"Babe. Kita tayo mamaya? Ha?" Masyadong maharot 'tong babae na 'to. What now? Gustong gusto lang naman nilang makuha katawan ko. Kagwapuhan ko. Lol.
"Okay" sabay tinalikuran ko na naglakad na. Pero may narinig pa 'kong sabi niya.
"Boyfriend na kita, Blake"
"Okay" tapos sinundan niya na naman ako at kumapit pa sa braso ko. "Break na tayo" sabi ko sabay inalis ko na yung kamay niya. Bakit ba? Yan lang naman gusto nila. Yan lang habol nila sakin. Ang maipagmalaking naging boufriend nila ko. Ang masabing ex ko sila.
Anw, I'm Blake Xavier. Only son ng may ari ng Xavier Sy University. Yeah, mayaman kami. Gwapo. Habulin ako ng babae. Gwapo nga kasi. Hahaha. Mahilig akong makipag one night stand. Pero sa mga pili lang. May taste naman ako. Yung babae kanina, si Claire 'yon. Patay na patay sakin. Isa siya sa kilala dito sa university. Maganda. Sexy. Cheerleader. Tapos na kami kagabi, tapos mag de-demand pa siya na i-boyfriend niya ko? Pumayag ako. Kaso ayoko ng matagal.
"Blake! Boyfriend na kita" Tawag sakin nung isang babae sabay hinalikan ako. Syempre gumanti ako. Sexy din 'tong isang 'to.
"Ang bababoy niyo!" Sigaw ng isang babae kaya naman napahinto na kami sa paghahalikan. "Break na tayo" sabi ko ulit. Tinignan ko kung sino nagsabi non, kaso wala naman. Pero may nakita akong babaeng naglalakad sa di kalayuan. Pero di ko na pinansin.
Alliyah's POV
"Ma, alis na po ako." Paalam ko kina mama. Saan ako pupunta? Malamang sa school. Saan pa? Hahaha. Djk. Paglabas ko ng gate, nakita ko naman yung kuya ko. Kapatid ko. Pero sa nanay lang."Ang aga mo yata?" Sabi niya sabay nagtanggal pa ng headset.
"Hm? Maaga pa ba 'to? Tsaka maglalakad pa ko oy. Baka malate ako"
"Maglalakad ka? Seryoso? Malayo 'yon." Sabi niya na akala mo napaka concern sakin. If I know, gusto naman ako nitong nahihirapan. Tsaka walking distance lang naman. Pft "Tara na, hatid na kita"
"Wag na, kuya" sabi ko naman
"Hays. Ba't ba ang kulit mo? Tara na" Sabay hila niya sakin palabas. Kaasar. May magagawa pa ba ako dito. Sumakay na siya sa motorbike niya. Tapos sumakay na 'ko sa likod. "Dahan dahan lang ah"
"Bobo ka talaga. Alangan namang bilisan ko di ba? Mag isip ka" Tignan mo 'to. Akala ko pa naman bumabait na, demonyo pa rin. Hays ._. Di na lang aki sumagot sa sinabi niya. Tahimik lang ako habang nag d-drive siya hanggang sa makarating na 'ko sa school.
"Ingat ka diyan. Madaming gago diyan" sabay biglang alis. Tignan mo. Bastusan di ba? Bait niya talaga. Napabuntong hininga na lang ako tapos napatingin sa school habang nasa labas pa 'ko ng gate.
*Lakad. Lakad*
"ARAY NAMAN! TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO!" Sabi nung isang babaeng nasagi ko. Maganda sana, tanga naman. Sorry naman. Di naman sinasadya. Di nalang ako nagsalita tapos dumiretso na lang ako ulit maglakad. Yung mga tao dito mukhang gago talaga. Tama sabi ni kuya. Mga estudyante dito halos naninigarilyo. Barumbado kung titignan. Yung mga babae daig pang clown sa sobrang kapal ng muk-- este make up. Hahaha
Nga pala. I am Alliyah Ellaine Mendoza. Di ako mayaman. Oo. Kaya lang naman ako nakapasok sa school na 'to kasi scholar ako. Ganon lang 'yon. Tsaka no choice. Kakalipat lang namin ng school at ito lang talaga university sa lugar na 'to. Single ako. Wala akong panahon sa love life ko, pero isa rin akong naniniwala sa mga fairytales at nangangarap na mahanap din prince ko. Corny no? But, it's true.
Lakad pa rin ako ng lakad hanggang sa may makita akong lalakeng naglalakad. Gwapo. Feeling ko nag blush ako nung nakita ko siya. Alam mo yon? Ang perfect niya tignan. Yung ilong niya, yung lips. basta. Perfect *-* Kaso yang mga sinabi kong yan parang nagbago sa ginawa niyang nakita ko.
"Blake! Boyfriend na kita" sabi ni ate. Wow. Lakas ng fighting spirit. AND. OMYGOSH. Hinalikan niya si kuya. Tapos yung gwapo naman wala lang. Ginantihan niya pa.
"ANG BABABOY NIYO!" Di ko na napigilan sarili ko at bigla na lang lumabas yan sa bibig ko. Pagkasabi ko niyan agad na rin akong umalis. Ang bilis pa nga ng lakad ko. Jusq. Napahinto kasi sila sa paghahalikan nila.
Claire's POV
Blake Havier, mark this day. You'll regret this!
----
Keep on voting and reading, guys. :)