wew, sharina Gomez here guys ...
isang napaka , nakakapagod na hapon , jusme kakatapos ko lang magtutor ng 18 na katao , ubos na ang energy ko at pati na rin ang boses ko .
oh, well yaan mona may pera naman kase ako , makakakain na aketch ng maraming chibug, PARTY PARTY na!
habang naglalakad na ako -pauwe sa amin , mala-bukid tong dinadaaanan ko kase ayun lang yung way papunta sa barong barong kong bahay . may nakita akong .... kotse ba to ? parang ? ito pala ang itsura ng kotse ?!! WOW as in siguro latest tong isa nato .
pero bakit meron nito nyan sa mala-bukid na daan ?_?
oh, geez!! ang boblags ko talaga minsan , shemay!! parang nabunggo pala ito !! (nasa likod kase ako nakatingin guys, di ko napansin sa bandang unahan na nabangga sa puno ng acacia )
dali dali akong pumunsta rito at natagpuan ang isang babaeng duguan !SHOCKS!! basag basag yung windshield ba yun ? basta yung salamain sa harap ng kotse ! tae ! pano ba itong tali na nakasabit sa bewang ng babae ?
pano ba to alisinn???!! ahh!! yung parang sa bag ko lang to , at tuluyan ko nang naalis ang babae sa loob ng kotse at inakay ko ang kantang katawan sa balikat ko . di ko kayang buhatin , medyo nasa mid. 30s na ren kase yung babae eh , mukhang mabigat .
habang papaalis kami doon sa mala-bukid na setting nakarating ako sa kabilang kanto, kung nasaan ang waiting shed at kung saang may pila ng mga tricycle . nung una nagulat din ang mga driver kaya pinasok agad nila ito sa loob ng tricycle . pero , jusme , sobrang kupad naman !!
"kuya wala na po bang ibibilis yung takbo ng tricycle na to ?" muli kong tanong kay manong driver , nagtititpid ata sa gas eh , di ba nya nakita na emergency ito ?!! muli kong sigaw sa aking isipan . kanina pa kami bumabyahe , juicemiyo !!
agad nya naman itong pinaharurot nung ika-limang beses ko ng sinabo , sus , buti naman , baka nag- aagaw buhay na si ms. rich (mayaman kase sya , dba nga may kotse?)
after 8734 years . joke siguro 20 minutes din ang byahe , apaka layo kase ng ospital dito eh ! bumaba na ako pero tinawag ako ni manong driver .
"bakit po ? may naiwan po ba ? " tanong ko sa kanya .
"miss, yung bayad mo ,may 5 anaak pa ako papakainin iha " ay shocks! ano pambabayad ko ? yaan mo na nga yung ipon ko nalang muna . mas ok na yun kaysa naman makonsensya ako pag di ko tinulungan si mrs. rich dba ?!!
kinuha ko ang butas butas kong wallet ' mawawalan ka nanaman ng laman , yaan mona magkakaroon ka naman ulit eh ' bulong ko sa wallet ko.
hinagis ko kay manong driver ang wallet ko , alam mo namang isaisahin ko pa ang barya sa wallet ko? susme agaw buhay na po si ateng !pinasok ko na si miss rich sa ospital , agad naman kaming ina- assist ng mga nurse at dineretso gad sa emergency room . Buti naman ganto ang serbisyo dito , sa center kase samin kailangan pang mag donate muna bago ka asikasuhin eh !!
umupo nalang muna ako dun sa waiting area , at nagdasal ..
'lord, sana po maging okay si miss rich, sayang naman po sya pag kinuha nyo agad, baka may pamilyang binubuhay po eh , sana po ligtas sya sa anumang kapahamakan . amen. ' panalangin ko sa isipan ko . sana dinggin ni lord .
BINABASA MO ANG
Royalty Academy
Novela JuvenilMeet Sharina Gomez.. ---babaeng mahirap pa sa daga . isang araw may tinulungan syang babaeng nasa middle age na rin , binigyan sya nito ng opportunity na makapag aral sa isang elite and prestigeous school --Royalty Academy --- makatagl kaya sya sa...