Dee's POV
"If that's all, why did he kept it as a secret?" Tanong ni Angie.
"Oh. That. Before Dr. Arthur left, Jeremy said a handful of words that made Conan Doyle suspicious. He came back and had a chat with the Earl and Jeremy. He knew something that he shouldn't have known. Eh-ahem! 'Jeremy' made Dr. Arthur swear never to tell anyone that secret. And if he ever does, he'll come and make him pay." Dagdag ko.
"What's the secret?" Tanong ni Ma'am.
"It's a secret. Can't answer that. 😨 Plus, my brother will murder me the second I tell the secret to any of you." Sagot ko.
"Then answer this. How could the butler still be alive after receiving a deadly blow in the head and having stabbed in the chest?" Tanong ng isa kong kaklase.
"There are two answers to that. One, if he couldn't, then what kind of butler would he be? Second, he is simply... one hell of a butler. Well! That's what my brother told me." Sagot ko. Eksaktong tumunog ang dismissal bell.
Sabay kaming lumabas ni Angie.
"Hulaan ko, ang sikreto ay isang demonyo si Jeremy. Pero so what kung demonyo si-- ohhh. Si Jeremy ay ang butler." Saka na-realize ni Angie.
"Yup. Since demonyo ang butler, hindi talaga siya mamamatay. Although masakit pa rin ang pagkatira sa kaniya." Dagdag ko.
"At saka nang narinig ko na namatay yung butler, naisip ko na imposible. Tapos nalaman kong role play lang 'yon. At alam 'yon ng Earl. Ang pinakanakakatawa ko talaga ay no'ng pinagsasampal ng Earl ang butler niya. Sinadya ng Earl na isuot ang singsing habang sinasampal ang mukha ng butler. At saka no'ng sinasara niya ang mata ng butler, dinidiinan niya ang paghawak sa eyelid. Simbolo 'yon ng pagka-cruel ng Earl." Kwento ko.
"Kaya pala natawa ka nang kinukwento mo ang pagsisigaw at pagsasampal ng Earl no'ng isang araw." Bulong niya.
"Siya nga pala. Sigurado ka bang hindi ka sasama sa field trip?" Tanong ni Angie.
"Oo. Sigurado ako. Pakiramdam ko kasi magkikita kami uli ng baklang in love na in love sa kuya ko. He's... surprisingly annoying." Sabi ko.
"O sige."
Angie's POV
Field trip day na. Nasa harapan na ako ng school gate kasama ang ibang kasama sa field trip. Marami-rami rin naman kami. Kinailangan pa nga ng tatlong bus, eh.
Masaya siguro kung kasama si Dee sa field trip na 'to. Magiging parang bodyguard namin siya. Hindi ko alam pero may masama akong pakiramdam dito. Parang may mangyayaring masama.
Well, pakiramdam ko lang 'yon. Baka kung ano lang 'yon. Sumakay na kami ng bus at nang nasiguradong nakasakay na lahat, umalis na kami. Ang pupuntahan nga pala namin ay isang educational amusement park.
Amusing na nga, educational pa. Pero hindi ko pa rin maalis ang pakiramdam na may masamang mangyayari.
---
Nagkahiwa-hiwalay kami pagkapasok sa amusement park. Wala naman akong ibang ka-close dito kaya mag-isa akong pumasyal. Regardless, nag-enjoy naman ako.
Hindi ko nga lang inasahan na ia-abduct ang park ng mga armadong kalalakihan. Mukhang tama ang pakiramdam ko kanina. Nandito sana si Dee.
"Uy, hingin mo na ang ransom. Alam mo naman ang hihingin, 'di ba?" Tanong ng isa sa kanila. Tumango ang kausap niya.
Tinaas niya ang megaphone. Sa totoo nga lang, hindi 'yan maririnig sa labas pero dahil naka-off ang rides at nananahimik ang mga tao dahil sa takot, maririnig na.
"KAILANGAN NAMIN NG ISANG BILYONG PISO MULA SA MAY-ARI NG AMUSEMENT PARK NA 'TO! DAPAT WALANG MGA TRICKS! 'PAG NALAMAN NAMIN NA MAY PINAPLANO KAYONG KUNG ANO, PAPATAY KAMI NG SAMPUNG TAO DITO!" Sigaw niya.
Napatingin ako sa itaas. May nakita akong isang news helicopter. Hopefully, nanonood ng balita si Dee.
"Huy, talaga bang papatay tayo?" Tanong ng lalaking humingi ng ransom.
"Hindi naman. Mind trick lang 'yon. Since ayaw ng may-ari na magkaroon ng masamang reputasyon ang park, ibibigay talaga nila ang ransom." Sagot ng nag-utos kanina.
Please, nanonood ka sana ng balita.
"Kung gano'n naman pala, takyut pala kayo. Nananakot na papatay tapos hindi naman pala kayo papatay. Grabe. Takyut." Pang-aasar ko.
As I predicted, tinutok ng isa sa kanila ang baril tapos bumulong ako, "Dumating ka sana, Dee." At hinila niya ang trigger. Napapikit ako at naghanda kung mamamatay ako. Pero wala, eh.
Dumilat ako at nakitang nasa harap ko si Dee at yakap-yakap ako. Nakangiti lang siya.
############################
Next Chapter: It's Grell!
BINABASA MO ANG
I'M A DEMON GIRL
ParanormalYou can call me Dee but my real name is Demonia. I'm sure you have heard of my brother. This is the story of when I left the Phantomhives and I pretended to be human to look for a master. This also tells the time when I finally found my contract hol...