Chapter 1

62 2 0
                                    

♪♪♪But I'm in so deep

You know I'm such a fool for you

You got me wrapped around your

finger, uh-huh-huh

 Do you have to let it linger?

 Do you have to, do you have to

 Do you have to let it linger?♪♪♪

His lips were on mine and he nibbled it gently. I suddenly felt the heat bursts. Pero biglang lumamig at parang may basa? bakit ba ako basa?!

Minulat niya ang kanyang mga mata, ang nanay niya lang pala may hawak na tabo ng tubig.

 "Nay naman eh! Panira kayo ng dream ko with my prince eh!", naka simangot niyang sabi.

 "Naku tigilan mo nga ako Candace sa pag inarte mo ha! May kukunin kang labada sa bahay nina Mrs. Sy. Bumangon ka na dyan at nang makuha mo. Dito ko na lalabhan kasi isa lang  naman yon at di nako pupunta don.Bumalik ka agad ha! Pinaparush yun ni Mrs. Sy dahil magnininang siya sa kasal." iniwan siya nitong nakatanga.

 Parang machine gun sa bilis at lakas magsalita si Nanay nakaka bingi. Sa bahay ng mga Sy pala siya pupunta, daig pa niya ang uminom ng energy drink at agad siyang bumangon sa kanyang higaan.

Sana makita ko si Dave!

Papalapit palang siya sa gate ng mga Sy nang makita niya si Dave na kagagaling palang mag jogging at naka sampay ang damit sa balikat so, kitang-kita niya ang pang GQ na body at ang perfectly toned abs nito. Halos lumuwa ang mata niya sa nakita.

"Hi Dave!" pa cute na tawag niya dito. "Masarap talaga ang pandesal sa umaga lalo na pag mainit-init pa". Nakangisi niyang sabi at panakay tumingin sa abs nito.

Dave just stared at her like she was an alien. Sambakol na naman ang muka nito pero gwapo, bagay ngang mag inarte. Dagling nag iwas ito ng tingin at linampasan lang siya.

"Ouch!" sapo ang kanyang dibdib at umarte na inaatake sa puso. "Di bale, may araw din na luluhod ang mga stars at mahuhulog ka rin sa aking alindog." oa na pag deklara niya. Kahit nakatalikod na ito'y nakuha pa rin niyang mag papansin "Hmmm ang yummy mo talaga Dave! lasang caramel!"

"Kompleto na naman ang araw mo Candace" nakangiting sabi niya.  Naisip niya ang sadya niya dito, ang utos ng nanay niya.

Dumaan siya sa likod ng bahay patungo sa may dirty kitchen para hanapin si Manang Martha ang ever loyal at kikay na mayordoma ng mga Sy.

"O, Candace ba't ngayon ka lang kanina ka pa hinahanap ni Cristina." tukoy nito sa mama ni Dave. Si Manang Martha na naka pink jumpsuit ay napaka kikay kahit senior citizen na.

"Manang Martha ka gigising ko palang po kasi. Di bale aalis po ako agad para matapos na agad ni nanay yung utos ni Mama ay mali ma'am Cristina." Pwedeng mama nalang? Eeehhhh nakakahiya ka naman Candace! Pero feel ko talagang tawagin siyang Mama Cristina.

"Sige kunin mo na yung gown sa taas, alam mo naman bago yun ingatan mo ha, dahling. Mag exercise pa ko, bye! Ay sandali, OOTD me muna hehehe, pang instagram lang." sabay look up pose na ibinigay nito ang iphone5 sa kanya.

Na picturan na niya ang matandang parang teenager."Ehehehe, Manang Martha you're so kikay talaga."

"O, sige na Candace I have to go na! Ciao!" pakembot itong nag jog.

Tuwa-tuwa siya sa matandang iyon parang pamilya na ang turing ng mga Sy sa kanya. Wala kasi itong sariling pamilya, kumbaga napag iwanan na ng biyahe hanggang sa tuluyan na ngang naging soltera. Ito rin ang naging yaya ng mama ni Dave at tumanda na ito sa kanila. Nang mag sixty ito ay nag ayos ito na parang dalaga para daw maka bingwit ng isang kano.

"Kelan ko kaya mabibingwit ang heart ng aking Dave, hay!" bumuntong hininga nalang siyang umakyat patungo sa kwarto ng mag asawang magiging future in laws niya, ahahaha ang assuming. Hindi naman siya pangit, in fact maganda siya, sabi ng nanay niya.

Nadaanan niya ang kwarto ni Dave. Napahinto siya at hinawakan ang door knob as if sa pamamagitan nito ay parang naka holding hands na niya si Dave. Pero biglang may tumawag sa kanya.

"Candace? Hija you're going to enter the wrong room. Kay Dave yan, sa dulo yung sa amin. Kunin mo na doon yung gown na naka box pa at be careful hija ah, you might drop it. Bye, I have to go. Alam na ng nanay mo ang bilin ko 'bout the gown."

Pulang pula ang mukha niya, "Oh my!" nakakahiya, parang binuhusan ulit siya ng malamig na tubig at tumango-tango nalang siya sa mga sinabi nito. Pinuntahan na niya agad ang gown sa kwarto nito at dali daling umuwi.

Fated To Love You (Candace & Dave)Where stories live. Discover now