Dee's POV
Binukas ko ang mga mata ko pagkarinig sa alarm clock ko na pain in the ass. Bumangon ako at ginusot ko ang mga mata ko. Tumingin ako sa oras...
KYAAAAAAAH!!!
L-late na ako! Naging pink ang mga iris ko tapos nag-ready na ako para sa school.
Naligo ako at nagbihis. Kinuha ko ang bag ko saka kumuha ng dalawang tinapay tapos lumabas ako at ni-lock ang bahay at mabilis na tumakbo papuntang school.
---
Pumasok ako via backgate habang sinisigurado na walang makapansin sa 'kin. I'm proud of my powers but I can't let anyone know I'm a demon.
Sinigurado kong nasa ilalim na ng uniform ko ang buntot ko tapos tumakbo na ako papuntang classroom.
"SORRY IF I'M LATE!" Sigaw ko pagkapasok ng classroom. Napatingin silang lahat sa akin.
"Late again, Ms. Dee?" Tanong ng teacher namin. Tumawa ako nang kinakabahan.
"Better late that never, right?" Sabi ko. Inayos niya ang salamin niya at sinenyasan ako na umupo. Dumiretso na ako sa upuan ko.
Hayy.
---
Vacant namin kaya may mga nagpunta ng canteen at ng library. Meron din namang nags-stay lang dito sa classroom tulad ko. Napagod ako kanina.
Hayy. Kinakalawang na yata ako. Hindi ko na kasi madalas ginagamit ang mga kakayahan ko hindi katulad ng kuya ko na ginagamit palagi dahil na rin sa trabaho niya.
"For a demon, you're pretty slow." Bulong ni Angie. Ang closest classmate ko. Siya lang ang may alam na isa akong demonyo at ang totoo kong pangalan ay Demonia.
(A/N: Angie is @AteAngie.)
"Just a little rusty, I guess." Bulong ko pabalik. Mukhang gumagaling na rin pala 'to sa pag-i-english. Dati kasi mali-mali ang grammar nito then t-in-utor ko.
"So sasama ka ba sa field trip?" Tanong ni Angie.
"Nagdadalawang-isip ako, eh. Tinatamad akong magising ng madaling araw." Sagot ko.
"Sige. Sabi mo, eh."
---
Pumunta kami ni Angie sa canteen para bumili ng pagkain. Nang nakabili na kami ng pagkain, umupo kami sa isang bakanteng mesa doon.
Unfortunately, hindi namin alam na table daw 'to ng Queen Bee ng school. Hayy. Bitches.
"Sorry pero dito kami." Sabi ni Lizz, ang leader nila.
"Oh. I'm sorry, I don't see your gigantic butt mark here." Mataray ko namang sagot.
"Are you implying that I'm fat?" Tanong niya.
"I didn't say anything. If you think you're fat then you're fat. I'm not implying anything." Sagot ko. Kinuha niyo ang drinks namin ni Angie saka tinapon ito sa 'kin.
Tumawa naman yung dalawang kasama niya.
"Embarassed?" Nakangisi niyang tanong.
"May nakita na akong mas nakakahiya. Tulad nang nagpanggap na patay ang kuya ko at hinubaran siya para i-check ang damit niya. It's hilarious, really." Sabi ko habang natatawa.
Natahimik lang sila. Napamulat naman si Ms. Queen Bee.
"H-hinubaran?" Gulat na sabi ni Angie.
"Kakasabi lang, 'di ba?" Pamimilosopo niya.
"Anyway, please move." Sabi ni Lizz. Napangisi ako. "Move?" Bulong ko. Pagkatapos ng isang segundo, nawala na sila.
"Huy, Dee, anong ginawa mo?" Tanong ni Angie.
"They said 'move'. Kaya 'm-in-ove' ko sila sa town dump pero bago 'yon, hinubaran ko sila para hindi sila makabalik agad. At least, makakakain tayo nang hindi sila inaalala." Pagpapaliwanag ko.
"Pero totoo talaga? Hinubaran ang kuya mo?" Tanong niya. Tumango ako habang nakangiti.
"Siguro sobrang nakakahiya 'yon." Sabi niya. Napailing ako habang nakangiti. Kakasabi lang, 'di ba?
"Anyhoo, kain na tayo." Sabi ko.
---
Nabusog talaga ako sa kinain namin. Masarap talaga ang mga pagkain dito sa Pilipinas pero nakaka-miss ang worldwide pastries na ginagawa ni Kuya.
Palagi siyang gumagawa ng pastries para sa mga bisita ng master niya. I couldn't blame him as he is simply one hell of a butler.
"Busog?" Tanong ni Angie. Tumango ako.
"Pero every now and then, nami-miss ko na rin ang worldwide pastries na ginagawa ni Kuya. They're just simply delicious." Sabi ko.
"Gano'n ba? Oo nga pala! Nakapag-advance reading ka na ba tungkol kay Conan Doyle? Bukas kasi, tungkol sa kaniya ang lessons natin sa English." Pagpapaalala niya.
"Kilala ko na 'yon. He lived in Britain in the 18th Century. He wrote the novel of the world's greatest fictional detective, Sherlock Holmes." Sabi ko.
"O sige. Since hindi ka naman nag-aalala, okay ka lang siguro. Sige. Punta lang ako library. Hindi pa ako nakakapag-advance reading." Sabi niya at nauna na.
Nakilala ko na 'yon.
After all, he was one of the Young Master's guest at that night.
############################
A/N: Next Chapter: a short recap on Black Butler Book of Murder. Hopefully, it's short. And I think I would add Dee in it too.
BINABASA MO ANG
I'M A DEMON GIRL
ParanormalYou can call me Dee but my real name is Demonia. I'm sure you have heard of my brother. This is the story of when I left the Phantomhives and I pretended to be human to look for a master. This also tells the time when I finally found my contract hol...