Special Number 4

4.8K 222 41
                                    


THOUGHTS


Karylle's POV

Look at him sleep. Parang isang anghel... Na may nakatagong sungay joke! Ang himbing himbing ng tulog ni Vice ngayon sa tabi ko. Nilalagnat kasi. Tss! Ang pabebe nga lang masyado. Ayaw kumain at uminom ng gamot kanina, hinahanap ako. Kundi pa ako tinawagan ni Nanay Rosario, malamang sa ospital ang bagsak nito sa sobrang taas ng lagnat niya. Mabuti na lang na dumating ako on time at walang pasok ngayon kaya maaalaga ko siya ng buong araw. Thank God at bumaba na din ng konti ang lagnat niya kahit papaano. 

Hmm.. Ngayon ko lang yata siya natitigan ng ganitong katagal na natutulog. He looks so innocent. Parang yung mga bidang lalake sa mga koreanovela na ang gwapo kapag natutulog. Ang bait tignan. Pretty eyes, cute nose and sexy lips. Almost perfect. Lubak nga lang ang skin, pero okay na din. Maganda din naman ang moon kahit may butas butas.

As I looked at you, I still can't believe na akin ka na talaga. Magsi-six months na tayong mag-jowa next week pero yung feelings ko para sa'yo parang bago pa din. Araw araw ako lalong nahuhulog sa 'yo bakla ka! Kainis! Di talaga kita kayang matiis kahit kotang kota ka na sa pananakit sa 'kin kapag naiinis ka or ano. Nakakalimutan mo na yata na babae pa din ako kahit tomboy ako loko ka. Haaays! Sana gumaling ka na Baby, hindi ako sanay na matamlay ka. 


"Hmm.. Hilig mo talaga akong i-take advantage kapag tulog ako noh." bigla niyang sabi pagkatapos ko siyang halik halikan sa labi para maglambing. Sleeping beauty yata ang peg ni bakla, nagising sa halik ko. 

"Good afternoon Madame." nakangiti kong bati sa kanya. Ugh! Ayan na naman 'yang tingin niya sa 'kin. Chinito eyes na pa-cute. I can't help na di siya dampian ulit ng halik. Ang cute eh. Hindi naman siguro ako mahahawa sa lagnat niya.


"Ganda naman ng gising ko." salita niya ulit. Di ko alam kung bedroom voice ba 'to o sadyang paos lang siya.

"How's your sleep Baby?" tanong ko habang minamasahe ang likod ng ulo niya. 

"Okay lang.. Ilang oras akong tulog?"

"Almost 4 hrs. Tamang tama lang nga paggising mo kasi you need to take your meds na ulit."

"Ugh! Na naman?" ngumiwi siya sabay takip ng kanyang bibig. Lam ko na 'to.


"Oo! You need it para tuluyan nang gumaling ang Baby ko." paglalambing ko pa sa kanya sabay kiss sa tip ng ilong niya. Sumubsob naman siya lalo sa leeg ko. Naku! Style talaga nito oo. Umiiwas na naman 'to na inumin ang gamot niya. Di niya kasi kayang lunukin ang tableta kaya syrup na lang.


"Baby..." mahinahong tawag ko pero mas itinago pa niya ang kanyang mukha.

"Ayoko ng uminom ng gamot. Ang pait eh." sabi na eh. Naloko na! Teka, ba't parang may tumulo sa leeg ko? 

"Tiisin mo na lang muna yung pait."

"Di ko na kaya."

"Kaya mo 'yan. Isipin mo na lang na parang umiinom ka lang ng tequila." pagbibiro ko at tinitigan naman niya ako bigla. Langya! Sipon nga yung tumulo sa leeg ko. Agad na 'kong bumangon para bigyan siya ng tissue at gamot. 


"Eeeehh... 'Yoko na nga ng gamot Baby." matamlay niyang sabi sabay iling. Kainis! Sumasakit dibdib ko, ayoko talaga siyang nakikitang ganitong katamlay.

"Baby please? Konting tiis na lang para gumaling ka na."

"Nasusuka ako sa pait eh." giit pa niya kaya ibinaba ko ulit ang gamot.

Suddenly You and Me - ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon