Chapter 3

34 1 0
                                    

He loves me

He loves me not

He loves me

He loves me not

He loves me

HE LOVES ME NOT!!!!

Padabog niyang tinapon ang mga tangkay ng santan na minurder niya. Bakit kaya ganoon, kahit sa he loves me, he loves me not, eh wala pa rin talaga akong pag-asa kay Dave ko.

♬♩♪ Oh Dave isang tingin mo lang para na akong matutunaw!! ♬♩♪ pasigaw niyang kanta.

"Hoy Candace! Para ka namang baliw dyan!" sigaw sa kanya ng kaibigan niyang si Belle.

"Baliw agad! Di pwdeng inlove muna?!" irap niya rito.

Nasa labas sila ng bahay nito at kapitbahay ito nina Dave. Kalilipat palang nito at ng mama nito noong nakalipas na taon nang maging kaibigan niya ito. Para itong tomboy kung kumilos. Maluluwang ang mga damit at palaging naka ponytail ang mahaba nitong buhok. Maganda ito kaya lang hindi bagay dito ang naka eye glasses at malago ang kilay nito katulad ng kay Imang.

Nanglait ba! Akala mo kung sinong maganda, eh sa maganda ako eh,hehehe. Ang gaan naman ng bangko ko. kastigo niya sa sarili

"Kasi naman, ikaw eh, ba't si Dave pa?" maangas na tanong nito.

"Belle, siya kasi ang love ko. Mula pa noong six years old ako siya na talaga ang crush ko."

"Ang tagal na pala niyang pagsinta mo, dakila yan friend. Ipagpatuloy mo lang at baka maawa sayo yung tao at pansinin ka na." nakatawang sabi nito.

Nakangusong inirapan niya na lang ito. Bilib talaga siya dito kahit mayaman at professional itong doctor ay nag click kaagad ang friendship nila. Mag iisang taon na rin nang lumipat ito sa subdivision na ito at nagkaroon siya ng instant hangout place sa tuwing gusto niyang mag papansin kay Dave.

"Candace diba Sunday ngayon?  Labas tayo, punta tayo ng mall." pang aaya nito.

"Hay naku Belle, wala nga akong money ngayon. Alam mo namang hindi pa ko nakakahanap ng trabaho."

"Diba nga sabi ko sayo doon ka nalang sa clinic ko. You'll be my new receptionist." deklara nito. Nag asawa na kasi ang receptionist sa clinic nito at nag resign matapos maikasal.

"But I'm not qualified diba? Hindi ako nakapag finish ng college at hanggang third year lang ako sa Accountancy."

"No okay lang yun and  I think you'll be great. At saka ano ka ba hindi naman ako istriktong amo at napaka easy lang naman ng magiging trabaho mo. At galante akong magpa sweldo." sabi nito.

"Are you sure? Baka magsisi ka! Abusada ako at malakas mag palibre." pabirong banta niya dito.

"Okay lang, ibabawas ko nalang sa sweldo mo." tawa nito.

"Okay! TY talaga. Yes! May trabaho na ako. Hindi ko na kailangang mag tiis sa very small na honorarium ko bilang bookeeper sa baranggay namin."

"So? What are we waiting for? Let's go out and have fun. Don't worry, sa ngayon libre muna kita."

"Okay! So where are we heading to?" excited na tanong niya rito.

"To the mall! Off we go." sagot nito.

Kasalukuyan silang nasa mall ngayon at nasa National Bookstore silang dalawa.

"Is this what you call having fun Belle? Bakit puro libro tinitingnan mo nakatapos ka na diba?" inip na tanong niya rito.

"Kaw naman masyadong mainitin yang ulo mo. Don't worry after I pay for these books we're going to have lunch muna. I know why you're acting like that. It's time to feed those tape worms inside your tummy."

Fated To Love You (Candace & Dave)Where stories live. Discover now