaw ng magkasintahan na nagsasalo sa nag uumapaw nilang pagmamahalan. Natanglawan ng lampara ang kanilang mga katawan na naging isa. Ang munting parang ay napuno ng palitan nila ng pagmamahalan.

Lovers From The Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon