Jealous

19 1 0
                                    

   

  
Monique POV

What happen?? Anong meron?? bakit ganyan si Andrew pagdating kay Chele. Hindi kay......

   
"Ikaw nanaman nerd! Tandaan mo tong pagpapahiyang ginawa mo! Hinding hindi kita mapapatawad"-Angel sabay walk out.

   
"Huh?? bakit sya nagalit sayo eh ako ang kausap nya?? wait.. sya din ba ang may pakana ng pambubully sayo?"-Jake

  
"Mahirap man paniwalaan but yes! the one and only"-Alexa

   
"Nga pal..." napahinto ako sa pagsasalita ng biglang tumayo si kuya.

  
"San ka pupunta Jin?"-Chele

   
"Room" cold na sabi ni kuya bago sya nagtuloy tuloy sa paglabas.

   
"He's jealous " sabi ko dahil halata namang naguguluhan si Chele sa inakto ni kuya.

    
"Kanino naman sya magseselos?" clueless na tanong ni Chele na ikinangiti ni Andrew.

  
"Manhid"bulong ni Andrew

"Anu yun Jake?"-Chele

"Wala! Tapusin na nating kumain para makasunod na tayo kay Jin."-Andrew

"Okay"-Chele


   
Malapit ng magtime kaya nagpasya na kaming bumalik sa room. Pagpasok namin agad naming nakita si kuya na nakadukmo sa lamesa nya.








    
Chele POV

Nagsi-upo na kami sa mga pwesto namin. Naramdaman siguro ni Jin na may umupo sa tabi nya kaya nag-angat sya ng ulo at tinignan ako.

    
"Are you okay?" tanong ko

"tsk! yeah.. im fine"-Jin

"No your not! i can see it" giit ko

"Tsk! just headache" sagot nya

"Let's go" pag-aya ko sa kanya

"Where?"-Jin

"Clinic" sagot ko

"Tsk! No need"-Jin

"Tsk! Ang arte! Tara na"sabay hila ko sa kanya. Palabas na kami ng may sumigaw.

  
"Hoy! Ang babata nyo pa para magtanan"-Ivan. Tinakpan agad ni Monique yung bibig nya.

  
"Go ahead"-Monique. Kaya tinanguan ko nalang sya.

   
Pagdating namin sa clinic nataon namang walang nurse na naka duty kaya ako nalang ang naghanap ng gamot sa cabinet.

    
"Here.. drink this" sabi ko kay Jin

"Sabi ko kasi hindi na kailangan eh" reklamo ni Jin pero kinuha naman nya yung gamot at ininom ito. Napangiti ako, ang cute nya kasi.

  
"Ano nanaman yang nginingiti mo?"-Jin

  
"Ang sungit mo yata ngayon haring Jin" nakangiting sabi ko

  
"Tsk! iwan mo na ako dito! bumalik ka na doon kay Andrew"-Jin

  
"Are you jealous with him?" I asked

  
"No! i am n-- What if I am? oh wait! let me rephrase it, Im really jealous about him! You got a problem with that?" seryosong sabi nya.

   
"Tsk! halika na nga dito at matulog ka na muna" pag-iwas ko sa sinabi nya. I really dont know what to say.

  
Hinila ko sya palapit sakin dahil hanggang ngayon eh nag iinarte pa din si Jin.

   
"Just take a rest first, gigisingin nalang kita mamaya para makabalik tayo sa room" sabi ko. Humiga na din sya at pumikit para matulog.

  
Ang sarap nyang pagmasdan habang natutulog, parang ang bait bait nya pero kabaliktaran naman pag gising sya.. i mean mabait naman talaga sya kaso snob nga lang. Hay naku! nagseselos daw sya.

   
Mahal ko na din yata si Jin kaso natatakot ako dahil baka madamay sya sa problema ko. Ang saya sa feeling na may taong nagmamahal sayo sa kabila ng itsura mo. Everytime na gumagawa sya ng mga bagay na ikinasasaya ko nararamdaman ko na parang may mga paro parong gustong lumabas sa tyan ko.

   
Pagkasama ko sya i feel secured, yung tipong hindi ako masasaktan ng kahit na sino. Sana magkaroon ako ng lakas ng loob na aminin sa kanya yung nararamdaman ko. Sana---

   
"Let's go"-Jin

  
"huh?? Gising ka na?" hindi makapaniwalang usal ko.

   
"Obviously hindi ako makatulog dahil tinititigan mo ako" sabi nya sa hindi nang-aasar na tono.

   
"Parang ang bait bait mo kasi habang nakapikit, di tulad pag gising ka.. masyado kang suplado" pansin ko lang ha.. nagiging madaldal yata ako pag si Jin ang kasama ko.

   
"Tsk! tara na sa room, malapit na yung time ng music class natin"-Jin

   
Nauna na syang naglakad kaya sumunod nalang ako sa kanya. Malapit na kami sa room ng makasalubong namin yung teacher namin na tinanguan lang kami. Malamang nasabi na nila Monique kung bakit wala kami sa klase nya.

   
Nakasabay pa naming pumasok ang Class President namin.
Pinaupo nya kami dahil may pinapasabi daw si Ms Sheila.

   
"Everyone! pinapasabi ni Ms Sheila na hindi sya makakapasok satin this week dahil may pinapagawa sa kanya ang Dean. Sinabi nya din na maghanda ng isang awitin. Aawitin daw natin ito pagbalik nya. By the way, by partners po yan. Yun lang at pwede na kayong umuwi"-C.P.


Lahat kami ay nagsitayuan na at lumabas na isa-isa. Nagpaalam na din ako sa barkada na mauuna ng umuwi dahil may gagawin pa ako. Gusto ko na kasing magpahinga. Hinang-hina ako sa mga iniisip ko. haist!!!!!!!







#Sorry sa typos
#Thank you


                                                queen..........

Simple but a Beautiful NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon