Chapter 1 - Meet Genevieve
=-=-=
"Ang ganda talaga niya 'no?"
"Kaya nga eh."
"Siya pa lagi yung champion sa mga beauty contest."
Di ko pinansin ang bulong ng mga tao habang naglalakad ako.
Nga pala, I'm Genevieve Alcante, you can call me Vivi or Vi. Pero mostly close friends and family ko lang tumatawag sakin nun. 4th year high school student ng Dela Servian Academy. Yung pinaguusapan nila? Ako yun. Di naman sa mayabang pero model ako . . . dati.
Masyado nga lang bumaba ang grades ko dati dahil sa hindi na nakakareview at bihira pumasok. Sikat kasi yung company ng pinagmomodelan ko dati kaya lagi busy. Nagquit ako dahil din napapadalas ang dalaw ng lagnat sakin. At tsaka sakit lang sa ulo ng mga photographer mas gusto ko pang magpapicture sa mga taong di ko kilala instead of them. Masyado kasing bossy, ginagawa mo naman gusto nila pero mali parin kaya lagi akong natatagalan eh.
"Vivi!" Sigaw ng best friend kong si Samantha. "Sam! Wag ka ngang madyadong maingay." Pagsusuway ko.
"Sorry na, ikaw rin naman sumisigaw ah!" Depensa niya sa sarili niya.
"Aish. Tumahimik ka na lang."
"PMS?" Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Vi, tara sa canteen? Mamaya pa naman daw yung concert eh."
"Parang gusto ko pumunta sa concert na yun," Bulong ko pero narinig niya. "Asus! Ayaw mo bang i-cheer kapatid mo?"
"If I know crush mo lang kasi si kuya kaya ka ganyan." Napangiti ako sa sinabi ko. Tumingin ako kay Sam at namumula na siya. Bwahaha >:)
"H-hindi ah! Basta! Tara na nga lang sa canteen dami pang sinasabi..."
"Whatever you say."
*~*~*
"Vivi, malapit na daw yung Promcoming." Sam excitedly said. Di naman ako mahilig sa parties pero 'pag school parties lagi akong pumupunta. Di ko nga gets kung bakit "Promcoming" tawag ni Sam eh, hindi naman prom at tsaka extra event lang naman yun.
"Talaga? Kelan daw?"
"August 14 ****" Oh 'tamo? August palang oh halos kakastart pa nga lang ng school year eh. Dapat talaga hindi Promcoming tawag dyan dapat ginawa niyang "dance".
Wait . . . August 14? Malapit na yun ah! Ba't ngayon lang pinaalam?
"Halos 4 weeks from now na yun ah! Bakit ngayon ko lang nalaman? Kaya pala busy yung student council at yung ibang teachers." I stated.
"Surprise daw kasi dapat yun, kaso may nakakita daw na mga 2nd year girls at dinaldal na sa mga estudyante." Pageexplain niya. Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagkakain ng mac and cheese.
"Sam, sino pa yung ibang banda na tutugtog maliban kila kuya? I heard kasi that there's some famous band na tutugtog."
Napaisip siya bigla at nagsalita, "Royal Rebels daw. At sila rin daw tutugtog sa Promcoming." Sabi na may maisasagot 'to. Sandamakmak ng ka-chismosahan.
"Ahh kaya pala puro ganun naririnig ko kanina." Sabi ko Tumango na lang siya at nag-shrug. "Pero famous band daw eh. Hindi naman sila "famous"." I say as a matter-of-fact. "Famous kaya sila! Lalo na si Tyson." Nag-shrug na lang ako at pinagpatuloy ang pagkakain.
Hala oonga pala! Birthday ni Luke Hemmings ngayon! *~* Mamaya nga magreet.
Pagkatapos naming kumain naglakad kami papuntang room. Wala namang teacher since busy nga kaya hindi kami nagmamadali.
BINABASA MO ANG
Wanted: The Girl Who Kissed Me
Romance"Looking for a girl with a glass slipper is much easier than looking for an unknown girl who kissed you." Totoo naman diba? Lalo na't royalty pa ang humahanap. Eh paano kung isang lalaking walang "royal blood" ang humahanap? Diba mahirap? A popular...