Chapter 2

30 0 0
                                    

"Ang hirap namang humanap ng magandang trabaho ngayon." himutok niya. Pagod na siya at mukhang masungit ang panahon, uulan pa yata. Kailangan talaga niya ng trabaho para makatulong sa nanay niya. Lalo pa ngayong may edad na ito at madali na itong magkasakit.

"Wala akong payong, paano na to? Saan ba ako sisilong!" Nasa exclusive subdivision siya at papunta sa bahay ng mga Sy. Manghihiram siya ng pera kay Manang Martha para sa gamot ng nanay niya, nagka trangkaso kasi. May naisip siyang solusyon. 

"Wait, wait, wait lang ha!" Sabay tingala sa langit na as if naman may sasagot.

"Sun dance! Ang talino mo talaga Candace, parang kang si Laida Magtalas!" Nakatawa niyang sabi na parang na aaning na. Aktong sasayaw na siya nang my bumusina sa likod niya.

"Ang lakas na man, parang mabibingi na ata ako!" Lumingon siya at hindi niya maaninag kung sino ang nasa loob ng black na sports car, heavily tinted kasi.

Nabigla siya nang bumaba si Dave Sy sa kotseng kamuntik muntikan nang makasagasa sa kanya.

"Hala! Ikaw pala yan Dave! Akala ko kung sinong Greek God na bumaba galing Mt. Olympus!" exaggerated niyang sabi.

"Will you do me a favor? Keep yourself locked up in an asylum and stay away from me" his voice cold, unfeeling.

Huh anu raw di ko masyado na gets, pwede paulit Honeybunch?!

Parang na gets naman agad ni Dave kahit hindi niya sabihin ang naisip niya. Nahulog at naapakan kasi niya ang kanyang gray matter.

"Get Lost!" Sabay talikod nito.

"Dave ba't ka galit?" habol niya dito. "Galing ako sa paghahanap ng trabaho at kahit gusto kong sundan ka, eh, hindi naman talaga kita sinusundan. Siguro talagang naka tadhana na mag kita tayo ngayon."

Lumingon ito, "Do you really think so?" he said sardonically.

"Oo naman, Dave alam mo namang love kita diba mula pagka bata."

Naka sakay na agad ito sa kotse at pinaharurot iyon. Parang nakisabay ang panahon sa nararamdaman niyang pagka dismaya at biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Dave.., bulong niya. Bakit kaya siya palaging ganoon hindi man lang marunong ngumiti?"

Hello! tanga ka ba di ka nga niya like kaya di yon ngingiti sayo noh!  Pero!!!!

"Oh my Dave! I can't believe it kinausap mo talaga ako. May progress na ang oplan Mrs. Sy! Hehehe... Sa susunod ngingiti ka rin sa akin." naka ngisi niyang sabi.

Naglakad na lang siya at hindi na sumilong pa, what for? eh basang basa na siya.

"Brrrr....ang lamig naman!" Nangangatog na ang mga tuhod niya sa lamig at lakas ng ulan. Thank God at malapit na siya sa bahay nina Dave.

Nag door bell siya pero walang sumasagot kaya pumasok na lang siya at dumaan sa likod ng bahay papunta sa kusina.

"Nakakahiya namang pumasok baka madumihan ko ang tiles dito sa kusina. Asan kaya si Manang Martha? Ma txt nga."

Dahil sa lamig pumasok na siya at nakita naman niyang bumukas ang kwarto ni Manang Martha na malapit lang sa kusina.

"O dahling Candace why are you wet?" tanong nito at nag English pa obvious namang umuulan sa labas.

"Naks naman Manang Martha talagang kinacareer nyo na po ang pag eenglish"

"Of course naman dahling para sa aking boyfriend na si Steve".

 Si Steve ay ang ka chat nitong amerikano na kasing edad lang nito.

"Ah, Manang Martha meron po ba kayo ngayon?" nag aalangan niyang tanong.

"Jusko namang bata ka! Alam mo namang matagal na akong retired sa pag memenstruate eh itinatanong mo pa". Nakataas ang tattoed na kilay nito.

"Hahaha....Eh hindi po yun! Meron po ba kayong extra money ngayon? Pwede po ba akong umutang sa inyo?" medyo kabado niyang tanong dito.

"Yun lang pala, Magkano ba Candace?"

"Mga tatlong libo lang naman po".

"Ay chicken! alam mo ba iha, pinapadalhan na ako ni Steve ko. May dollars na ako! hagikhik nito. "Sandali lang ha kunin ko sa kwarto ko yung pera, just wait and have a seat"

Ang lamig talaga, naka centralized nga pala ang aircon dito. Magastos masyado tong mga to sa kuryente sigurado ako. Hay pati ba naman yun naiisip ko pa. 

"Asan kaya si Dave my love so sweet." Nakaupo na siya at yakap ang sarili dahil sa lamig.

"Didn't I tell you to stay away from me?!" parang kidlat ang boses nito.

"Ay kabayo ni Hercules!" Napatayo siya sa kanyang kinauupuan, si Dave lang pala. Tumingin siya sa gwapo nitong mukha. "Eh, hindi nga kita sinusundan Dave. Si Manang Marta ang sinadya ko rito". naka dilat ang mata niyang sabi dito.

Hindi ito sumagot at nahuli niyang nakatitig ito sa kanyang Mt. Ararat at pinamulaan siya ng muka.

O, diba nilalamig ka Candace may pampainit kana. Eeee, tagos sa buto kung makatitig.

Para pala siyang naka see through sa basa niyang blouse. Kitang kita na pati kaluluwa niya at itim pa man din ang brassiere niya.

"Uy Dave ha, you're so naughty. Anong tinitingnan mo?" may malisyang tanong niya rito.

Nasa likod na ni Dave si Manang Martha at kinalabit nito ang binata. 

"Ah kids! Ano ang nangyayari rito? O, Dave anu ang kailan mo rito sa kusina? Tell me and I'll get it for you." Nakatingin si Manang Martha kay Dave at walang kaabog-abog na umalis ito at naglaho na parang bula.

"Si Dave talaga Manang noh parang may sayad kung minsan. Nakakita lang ng beautiful at picturesque scenery, umalis agad". Nakanguso niyang reklamo rito.

"Pag pasensyahan mo na yun alam mo namang mabigat ang dugo nun sayo. Ito na yung pera iha huwag mo ipang bili ng rugby ha, isusumbong kita sa nanay mo". banta nito.

"Ang cheap naman po, three thousand naman din po to medyo malayo malilipad ko nito. Saan kaya ko maka bili ng shabu?" biro niya dito.

Nakatikim siya ng kurot sa tagiliran. "Manang! joke lang po!" umilag siya.

"Ok, umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng nanay mo".

"Sige po Manang, thank you po rito ah. Hayaan niyo po ibabalik ko agad to may kasamang interes." pasasalamat niya rito.

"Ay naku bata ka wag mo nang interesan, ok lang yan di kana iba sa akin para lang tayong magkapatid". biro nito.

"Ok po, ah Manang pahiram naman po ng payong".

Kumuha ito ng kulay pink na payong sa umbrella rack na nasa likod ng pintuan.

"Ito iha, ingat sa pag uwi" bilin nito.

"Salamat po, beauty rest na po kayo. Babye po!"

 Salamat naman at may pambili na ako ng gamot ni Nanay. Lord salamat po at naawa pa rin kayo sa katulad kong may pagka buang. mwah! I love you! Tumingala pa siya sa langit.

Fated To Love You (Candace & Dave)Where stories live. Discover now