This is my first wattpad story, im still learning the loops around here kaya pagpasensiyahan nyo na kung may mga mali man. I will try to do better sa susunod.
Hindi po ito teen fiction. This is, like most of my work, a shoujo satire/ gag fiction. May mga content dito na maaring offensive, nakakasulasok, at bastos para sa panlasa ng iba so SPG. XDD
The characters in this story are fictional. Wala pong pinaghugutan kanino man. Promise!XDBlunt Force Trauma- refers to physical trauma caused to a body part, either by impact, injury or physical attack; the latter usually being referred to as blunt force trauma. The term refers to the initial trauma, from which develops more specific types such as contusions, abrasions, lacerations, and/or bone fractures. Blunt trauma is contrasted with penetrating trauma, in which an object such as a bullet enters the body. Parang lab, kala mo masarap, masakit pala.
----- POV ng isang babaeng 16 years old. si Aya.Nangungusap at nagniningning ang kanyang mga mata. Kasabay ng mga nag gagandahang nightlights sa paligid ng Trinoma Garden. At kahit na walang emosyon ang kanyang mukha, kitang kita sa mga mata niya na talagang nageenjoy siya.
Ang gwapo niya.
----------------------------
"That was fun!" sabi niya at nahuli nya akong nakatingin sa kanya.Kakatapos lang namin manood ng sine, at kasalukuyang naghahanap ng makakainan sa Garden ng Trinoma. 2nd date na namin to.
"O tara kain tayo... San NYO gusto?" yaya niya sa AMIN.
haha DATE ba ang pagkakasabi ko? ahaha actually hindi yun date, gusto ko lang isipin na date yon kahit na isang batalyon kaming magbabarkada ang magkakasama, silang apat ng tropa niya at kaming apat ng mga friends ko, Pero kahit na! para sakin DATE yon. walang pakealamanan!
Pangalawang beses na namin tong nagkasama. 2 weeks ago, nagkayayaan na maghang out ang tropa niya at ang mga friends ko. And you don't have to be a genius para malaman kung bakit biglang nagyaya ng videoke ang mga boys from the other side of the class.
Friendly hang out daw. Friendly hang out nila mga mukha nila!!! manliligaw ang isa sa kanila sa isa sa min. Alam naming lahat yun, ang tanong na lang:
AS USUAL, sino naman ngayon sa kanila ang may intensyong manligaw sa kaibigan naming si JENNA?!!!
Nasa CR kaming mga girls, nagta-touch up, habang ang mga boys ay naghihintay sa labas.
"Kinikilig ako!" hiyaw ni Maurice habang kumekembot ang pwet sa kilig."Feeling ko, manliligaw si Ken kay Jenna!!! kyaaaa~" dadag niya
Si Jenna ang pinaka maganda samin, at siya rin ang pinaka maganda sa buong school. Makinis at pinkish white ang balat niyang allergic sa local na mga lotion, alagang alaga ang buhok niyang mala-Mama mary ang shine na naver na daw kinailanagan ng rebond sa sobrang bagsak. Matangkad siya at may certain something something ang kanyang tindig at tindig na tindig ang kanyang dalawang dambuhalang something something.
Chinita ang mga mata niyang pinagpipilitan niyang dahil daw sa may lahi siyang Korean-Japanese kahit obvious naman na lahing Intsik-Bisaya siya. At higit sa lahat, hindi man siya ang pinaka-maganda sa buong Known Universe, siya naman ang may pinaka magandang ngiti sa buong Solar System. Alam niya yun sa sarili niya kaya every time na ngumingiti siya, aakalain mong may shooting ng toothpaste commercial sa campus.
At gusto niya, laging na aacknowledge ang asset niyang yon. Yun tipo bang pag humingi ka sa kanya ng papel, ngingitian ka muna niya ng pamatay niyang ngiti sabay sabi ng "Sure! eto o!" sabay ngiti ulit. Hindi niya bibitawan yung papel kahit hawak mo na hanggat hindi ka nakatingin sa Great Wall ng mala perlas nyang mga ngipin. Pag nakita niyang sumasamba na ang iyong mga mata sa perfect set of teeth niya at satisfied na siya, tsaka lang niya bibitawan yung papel.
