Special Number 10

4.2K 207 22
                                    


REVELATION


"I do..."

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."



After 7 years...


"Manong guard, tapos na po ba klase nila?" 


"Ay opo! Kanina pa po. Andun na nga po siya naglalaro sa may playground kasama nung ibang mga kaklase niya na wala pa yung sundo." nakangiting tugon ng guard kay Karylle at isang ngiti naman itinugon niya sa matanda. Kagagaling lamang ni Karylle sa Star Palace at agad na pinuntahan na niya ang anak sa eskwelahan para sunduin ito.


"Sige po, salamat. Pupuntahan ko na lang po siya dun." paalam ni Karylle at tumango naman ang guard saka siya pinapasok sa loob. Agad namang nakita ni Karylle na nakikipaghabulan ang kanyang anim na taong gulang na anak kasama ang mga kaklase nito. 


"Jose Karlo!" tawag ni Karylle at agad namang huminto ang bata sa pagtakbo saka lumingon sa may gawi niya. Agad itong ngumiti pagkakita sa kanya at mabilis itong tumakbo papunta sa kanyang direksyon para yumakap at humalik. 

"Hi mommy!" 

"Hi Kuya, how's school?" nakangiting tanong ni Karylle.

"Good po! Lookie oh! I have many many stars today." sabay pakita sa kanya ng anak ng kanang kamay nito. 

"Wow! Good job kuya." 

"Hehehe thank you Mommy. Do I have a reward po ba today?" taas baba pa ang kilay ng bata habang nakangisi at napailing na lamang si Karylle saka ginulo ang buhok nito habang naglalakad sila patungo sa sasakyan. Napanguso naman ang bata nang di sinagot ni Karylle ang tanong niya.


"Mom?"

"I'll think about it."

"Mommy!"

"Hahaha sige na nga. What do you want for your reward ba?" natatawang tanong ni Karylle at nagulat naman siya nang hilahin ng bata ang kanyang damit para yumuko siya. Agad itong humalik sa kanyang labi at nagpa-cute ng nagpa-cute pa sa kanya.


"You're acting like your dad again."

"Hahaha Mommy, you know what I want." nakangising sabi pa ng bata.

"Hay naku! A new coloring book and some hotdogs for dinner."

"Jackpot!"

"Sige, dadaan tayo sa bookstore bago umuwi."

"Yehey!"

"But... Promise me, you'll finish your homework after dinner okay?" wika ni Karylle habang isinusuot ang seatbelt sa anak at nag-thumbs up naman sa kanya ang bata.

"Okie dokie Mommy!" masiglang tugon ng bata at agad na kinausap ni Karylle ang driver para dumaan muna sa mall. Habang nasa biyahe na sila ay aliw na aliw naman si Karylle sa pakikinig sa kwento ng kanyang anak tungkol sa araw nito sa eskwela. Sobrang proud na proud talaga siya dito. Napakabibong bata kasi ni JK at sobrang masayahin din nito kahit na napagkakamalang mahiyain at nerd ito paminsan minsan ng iba dahil sa palagi kasi itong may suot na frame ng eyeglass pang-porma.



Sa kabilang banda naman.


Suddenly You and Me - ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon