Chapter 3

30 2 1
                                    

"Eloise's Pov"

Pag dating ko sa theater. Napagalitan ako ng staff ni Des.

Pano kasi antagal ko sa canteen. 

Hindi ko naman pati alam na ni ra-rush nila ang rehearsal.

"Eloise, alam mo naman na kulang na tayo sa oras" sabi nung isang staff dito

Sila pa ang galit.

Sila nga ang kumuha sakin dito.

Di nga ako nag volunteer o nag audition eh.

"Tama na yan. Wag ng mag sisihan" sigaw ni Des

"Sorry loise, alam ko naman na ayaw mo dito pero pinilit kita" dagdag pa nya

Buti pa si Des , may hiya. Yung mga kasama nya walanghiya.

"Hindi okay lang, sige uuna na ko, may klase pa ko. See ya!" paalam ko kay Des at nag beso beso kami

Close kami ni Des , pinakilala sya sakin nung pinsan kong kaka graduate lang ng high school.

Pag dating ko sa room wala pang masyadong tao.

Umupo ako sa pinaka dulo at nag soundtrip. Nakaka antok pag wala kang magawa.

Wala NA akong kinikilalang bestfriend, pero marami akong close friend.

Habang nakikinig ako sa music, parang may narinig akong nag salita sa likod ko.

Pag harap ko , si Andrea lang pala. 

Wala akong paki alam.

Hindi ko sya pinansin, wala akong oras kausapin sya.

"Loise, can we talk?" tanong nya

The nerve, ano pa bang dapat naming pag usapan eh nasa kanya na nga si Tyrone.

Ano pa bang gusto nya? 

Don't tell me , pati yung pamilya ko gusto din nya?

Sa sobrang inis ko, kinuha ko ang mga libro ko at umalis sa room, pero bago pa ako makalabas hinila nya ang braso ko.

Tiningnan ko sya ng masama.

"What d'you want?" inis kong sabi

"Eloise, bakit mo ba kasi ako iniiwasan?" tanong nya

Talaga di nya alam?!

Iiwasan ba kita kung hindi mo inagaw ang crush ko?

Okay lang kung iba yung naging gf ni Tyrone eh.

Eh kaso sya pa, sya pa na bestfriend ko ang niligawan ng boyfriend ko.

Dati tinanong ko sya kung may gusto din sya kay Tyrone, sabi nya wala.

"Ask yourself" malamig kong sabi sa kanya.

Alam ko napaka selfish ko, para ipagdamot ang di naman naging akin. At ewan ko kung magiging akin pa.

"Kaya tinatanong ko sa'yo kasi wala akong clue. Isang araw napansin ko na lang na umiiwas ka na sakin" sabi nya

*Riiiinnnngggg*

Hindi na ako nag salita at bumalik na lang ulit sa upuan ko.

Wala naman syang magawa kundi ang umalis.

Pag katapos ng boring na math. Inayos ko kagad ang gamit ko at lumabas sa room. Nag punta ako sa canteen, buti hindi mahaba ang pila.

Pag kabili ko, tsaka ko pa lang napansin na puno na naman ang mga upuan sa canteen. Well, no problem may sarili na akong spot na tanging ako at ang EX -BESTFRIEND ko lang ang nakaka upo.

Nag lakad na ako papunta dun. Di kasi masyadong maingay sa part na yun, fresh pa ang hangin.

Pero this time mali ata ako, kasi yung gwapong lalaki kanina yung naka upo at mag isa lang sya.

G-gwapong lalaki kanina? Y-yung lumapit at nakakita sa pamumula ko.

OMG!!!!!

Bago pa man nya ako mapansin, lumapit ako sa isang nerd dun at ibinigay yung binili ko.

"Hey! Iyo na lang to'. Don't worry di ko yan tira, wala yan lason" sabi ko

"Pero nakakain na ko" angal nya

Choosy pa si kuya.

"Eehh! Dali na, kunin mo na, wag kang mag alala libre to" sabi ko. Naiinis na ako ah.

"Eh kasi----"

Di na nya natapos yung sasabihin nya dahil....

"Miss sandali" sigaw nung gwapong lalaki

" Iyo na to, whether you like it or you like it, okay?! Ubusin mo yan para naman sulit yung bayad ko" sabi ko sabay takbo.

" MISS, SANDALI LANG!" sigaw nya.

Alam kong maganda ako kuya. Hahah charot!!

Tsk! sa susunod di na ako mag tatakong, ang hirap tumakbo. 

Malapit na akong maka layo ng bigla akong matalisod sa isang step.

Napa pikit na lang ako at 

inantay kong lumagpak ako sa sahig pero bakit wala shock, at wala din masakit.

Pag mulat ko, lalo akong nagulantang sa nakita ko.

"T-tyrone" nauutal kong sabi

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''

UPDATED!!!!

Ambagal kong mag UD!

Comment kayo, kahit bad comment okay lang.

Truth behind the liesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon