AZUL

32 2 0
                                    

Im back :)



Chele POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto.. Aay! Nag overnight nga pala kami sa bahay nila Jin. Pag tingin ko sa orasan... O___O omo! 11 am na.. geez!! nakakahiya! magtatanghali na ako nagising kaya naman dali dali na akong nag-ayos ng sarili para makababa na.

Pagbukas ko ng pinto eh saktong pagbukas din ng pinto sa katapat kong kwarto at lumabas si Jin.

"Hi! ^__^ ang aga mo yatang nagising.. hindi kaba nakatulog ng maayos?"-Jin

"Anu ka ba! magtatanghali na kaya.. ganyan ba yung hindi nakatulog ng maayos? ^__^" sabi ko sabay ngiti.

I can't help it. everytime na nakikita ko si Jin eh automatic na gumuguhit ang ngiti ko.

"Buti naman. Tara kain na tayo sa baba"aya nya kaya naman sumunod nalang ako sa kanyang maglakad papuntang kitchen. Pag dating namin walang katao-tao.

"Bakit wala yung mga maid nyo?"tanong ko. sa pagkakatanda ko kasi eh ang dami nilang maid dito kagabi.

"Ah! Day off nila every saturday and sunday"-Jin

"Bakit two days?" ako na maraming tanong.. hindi naman sa ayaw ko ng walang maid.. mag-isa nga lang ako sa apartment ko diba? sadyang curious lang talaga ako.

"Sabi kasi ni mommy since wala namang pasok every saturday and sunday eh kami nalang daw ni Monique ang mag asikaso dito,.wag daw kaming umasa lagi sa mga maid"-Jin

"Aah....." wala akong masabi.. halata naman diba? hahaha.

"Upo ka muna dito. Magluluto lang ako ng lunch natin"-Jin. O___O

"Marunong ka?"hindi ako makapaniwala.

"Oo naman. So.. wait ka muna ha."-Jin

"Tulungan na kita!" pag vo-volunteer ko.

"okay!" sagot nya kaya nag simula na kaming mag prepare ng mga gagamitin sa pagluluto.

We choose to cook Adobong manok, Beef steak, Chicken curry and Rice for lunch. Malaki daw ang alagang sawa sa tyan ng mga boys eh.

"Asan nga pala sila Monique?" tanong ko ulit. Ang awkward kasi eh.. kami lang dalawa sa malaki nilang kitchen tapos ang tahimik pa namin.

" Tulog pa yun. Magigising din ang mga yun pag nakaramdam ng gutom"-Jin. Hindi na ako kumibo.

Hanggang sa natapos na naming lutuin yung ulam at kanin nalang ang hinihintay namin.

Maya-maya pa ay may narinig kaming mga yabag. Malamang sila Monique na yan. Lalapit na sana ako sa kanila ng pigilan ako ni Jin at binulungan na huwag maingay.. makinig daw muna kami.. mukhang gugulatin nya yung apat. Alam kong naguguluhan kayo kaya ipapaliwanag ko.

May wall kasing nakalagay sa gitna ng kitchen kumbaga ba eh naka separate yung hapag-kainan sa lutuan. May pinto papunta dito sa lutuan at hindi ito nakasara kaya rinig namin sila.

"Wala talaga si Chele sa guest room na tinulugan nya eh"-Alexa

"Si Jin din wala sa kwarto nya"-Ivan

"Hala! baka nagtanan na yung dalawa"-Alexa. O___O anu daw???????

"Gaga!! bakit pa sila magtatanan eh solo naman natin itong bahay"-Monique

"Aba!! Malay mo! Knowing kuya.. ayaw nun may istorbo"-Alexa.

Napatingin ako kay Jin. Aba ang loko nakayuko lang habang pulang pula yung mukha nya. Ayan, gusto mo makinig ha.. bumaliktad tuloy yung plano. Nakalimutan kong baliw nga pala itong apat na ito lalo na pag sila lang yung magkakasama.

Simple but a Beautiful NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon