Chapter 3 - Unexpected Little Things
=-=-=
Nandito kami ni Jace sa park. Biruin mo siya pala si SlayerOfKings105.
"Gamer ka pala." Sabi niya, breaking the silence amongst us.
"Yeah. Si Kuya Gavin at ang mga pinsan ko ang nagturo sakin." I replied. Mas gusto ko kasi kasama yung boys totoo kasi sila tanging si Sam lang ang babae na kinaibigan ko. Si Sam kasi best friend ko na siya simula grade 1, hindi rin kasi siya maarte tulad ni Trixie, isa sa mga babaeng maarte sa school.
"Ahh. Nga pala, bakit ka pumunta sa tree house kanina?"
Bigla akong nanginig sa sinabi niya. "Ahh... ehh..."
"Tinatakasan ko kasi kuya ko." Pagpatuloy ko. Tumingin siya sakin na parang he's trying to figure something out. Kinamot ko na lang pisnge ko at iniba ang usapan, "Ikaw rin naman nandun, bakit ka nandun?"
"Akin yung treehouse na yun." Kibit-balikat niyang sabi.
Sakanya?
Papaano?
"Sayo?" I asked. Paanong sakanya? Hindi naman siya yung anak ng may ari ah...
"My mom owns the school."
I spoke too soon.
Mga ilang minuto rin kami tahimik. I know na ayaw ko ng maingay pero ang awkward kaya ng silence na to. Magkatabi lang kami dito sa bench sa park at walang nagsasalita ni isa samin.
Masyado ng awkward.
"About the deal..." I trailed off. Alam ko namang sasagot rin yan eh.
"Hmm... let's save the deal. If one of us need something na lang." Huh? Edi useless lang pagpapanalo ko?
"O sige, uwi na ko ha..." Ano daw? May sinabi pa siya eh.
"Ano?" Umiling na lang siya at tumakbo palayo. Ayos rin tong lalaking to ah!
"Hmp!"
Maglalakad na sana ako paalis nang may magsalita mula sa likod. "Malandi ka parin pala,"
-_____-
Humarap ako sakanya habang nakataas ang left eyebrow ko. Ano nanaman bang problema neto?
"Alam mo kasi, Genevieve, kaya walang kumakaibigan sayo dahil malandi ka." Napairap na lang ako sa sinabi ni Trixie.
"Ako daw ang malandi... ever heard of the saying "You tell people their flaws because you also have them."" I shot back. Hapon na hapon nanggugulo, eh kung ibaon ko mukha nito sa buhangin?
Umalis na 'ko dun bago ko pa mabugbog si Trixie. That brat! Simula pa lang ayaw na nun saakin. Wala naman akong ginawa. Tss.
*~*~*
Next day...
Habang nagkaklase biglang nagtext si Sam. Ano namang naisip neto at nagtext? May klase pa kaya!
From: Sam
Vi! Alam mo bang na move ang Promcoming? Masquerade daw ang team instead na fantasy.
Heto nanaman sa Promcoming na yan. Pvta nakakasawa.
To: Sam
Bwisit ka! Maya ka na magtext may klase pa ko.
Palibhasa walang pake sa grades. Tss.
Text pang ng text si Sam pero iniignore ko lang siya. Wala naman kasi akong paki kung namove ang event. May magagawa ba ko? Wala naman diba?
BINABASA MO ANG
Wanted: The Girl Who Kissed Me
Romance"Looking for a girl with a glass slipper is much easier than looking for an unknown girl who kissed you." Totoo naman diba? Lalo na't royalty pa ang humahanap. Eh paano kung isang lalaking walang "royal blood" ang humahanap? Diba mahirap? A popular...